Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Barko ng America, sumadsad sa Tubbataha Reef

(GMT+08:00) 2013-01-17 18:25:22       CRI

SUMADSAD kaninang mga alas dos viente cinco ng hapon ang barko ng Estados Unidos na nagngangalang US Ship Guardian sa Tubbataha Reef at nananatiling nasa batuhan. Ito ang balita mula sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas base sa ulat ng Embahada ng America sa Maynila.

Inaalam pa ng mga magdaragat na Amerikano kung paano maaalis ang barko sa batuhan.

Ayon sa pahayag ni Assistant Secretary Raul Hernandez, naglalayag ang barko sa Sulu Sea matapos dumaong sa Subic sa Zambales. Sinisiyasat pa rin ang dahilan ng pagsadsad ng barko.

Nakikipagtulungan pa ang Embahada ng America sa Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Philippine Coast Guard. Magsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Pilipinas, susuriin ang epekto ng insidente sa batuhan at magrerekomenda ng mga magagawa.

Layunin ng Kagawaran ng Ugyanang Panglabas na mapanatiling ligtas ang paglalayag at maiwasan ang karagdagang pinsala sa pambansang likas yaman, dagdag pa ni Ginoong Hernandez.

Mga pambatong kalakal ng Pilipinas, binanggit ni Ginoong Pangilinan

NANGUNGUNANG kalakal ng Pilipinas ang outsourcing services, turismo at pagmimina. Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng Foreign Correspondents Association of the Philippines na pinamagatang "Prospects 2013," sinabi ni Manuel V. Pangilinan ng First Pacific Company Limited na ang outsourcing ay kinabibilangan ng mga manggagawang nasa ibang bansa, pinagsanib na manggagawa sa call centers at business process outsourcing at lumalabas na ang mga mamamayan ang siyang pinakamagandang pinagmumulan ng yaman para sa industriya.

Nangunguna umano ang Pilipinas sa services business ng call centers at bpos at ang remittances ng mga manggagwang nasa ibang bansa at hihigit pa sa $ 20 bilyon sa taong 2012 at nagpalutang ng ekonomiya ng bansa.

Sa Pilipinas pa lamang, $ 12 bilyon na ang inaasahang kita ng mga bpos sa taong 2012 at madodoble sa loob ng limang taon.

Kailangan naman ang mga pagawaing bayan kung isusulong ang turismo. Ang bawat turistang banyagang darating sa Pilipinas ay katumbas ng isang Pilipinong nagkahanapbuhay.

Nalulungkot naman si Ginoong Pangilinan sapagkat nasa ilalim ng lupa ang masaganang likas na yaman tulad ng Tampacan sa South Cotabato na maituturing na yungib ni Ali Baba sapagakat nagkakahalaga ito ng higit sa $ 100 bilyon samantalang ang investments ay nagkakahalaga ng $ 6 bilyon.

Ani Ginoong Pangilinan, isang mahalagang paksang dapat bigyang pansin ay kung kailan at kung paano magagamit ang potensyal ng langis at natural gas sa karagatang nasa kanluran ng Pilipinas na kinalalagyan ng SC 72 concession.

Mayroon ding mga kalakal na maituturing na bahagi ng produkto ng manpower skills exodus tulad ng medical tourism at retirement communities o mga espesyal na barangay.

Pangatlo ay ang mga pagawaing bayan tulad ng power plants, toll roads, mga daungan, water systems, light and heavy rails at mga paliparan. Ang pinakahuling international airport na naitayo ay noon pang 1970s. Sa kalagayan ng NAIA, napapanahon nang magtayo ng bagong paliparan.

Magkakaroon din ng masamang epekto ang kakulangan ng kuryente sa lumalagong ekonomiya. Nararapat madaliin ang pagtatayo ng mga bagong planta.

Marami pa ring umaasa sa mga deep well na hindi naman maituturing na eco-friendly. Nararapat lamang na mapalitan ang mga ito ng higit na maaasahang bulk water systems. Maliban sa dalawang matagumpay na water concessionaries sa Metro Manila, ang ibang bahagi ng bansa ay mayroong sinaunang distribution networks kaya't maraming nasasayang na tubig, mataas na presyo nito at 'di maasahang serbisyo.

Binanggit din ni Ginoong Pangilinan ang light rail systems na dapat isaayos at mapalawak. Wala ring heavy, commuter rail network na may koneksyon sa matataong lugar ng Luzon.

Idinagdag pa ni Ginoong Pangilinan na dapat pasiglahin ang sektor ng pagsasaka sapagkat sa sektor na ito matatagpuan ang 2/3 ng labor force at 40% ng gross domestic product. Mas mahalagang tingnan na 70% ng mahihirap na mga mamayan ang naninirahan sa kanayunan. Kung hindi sisigla ang sektor na ito, higit na lalalala ang kahirapat at magiging dahilan ng pagdagsa ng mga mamamayan sa mga mauunlad na lungsod.

Pati ang mga batas ay mayroong masamang epekto sa investors tulad ng pagbabawal sa mga banyagang magkaroon ng mga lupain samantalang ang mga benepisyaryo ng repormang agraryo ay 'di makapagsangla ng kanilang lupain.

Nananatiling dalawa ang katanungan, dagdag ni Ginoong Pangilinan at ito ay kung magtatagal pa ang kaunlaran at possible pang mapabilis ang kaunlarang ito.

Sa sumunod na Question and Answer portion, sinabi ni Ginoong Pangilinan na ang isyu ng soberenya ng bansa ang dahilan kaya't hindi pa umuusad ang kanilang exploration sa South China Sea o West Philippine Sea. Kung maitatabi ang isyung ito, malaki ang posibilidad na magkatulungan at magkabakas ang Pilipinas at Tsina.

Niliwanag niyang saklaw sila ng pamahalaan at mga batas ng Pilipinas sa pagbibigay sa kanyang kumpanya ng concession. Hindi umano makikipagkasundo ang kanyang kumpanya sa alinmang bansa na makasasama at tataliwas sa itinatadhana ng batas.

Dalawang bagay ang maaaring magawa, ito ay ang paglutas sa isyu sa pamamagitan ng political track at ang pangalawa ay sa commercial track. Umaasa siyang may mararating na kasunduan ang Pilipinas at Tsina sa eksplorasyon ng karagatan para sa mga likas na yaman.

Mohager Iqbal, umaasang magtatagumpay ang kapayapaan

UMAASA si Mohager Iqbal na matatamo ang kapayapaan sa Katimugang Pilipinas. Sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, sinabi niya na bagama't natapos ang ika-34 na na pag-uusap noong nakalipas na Disyembre ng walang napapagkasunduang takdang petsa ng susunod na talakayan, naniniwala siyang madali nang maipapasa ang apat na mahahalagang paksa.

Mas mahirap umanong talakayin ang detalyes sapagkat partikular na tutugon ito sa interes ng mga Bangsamoro at ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Idinagdag ni Ginoong Iqbal na kahit na ang mga kasapi sa international community ay umaasang magtatagumpay at maghahari ang kapayapaan sa Mindanao. Niliwanag niyang kumakatawan ang Moro Islamic Liberation Front sa mga interest ng iba pang mga Muslim, kahit na ng mga katutubo.

Buo ang kanilang pagtitiwala kay Pangulong Aquino na maghahari ang kapayapaan, dagdag ni Ginoong Iqbal.

Caritas Philippines, nagbabala laban sa mga manloloko

BINALAAN ng Caritas Philippines ang may mabubuting kalooban dahilan sa mga masasamang elementong gumagamit ng pangalan ng social action arm ng simbahang Katolika sa Pilipinas.

Isang taga-Masambong High School ang nagtungo sa Caritas Philippines upang mag-reklamo.

Isa umanong nagpakilalang Cecille Villanueva ang naglilikom ng salapi para sa isang pabahay sa mga guro at iba pang kawang-gawa.

Nakakuha umano ng mga donasyon mula sa Roxas High School at San Bartolome High School na kapwang nasa Lungsod Quezon.

Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na wala silang kawaning may pangalang Cecille Villanueva.

Nanawagan si Bishop Pabillo sa madla na huwag magbibigay sa ganitong solicitation sa ngalan ng Caritas Philippines. Ang alinmang liham na nangingilap ng salapi ay may lagda ng National Director o Executive Secretary ng samahan, dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>