Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kagawaran ng ugnayang panglabas, humiling ng DNA samples mula sa mga kamag-anak ng nawawalang Pilipino sa Algeria

(GMT+08:00) 2013-01-28 18:14:49       CRI

HINILING ng koponang Pilipino na nasa Algeria na kumuha ng DNA samples mula sa mga kamag-anak ng nawawalang Pilipino upang madali ang pagkilala sa kanyang mga labi.

Sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Assistant Secretary Raul S. Hernandez ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, sinabi nilang nakikipag-ugnayan na sila sa ahensyang pinagmulan ng manggagawa upang madali ang pagkuha ng kailangang samples.

Samantala, nakatakdang dumating ang labi ng apat na nasawi sa Algeria sa susunod na ilang araw. Hindi pa naisasaayos ang ibang detalyes. Ipinaliwanag ni Ginoong Hernandez na hiniling ng mga pamilya ng mga nasawi na bigyan sila ng privacy mula sa mga mamamahayag sa kanilang pagdadalamhati. Hiniling din nila sa mga tagapagbalita na huwang magtatangkang makipag-usap sa kanila mula sa paliparan at saan pa man. Dudulog na lamang sila sa mga taga-media upang magbahagi ng kanilang karanasan at pagdadalamhati sa oras na makapaghanda sila.

Sa ngayon ay hinihiling ng mga pamilya na ipagdasala sila at ang kanilang mahal sa buhay at humuhiling din sila ng pang-unawa.

PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA HALALAN, INIHAYAG NI COMELEC CHAIRMAN BRILLANTES SA KAPULUNGAN NG MGA OBISPO

GAGAWIN NAMIN ANG LAHAT UPANG MAGING KAPANI-PANIWALA ANG HALALAN.  Ito ang pagtiyak ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes sa Catholic Bishops Conference of the Philippines kaninang umaga sa ika-106 na Plenary Council Meeting sa Pope Pius XII Catholic Center.  

(Kuha ni Roy Lagarde)

GINAGAWA ng Commission on Elections ang lahat matiyak lamang na magiging malinis at payapa ang darating na halalan sa buwan ng Mayo. Sa kanyang pagharap sa Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas, sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na nakatanggap sila ng mga paksa at usaping ikinababahala ng mga obispo na kanilang sasagutin sa madaling hinaharap.

Nilulutas na rin umano ng kanilang tanggapan ang mga problemang kinaharap ng mga PCOS (Precinct Count Optical Scan) machines na ginamit noong 2010 elections. Gagawan nila ng remedyo ang mga makinang gagamitin sa darating na Mayo, dagdag pa ni Ginoong Brillantes.

Wala umanong problema kung ang ikababahala ay ang payapa at maayos na halalan sapagkat nakatuon sila sa paghahatid ng kapani-paniwala at katatanggap-tanggap na halalan sa Mayo.

Isang "qualified success" ang naganap na halalan noong 2010, sabi ni ni Chairman Brillantes kaya't gagawin nila ang lahat upang higit na maging maayos ang darating na halalan na gagamit pa rin ng PCOS machines.

Sa aking katanungan kung mapagkakatiwalaan na ang mga CF cards na nasa PCOS machines, sinabi ni Chairman Brillantes na may panahon pang isaayos ang mga suliraning kinaharap ng halalan noong 2010.

"We will correct the errors and put in new enhancements," dagdag pa ni Ginoong Brillantes.

PAGSASAKA AT PANGISDAAN, MAKIKINABANG SA PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP

NANINIWALA ang National Economic and Development Authority na malaki ang maitutulong ng public-private partnership para sa mga pagawaing-bayan at value-chain development sa pagpapatatag ng sektor ng sakahan.

Ayon kay Kalihim Arsenio M. Balisacan, ang suporta mula sa pribadong sektor ay isang malaking tulong sa pagtatangka ng pamahalaan na magkaroon ng infrastructure at services sa agriculture at fisheries sector.

Ipinaliwanag ni Kalihim Balisacan na ang value-chain approach ay may koneksyon sa produksyon hanggang sa marketing stages.

Idinagdag pa niya na para sa taong 2013, ang sustained development sa agriculture at fisheries sector ay mahalaga sa layuning magkaroon ng inclusive growth at poverty reduction partikular sa mga kanayunan.

Ang PPP projects lalo't higit sa patubig, food supply chain at postharvest services ang inaasahang mapapakinabangan ngayong taon. Ang production centers mula sa iba't ibang farm inputs, fish farming infrastructure, and market at trading centers ay maaaring makasabay din.

MGA OPISYAL NG CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES, HAHARAP SA MGA MAMAMAHAYAG BUKAS

MATAPOS ang tatlong araw ng plenaryo ng mga obispong Katoliko, haharap sina Arsobispo Jose S. Palma ng Cebu at Arsobispo Socrates B. Villegas ng Lingayen-Dagupan, pangulo at pangalawang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, sa mga mamamahayag upang isalaysay ang mga napag-usapan at napagkasunduan sa ika-106 na plenaryo.

Makakasama nila sa pagharap sa Media sina Antipolo Bishop Gabriel Reyes, chairman ng Episcopal Commission on Family and Life at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace.

Tulad ng kinagawian, maglalabas ang mga obispo ng kanilang pahayag sa mga maiinit na isyu na makaapekto sa mga mananampalataya at maging sa bansa. Sa pagharap ni Bishop Reyes, tiyak na matatalakay ang nag-iisang reaksyon ng CBCP sa kapapasang Reproductive Health law. Sa pagharap naman ni Bishop Pabillo, tiyak na mga isyung may kinalaman sa halalan at maging sa pagkapinsala ng kapaligiran at mga trahedyang tumama sa bansa ang bibigyang pansin.

Magsisimula ang pagpupulong sa ganap na ika-sampu ng umaga sa Ilustrado sa Intramuros, Maynila.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>