Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Small at medium enterprises, pag-uusapan sa APEC 2013

(GMT+08:00) 2013-01-24 18:43:39       CRI

Small at medium enterprises, pag-uusapan sa APEC 2013

APEC BUSINESS ADVISORY COUNCIL (ABAC) NAGPULONG SA MAYNILA.  Natapos kahapon ang pagpupulong ng mga mangangalakal na kabilang sa ABAC.  Isinaaayos nila ang kanilang mga programa at magiging mga rekomendasyon sa nalalapit na pagpupulong ng APEC sa Bali, Indonesis sa huling bahagi ng taon.  Humarap ang mga kinatawan ng iba't ibang bansa na pinamuan ni Wishnu Wardhana (gitna). 

TINIYAK ni Wishnu Wardhana, chairman ng APEC Business Advisory Council na maraming nakatakdang pag-usapan sa darating na Setyembre at Oktubre sa Bali, Indonesia. Kabilang sa pag-uusapan ang kalagayan ng small at medium enterprises at mga isyung may kinalaman sa pananalapi.

Sa isang press briefing na idinaos sa huling araw ng kanilang tatlong araw na APEC Business Advisory Council (ABAC) Meeting sa Makati Shangri-La Hotel, sinabi ni Ginoong Wardhana ang anumang ipapayo ng kanilang samahan na binubuo ng mga mangangalakal ay makakatulong din sa kani-kanilang mga bansa tulad ng nagaganap sa Pilipinas at Indonesia.

Ipinaliwanag niya na nauunawaan nila sa ABAC ang Asia ay nagiging catalyst para sa pandaigdigang ekonomiya at titiyakin nilang mapapanatili ang ganitong katayuan sa mga susunod na taon.

Umaasa siya na ang ABAC ay makapagbigay ng sapat na mga rekomendasyon at sana'y mapakinggan at maunawaan sila ng kanilang mga pinuno ng bansa.

Mga business leader ang nagpulong sa Maynila upang isaayos ang kanilang agenda para sa taong ito. Nagkasundo silang palakasin ang mga paraan upang matiyak na magpapatuloy ang economic growth sa panahon ng kahirapan sa pandaigdigang ekonomiya.

Sa ilalim ng temang "Partnership, Resilience and Bridges to Growth," isaayos nila ang kanilang ma rekomendasyon kung paano mapapalalim at higit na mapakikinabangan ang pagtutulungan sa larangan ng economic integration, pagsusulong ng mga pagawaing bayan at pangmatagalang kaunlaran. Isusulong na rin ang small at micro enterprise development kasabay ng entrepreneurship at pagsasama-sama ng financial markets.

Magugunitang may 21 mga bansang kabilang sa Asia Pacific Economic Cooperation na kinabibilangan ng Pilipinas.

Maganda ang hinarap ng Pilipinas sa capital markets

MAGANDA ANG CAPITAL MARKET SA PILIPINAS.  Ipinaliwanag ni G. Edgardo B. Lacson, isa sa mga Director ng Philippine Stock Exchange na maganda ang naganap noong 2012.  Sa pangyayaring ito, 60% ng salaping umiikot sa stock exchange ay salapi mula sa Pilipinas.

MAGANDA ang taong 2012 na kinakitaan ng magandang projections para sa taong 2013. Sa capital markets lumitaw ang masiglang galaw ng pamilihan. Ayon kay Edgardo B. Lacson, isa sa mga director ng Philippine Stock Exchange, nalampasan na ang 6,000 points ng stock market ngayong buwan ng Enero.

Noon umanong mga taong 2003 hanggang 2005, sa oras na marating ng stock market ang 3,000-4,000 points ay masaya na ang mga investor at ang pamahalaan.

Sa panayam ng CBCPOnline Radio, naniniwala siya na sa oras na matamo ng Pilipinas ang investment grade sa Fitch rating, nakatitiyak ang bansa na mas maraming investors ang papasok upang magkalakal.

Idinagdag ni Ginoong Lacson na foreign funds ang nadama sa stock market sa ratio na 70-30 ratio. Ipinaliwanag niyang nabaliktad na ito sapagkat 60% ng salaping ginagamit sa kalakal ay mula sa domestic market. Capital formation ang magaganap at nangangahulugan na magkakaroon ng expansion o pagpapalago ang mga bahay kalakal mula sa funding.

Nagsisimula na ring umangat ang exports sapagkat umaangat na rin ang pamilihan sa Estados Unidos. Hanggang hindi pa lubusang nakakabawi ang ekonomiya ng Amerika at Europa, paunti-unting salapi ang papasok sa bansa.

Sinabi ni Ginoong Lacson na pinakamaganda ang naging performance ng Philippine Stock Exchange sa daigdig sapagkat nagkaroon ng higit sa 500% improvement.

Barkong nabahura sa Tubbataha Reef. aalisin na

INAALAM ng mga autoridad kung paano maaalis ang USS Guardian ng walang nasisirang batuhan sa Tubbataha Reef. Ito ang pahayag ni Transportation Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na nagsabing nagtutulungan ang Philippine Coast Guard at US Navy kasama ang ilang environmentalist groups.

Walang anumang pagtagas ng langis mula sa barko kahit napinsala ang kasko ng barko, ayon kay Rear Admiral Rodolfo D. Isorena, commandant ng Philippine Coast Guard. Buo ang mga tangke ng krudo nito.

Di tulad ng mga bakal na kasko ng minesweepers ng World War II, ang mga bagong barko ay mayroong kahoy at bronse upang maiwasan ang sinasabing magnetic signature.

Lubhang malalaki ang alon sa Sulu Sea lalo na sa hapon dahilan sa amihan. Inaalam pa ng US Navy ang mga delikadong kargamento ng barko upang huwag nang makapinsala sa mga batuhan,

Kaarawan ni Pangulong Corazon C. Aquino, gugunitain

BUKAS gugunitain ng bansa ang ika-80 taon ng kapanganakan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino na siyang simbolo ng kalayaan ng bansa.

Sa pahayag na nagmula sa tanggapan ng tagapagsalita ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, isang pagkilala sa kanyang mga nagawa upang ipagtanggol ang kalayaan, maglalathala ang Presidential Communications Development and Strategic Planning Office ng multimedia historical series hinggil sa yumaong dating pangulo ng bansa na siya ring naging commander-in-chief ng republika.

Ilalabas din ang findings ng Davide Commission na siyang nagsiyasat sa 1989 coup attempt at ang pinamagatang The Aquino Management of the Presidency: In face of crisis na bahagi ng buong kasaysayan ng Aquino Administration.

Ipakikita ng presentation ang mga nagawa ng yumaong pangulo, dagdag pa ng pahayag.

Pananampalataya, mahalaga sabi ni Arsobispo Palma

WALANG hihigit pa sa pananampalataya. Ito ang mensahe ni Cebu Archbishop at CBCP President Jose S. Palma sa mga pinuno ng Couples for Christ na nagmula pa sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Sinabi niya na sa katatapos na sinodo sa bagong ebangelisasyon, sinabi ni Arsobispo Palma na kailangan ang mga bagong pamamaraan at sigla sa pagpapalalim ng pananampalataya.

Sa kanyang mensahe sa may 14,000 leader ng Couples for Christ mula sa buong bansa at mga bansang Amerika, Ghana, Myanmar, Kuwait, Cambodia at Kenya, sinabi ni Arsobispo Palma na mayroong kaakibat na kaligayahan sa pagiging misyonero.

Ang kaligayahang ito ang nagpapakalat ng ating pananampalataya sapagkat batid nating mayroon tayong magandang maibabahagi sa ating kapwa, dagdag pa ng Arsobispo.

Magaganap lamang ito sa pamamagitan ng personal conversion na magiging daan ng family evangelization, dagdag pa ni Arsobispo Palma.

Idinaos ang pagpupulong sa Araneta Coliseum sa Quezon City noong Sabado, ika-19 ng Enero.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>