|
||||||||
|
||
Kung kayo ay nagmamaneho, punding-pundi na ba kayo sa mga pasaway na batas-trapiko, na parang hindi pinag-isipan, at basta na lamang inimplementa.
Tulad sa Pilipinas, ang mabigat na daloy ng trapiko at aksidente sa lansangan ay ilan din sa mga malaking suliraning kinakaharap ng mga malaking lunsod ng Tsina.
Mayroon ding ibat-ibang sistemang ginawa ang malalaking lunsod na ito, upang maresolba ang problema sa trapiko; kabilang na riyan ang number scheme, at ang pinakabagong adisyon, ang bagong regulasyon sa ilaw-trapiko.
Para sa episode ngayong gabi ng "Dito Lang 'Yan Sa Tsina," ang batas-trapiko, partikular, ang bagong regulasyon sa ilaw-trapiko, drunk-driving, at pakikipag-usap sa cellphone habang nagmamaneho ang ating pagtutuunan ng pansin.
Narito po ang audio program kasama si Sarah, ang super duper mamalicious ng CRI:
Mga kaibigan, narinig po ninyo ang aming mga opinyon at saloobin sa ating paksa ngayong gabi. Ngayon, kayo naman ang gusto naming mapakinggan.
Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-post lamang ng inyong mensahe sa message board sa ibaba, o magtext sa numerong 09212572397.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |