|
||||||||
|
||
January 6, 2013 (Sunday)
Three Kings
Happy Three Kings sa inyong lahat! Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa isang requested song...
IT'S ALL IN A GAME
(BARRY MANILOW)
Narinig ninyo si Barry Manilow sa kaniyang awiting "It's All in a Game," na lifted sa album na pinamagatang "the Ultimate." Ang awiting iyan ay request ni Lucy Castrence ng Lumban, Laguna.
Salamat sa lahat ng mga kaibigan-tagapakinig sa Shunyi, Beijing; New Territories, Hong Kong; Gachnang, Switzerland; at West Coast Way, Singapore. Mabuhay kayo!
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
THE AUTUMN LEAVES
(NAT KING COLE)
Nat King Cole sa awiting "the Autumn Leaves." Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "the World of Nat King Cole."
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Vivienne Alejandro ng Polytechnic University of the Philippines. Sabi ng kanyang munting sulat:
Mga Magsasakang Pilipino, Dapat Pagtuunan ng Pansin
Hi, Loving DJ!
Heto ako. Wala lang. Gusto ko lang magparamdam at sabihin na sana, ngayong 2013, mapagtuunan ng pansin ng ating mga pulitiko ang agricultural sector. Tama ang ginagawa ng China na pinayayaman ang mga nagbubungkal ng lupa. Isa ako sa mga naniniwala na kapag mayaman ang mga magsasaka, mayaman ang bayan.
Vivienne Alejandro
Polytechnic University of the Philippines
Manila, Philippines
Maraming-maraming salamat, Vivienne. Tama ka riyan. Sama ako riyan. Matagal ko nang minimithi iyan para sa ating bayan. Happy Three Kings and God bless.
Ngayon, punta naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat--Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
MUNTING PAGMAMAHAL SA MALAKING LUNSOD
(LEE HOM WONG)
Iyan naman si Lee Hom Wong sa awiting "Mungting Pagmamahal sa Malaking Lunsod," na hango sa album na may pamagat na "Mga Bayani sa Mundo."
Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng ilang textmates...
Sabi ng 917 413 8312: "Magandang Gabi ng Musika, Kuya Ramon. Binabati kita at ang lahat ng mga tagapakinig mo ng happy New Year and happy Three Kings! Sama ako sa mga nagsusulong ng gunless society. Iyon ay para sa sarili rin nating kabutihan."
Sabi naman ng 0041 787 882 084: "Hi, Kuya Mon! Kelan ba ang Chinese New Year? Katatapos lang ng New Year natin, New Year na naman. Anyway, sana magkaroon tayo ng positibong pagbabago sa 2013."
Sabi naman ng 917 960 6218: "Hello, hello, hello, Kuya Ramon! Miss ka na namin. Sobra talaga. Kelan ka namin maririnig uli sa inyong mga balita? It feels like hindi kumpleto araw namin kung hindi ka namin marinig, hehehe..."
Sabi naman ng 919 426 0570: "Happy Three Kings and advance Happy Chinese New Year sa Gabi ng Musika. Salamat sa pagpapasaya sa amin!"
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. Happy Three Kings and God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |