Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangingibang-bansa ng mga Pilipino, hindi kaagad matatapos

(GMT+08:00) 2013-01-15 18:17:49       CRI

MAGTATAGAL pa bago tumigil ang mga Pilipino sa pangingibang-bansa. Ito ang pananaw ni Fr. Edwin Corros, executive secretary ng Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People sa isang panayam ng CBCP Online Radio.

Ayon kay Fr. Corros, tumatak na sa isip ng mga Pilipino na mas maganda ang buhay kung mangingibang-bansa ang mga nakapag-aral ng kursong kailangan sa ibang bahagi ng daigdig. Tinagurian niya itong "migration mentality." Tinitingala umano sa mga komunidad ang mga nangibang-bansa kaya nagiging halimbawa na sila sa karamihan ng mga kabataan.

Kitang-kita sa mga kursong iniaalok sa mga pamantasan tulad ng Maritime Engineering, Hotel and Restaurant Management, medical courses at caregiving studies na pawang pinakikinabangan.

Nilinaw ni Fr. Corros na ang kanilang pinagtutuunan ng pansin ay ang pamilta ng mga manggagawang nangibang-bansa. Bagaman, dumadalo rin sila sa mga manggagawang may problema.

May mga bansang nagpadala rin ng kanilang mga manggagawa sa ibang bansa tulad ng Pilipinas subalit bumalik na sa kanilang pinanggalingan sa pag-unlad ng kanilang mga bansa. Binanggit niya ang mga bansang Malaysia, Thailand, Timog Korea at ang Taiwan na mayroong mga manggagawa sa Pilipinas

Isang dahilan pa rin ay ang malaking kita mula sa kanilang mga pinaglilingkuran. Ibinalita na ng Bangko Sentral ng Pilipinas na sa pagtatapos ng taon, na umabot na sa US $ 21.6 bilyon mula Enero hanggang Nobyembre 30.

BAKANTENG TRABAHO, MAS MARAMI NGAYON

SA kauna-unahang pagkakataon, mas marami ang talaan ng mga bakanteng trabaho kaysa sa bilang ng mga aplikante. Ayon sa Phil-Job Net, umaabot sa 264,000 ang mga bakante samantalang higit lamang sa 117,000 ang mga aplikante.

Ayon kay Kalihim Rosalinda D. Baldoz, pinakamataas ang bilang ng mga bakanteng trabaho kung ihahambing sa 40,000 mga bakanteng hanapbuhay mula noong Hulyo 2010.

Sinabi ni Atty. Abigail Valte, deputy presidential spokesperson, na pinasigla ni Kalihim Baldoz ang Phil-Job Net at isinama ang mga pangalan ng mga skilled workers at mga lehitimong mga ahensya. Lumago na rin ang website sapagkat kaya na nitong maglaman ng datos ng may kapasidad na 100,000 job vacancies.

PADALANG SALAPI MGA MANGGAGAWANG PILIPINO TUMAAS

SA likod ng matinding dagok ng krisis sa ekonomiya sa Europa at America, tumaas pa ang personal remittances mula sa mga manggagawang Pilipino at umabot sa US $ 2.1 bilyon noong nakalipas na Nobyembre 2012 at kinakitaan ng 7.6% growth mula sa parehong panahon noong 2011.

Mula Enero hanggang Nobyembre 30, 2012, umabot na sa US $ 21.6 bilyon ang remittances at lumago ng 6.1% kaysa sa naibalita noong 2011.

Ayon sa Bangko Sentral, ang paglago ng remittances ay nagmula sa 12.7% growth sa transfers mula sa sea-based workers at land-based workers na mayroong maiiksing kontrata. Kasabay na rin dito ang 13.4% increase sa remittances mula sa mga land-based workers na ang kontrata ay higit sa isang taon.

Ang cash remittances mula sa mga manggagawang Pilipino na idinaan sa mga bangko ay nanatiling matatag at nagkaroon ng growth na 7.6% at naabot at US $ 1.9 bilyon noong Nobyembre 2012. Ang cash transfers mula Enero hanggang Nobyembre 2012 na dumaan sa mga bangko ay higit na lumago sa higit sa P 19.4 bilyong piso na mas mataas ng 6% sa natamo noong nakalipas na taon.

Ayon sa pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr., nalampasan na nila ang kanilang projection na 5% sa cash remittances na idinaan sa mga bangko sa buong taon ng 2012.

Karamihan ng remittances ang nagmula sa Estados Unidos, Canada, Saudi Arabia, United Kingdom, Japan, United Arab Emirates at Singapore.

DOMESTIC DEMAND, SANDIGAN NG MGA BANSA SA ASIA

MAS MAGANDA ANG 2013.  Ito ang paniniwala ni Gobernador Amando M. Tetangco, Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas (gitna) sa kanyang pagharap sa Tuesday Club sa EdSA Plaza Hotel kaninang umaga.  Nasa kanyang kanan ang kolumnistang si Boo Chanco ng Philippine Star at nasa kaliwa naman si Tony Katigbak, Chairman ng Tuesday Breakfast Club.  (Melo Acuna)

UMAASA si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr. na mas maganda ang taong 2013 kaysa sa nakalipas na taon. Samantalang may mga pagbabago sa mga mauunlad ng bansa at naapektuhan ang ekonomiya ng daigdig, nababahala ang policy makers sa pagbabalanse ng pagbabawas sa epekto nito sa kanilang mga pamilihan at maiwasan ang alinmang domestic imbalances na hindi nila kayang masugpo.

Ang pandaigdigang economic activity ay kinakikitaan na ng pagbalik sa normal dahilan sa napapanahong tugon. Inihalimbawa niya ang European Central Bank na nagkaroon ng Outright Monetary Transactions Program, na siyang pagbabadya ng kumilos ayon sa itinatadhang layuning magkaroon ng price stability sa medium term.

Napigilan din ng mga mambabatas ng Estados Unidos, kahit panandalian lamang, ang fiscal cliff.

Ani Governor Tetangco, sa Asia, ang domestic demand ang siyang sandigan ng pagunlad at suportado ng monetary accommodation ng iba't ibang bangko sentral na kinabibilangan ng People's Bank of China at Reserve Bank of India upang mabawasan ang kanilang reserve requirements at mapasigla ang credit activity.

Sa kanyang pagharap sa Tuesday Club kaninang umaga, sinabi ni Ginoong Tetangco na ang ekonomiya ng Pilipinas ay kumukuha ng lakas sa tinaguriang "homegrown sources of resilience." Ang maayos na pamamalakad sa pananalapi ay naging dahilan ng domestic inflation na may average rate na 3.2% noong 2012. Napakalapit nito sa target na tatlo hanggang limang porsiyento ng buong taon. Ito na umano ang ikaapat na taon na nagtagumpay ang Bangko Sentral ng Pilipinas na mapanatili ang inflation ayon sa target ng pamahalaan.

Nakinabang din ang bansa sa pinasiglang paggasta ng pamahalaan at pagkakaroon ng matatag na pribadong sektor. Ang fiscal deficit ng bansa mula Enero hanggang Nobyembre ay umabot sa P 127.3 bilyon at mas mataas ng P 31 bilyon sa deficit na natamo noong nakalipas na taon. Ang pamahalaan ay mayroong mas malawak na fiscal space upang mapanatili ang public spending at masuportahan ang economic activity.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>