Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Anim na mangagawang Pilipino, nasawi sa Algeria

(GMT+08:00) 2013-01-21 17:42:18       CRI

LABING-ANIM na manggagawang Pilipino ang na sa maayos na kalagayan samantalang anim ang kumpirmadong nasawi at apat pa ang nawawala.

Sa isang press briefing na ipinatawag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, sinabi ni Assistant Secretary Raul Hernandez na natanggap nila ang impormasyon mula sa DFA Team na nasa Algeria at sa Embahada ng Pilipinas sa London.

Ang mga manggagawang ito ay pawang kawani ng Amenas Gas Facility na sinalakay ng mga militanteng grupo noong nakalipas na linggo.

Nakikipag-ugnayan na ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa mga pamilya ng mga nasawi at isinasaayos na ang lahat upang maiuwi ang labi ng mga biktima. Inaasahan nilang matatagpuan ang apat na nawawala pang manggagawa sa madaling hinaharap.

Nagpaabot naman ng pakikiisa si Fr. Edwin Corros sa mga pamilya ng mga nasawing manggagawa sa Algeria. Sa panayam ng CBCP Online Radio, sinabi ni Fr. Corros na walang magagawa ang sinuman sa kalagayan ng mga manggagawa sa ibang bansa liban sa mag-alala sapagkat wala namang natatagpuang hanapbuhay dito sa Pilipinas kaya't nangingibang-bansa sila.

Ani Fr. Corros, hanggang hindi nadarama ng mga Pilipino ang epekto ng 7.1% growth sa Gross Domestic Product at hindi magkakaroon ng dagdag na industriya sa bansa, patuloy pa ring lalabas ng bansa ang mga manggagawa upang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya.

Inamin ni Fr. Corros na hindi pa rin gasinong kalawakan ang network ng Simbahan sa Pilipinas kung migrant workers ang pag-uusapan. Pangunahing gawain nila ang daluhan ang mga naiiwanang pamilya sa Pilipinas at nakikipagtulungan din sa mga ahensya ng pamahalaan kung magkaroon man ng malaking sigalot o problema sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.

Senate president Enrile, biktima umano ng kasinungalinan, maling balita

IKINALUNGKOT ni Senate President Juan Ponce Enrile na higit na tumindi ang banatan niya at nang apat na iba pang senador na kung anu-ano ang ikinalat sa madla.

Sa kanyang privilege speech ngayong hapon, sinabi ni Ginoong Enrile na nag-ugat ang 'di pagkakaunawaan sa mga pagpapalabas ng tig aanim na raang libong pisong maintenance and other operating expense noong Nobyembre at pagpigil sa release ng karagdagang mooe na inilabas para sa ibang mga mambabatas.

Ang mga pagtuligsa sa kanya, ani Ginoong Enrile ay kasinungalinan, maling impormasyon at maling mga kataga tulad ng "cash gifts," "Christmas bonuses" at "suhol" na mula sa buwis ng mga mamamayan.

Hindi raw niya masisisi na magalit ang taong-bayan dahilan sa propaganda ng kanyang mga kalaban. Sinabi pa niya na patuloy ang follow-up ng isa sa apat na mambabatas na ilabas na ang kanyang karagdagang MOOE.

Niliwanag ng mambabatas na wala siyang sinuhulang sinuman sa kanyang paglilingkod sa pamahalaan.

Ideneklara ni Ginoong Enrile na bakante ang posisyong Senate President. Makabubuti umanong magkaroon ng bagong liderato sa gitna ng maling mga balitang lumalabas sa media. Makabubuti umanong tapusin na ang usapin upang magpatuloy ang maayos na gawain ng Senado, dagdag pa ni Ginoong Enrile.

Wala pa namang nagaganap na botohan sa Senado ng Pilipinas ngayon.

Breaking News:

Nagkaroon na ng botohan sa Senado ng Pilipinas, lumabas na (labing-isa) 11 ang hindi pumabor sa deklarasyon ni Ginoong Enrile samantalang dalawa (2) ang nagsabing pabor sila sa deklarasyon ng Senate President.

Ika-35 pag-uusap ng pamahalaan ng Pilipinas at Milf nagsimula na

NAGPULONG na muli ang mga kinatawan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa Kuala Lumpur, Malaysia. Sa kanyang opening statement, sinabi ni Chief Government Negotiator Prof. Miriam Coronel Ferrer na magalang ipagpatuloy ang pag-uusap lalo't nakatuon ang pansin sa mga detalyes na napapaloob sa Bangsamoro Framework.

Ipinaliwanag din niya na kinailangan nilang himayin ang mga isyu tulad ng karapatan ng mga Bangsamoro ay nararapat kilalanin at nananatili ang "freedom of choice" tungkol sa kanilang pagkatao, political representation at equal protection na nararapat garantiyahan sa lahat ngpagkakataon.

Mayroon pa rin umanong mga taong nagdadalawang-isip sa posibilidad na magkakaroon na naman ng panibagong grupong magsasabing kumakatawan sa mga Muslim. Ayon kay Chairman Ferrer, walang isyu kung Moro o hindi Moro ang isang tao basta't ang mahalaga ay ang kanilang karapatan sa kanilang ancestral domain.

Ang layunin ng pamahalaan ay transformation at empowerment at hindi patronage. Ang mga bagong institusyon ay sasaklaw sa lahat at tinitiyak ang transparency. Natuto na ang pamahalaan sa mga nakalipas na karanasan. Bagama't wala sa panig ng pamahalaan ang lahat ng kasagutan, ang mahalaga'y mapag-usapan ang mga isyu sa apat na annexes na kasama ng Framework Agreement ay bubuo ng comprehensive agreement.

Sektor ng pagsasaka, lumago ng 2.92%

LUMAGO ANG SEKTOR NG PAGSASAKA SA NAKALIPAS NA 2012.  Ipinaliliwanag ni Kalihim Proceso J. Alcala sa mga mamamahayag ang paglago ng sektor ng pagsasaka ng may 2.92% noong 2012 at nagkakahalaga ng P 1.4 trilyon.

SA likod ng mga trahedyang hinarap ng bansa sa nakalipas na taong 2012, lumago pa ang sektor ng pagsasaka at natamo ang kaunlarang 2.92% na nagkakahalaga ng P 1.4 trilyon sa halaga ngayon.

Sinabi ni Kalihim Proceso J. Alcala sa isang press briefing kaniang uamga, na ang kaunlarang natamo ay dahilan sa tatlong subsector at ang mga ito ay nagdulot ng 82% at naging dahilan ng pinagsanib na kaunlaran ng 3.6%. Ang fisheries subsector na may 18% ambag sa produksyon, ay kinakitaan ng pagbaba ng 0.04% dahilan sa pagbagsak ng ani mula sa municipal fishing grouns at nagkaroon ng 3.9%.

Ang mga bumubuo ng crops subsector ay mahalaga rin ang katayuan kahit pa nanalasa ang mga bagyo at baha noong nakalipas na taon. Ang palay ay nagkaroon ng 'di mapantayang ani na umabot sa 18.03 metric tons samantalang ang mais ay nagkaroon ng 7.41 milyong metriko tonetalada.

Mas mataas ang inani noong 2012 ng may 8.1% mula sa kabuuhang 16.68 milyong metriko tonelada. Nangayri ito dahilan sa 3.4% sa kabuuhang lupain na may sukat na 4.69 milyong hektarta kung ihahambing sa 4.54 milyong hektarya nong 2011. Ang increase na ito ang siyang kauna-unahang pagkakataon na natamo ito mula noong 2000.

Lumaki rin ang ani ng palay ng may 4.3% sa bawat ektarya at narating na ang 3.84 metriko tonelada mula sa 3.68 metriko tonelada noong 2011. Ipinaliwanag ni Kalihim Alcala na ito ay dahilan sa mataas na uri ng binhi na kayang bilhin ng mga magsasaka sa pamamagitan ng starter seed packs, community seed banks at regional seed buffer stocking system.

Nagmula ang mataas na ani ng palay sa Gitnang Luzon na nakapag-ambag ng 3.22 milyong metriko tonelada na mas mataas ng 23% kaysa sa inani noong 2011, Cagayan Valley na mayroong 2.43 milyong metriko tonelada, Kanlurang Kabisayaan na mayroong 2.29 metriko tonelada, Ilocos Region na nag-ambag ng 1.74 metriko tonelada, Soccsksargen 1.27 milyong metriko tonelada at Bicol Region na mayroong 1.17 milyong metriko tonelada.

Sa larangan ng mais, lumago ng may 6.25% kung ihahambing ang ani ng taong 2012 sa natamo noong 2011. Magugunitang umani ng 7.41 milyong metriko tonelada ng mais nitong 2012 samantalang umabot lamang sa 6.97 milyong metriko tonelada ang bansa noong 2011.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>