Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulong Binay, Kagarawan ng Ugnayang Panlabas, nagpasalamat sa hari ng Saudi Arabia

(GMT+08:00) 2013-02-01 18:23:44       CRI

Pangalawang Pangulong Binay, Kagarawan ng Ugnayang Panlabas, nagpasalamat sa hari ng Saudi Arabia

PANGALAWANG PANGULONG BINAY NAGPASALAMAT SA SAUDI ARABIA. Nagpasalamat si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay (gitna) sa Kaharian ng Saudi Arabia sa pag-ambag sa dalawang milyong Saudio Riyal na pangdagdag sa blood money upang huwag nang maparusahan ng kamatayan ang isang manggagawang Pilipino. Nasa kanan ni Ginoong Binay si Undersecretary Jesus I Yabes ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas at Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin H. Tago.

NAGPASALAMAT si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay at ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa ipinalabas na donasyon ng Kaharian ng Saudi Arabia upang mailigtas sa parusang kamatayan ang manggawang Pilipinong nakilala sa pangalang Rodelio "Dondon" Lanuza.

Sa isang press briefing sa kanyang tanggapan kaninang umaga, sinabi ni Pangalawang Pangulong Binay na malaking bagay ang donasyong 2.3 milyong Saudi Riyals na nagpapapakita ng pagiging makatao ng kaharian. Maglalabas na ng affidavit of forgiveness na kilala sa pangalang tanazul na pumapabor kay Ginoong Lanuza.

Sa panig ni Kalihim Albert F. del Rosario, pinuri niya ang kakaibang sigasig na ipinakita ni Pangalawang Pangulong Binay na siya ring Presidential Adviser for OFW Concerns na nakatawag pansin sa kaso ni G. Lanuza.

Nakatulong din si Gng. Loida Nicolas-Lewis na namuno sa fund-raising ng pribadong sektor. Kabilang din sa pinasalamatan ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa ilalim ni Ambassador Ezzedin Tago at mga Pilipinong umambag upang mailigtas ang manggagawa sa tiyak na kamatayan.

Sa press briefing ni Ginoong Binay, ipinaliwanag nina Ambassador Yabes at Tago na idideposito muna ang halaga sa korte bago mag-uutos ang hukuman na magagnap na ang papapalaya sa akusado.

Aabot sa 10 milyon ang mga Pilipinong nangibang-bansa

TINATAYA ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na aabot sa 10 milyon ang mga Pilipinong naghahanap-buhay sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Sa isang eksklusibong panayam kay Undersecretary Jesus I. Yabes, minamapa na nila kung nasaan ang mga manggagawang Pilipino sa buong daigdig upang higit na maasahan ang kanilang datos.

Nararamdaman na ng mga Pilipino ang epekto ng krisis sa ekonomiya sa Europa at America at mayroong mga nawalan ng hanapbuhay. Bagaman, sinabi niyang maparaan ang mga Pilipino at gagawa at gagawa ng paraan upang magkatrabaho kahit sa part-time basis lamang. Kahit umano ang pagtaas ng piso sa dolyar ay nakabawas sa purchasing power ng mga manggagawang mula sa ibang bansa.

Nanawagan si Ginoong Yabes sa mga Pilipinong nagbabalak pang umalis ng bansa na sa legal na paraan na sila dumaan upang madali silang madaluhan at matulungan ng pamahalaan sa oras na magkaroon ng krisis.

Malaking bahagi ng kanilang problema ay ang mga manggagawang umalis sa illegal na paraan.

Ipinagpasalamat ni Ginoong Yabes ang suporta ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Aquino at ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nagdagdag ng mga kawani upang higit na matulungan Kagawaran sa pagdalo sa mga manggagawang Pilipino.

Kung hindi man signatory ang mga bansang pinagdadalhan ng mga manggagawang Pilipino, mayroong mga bilateral agreements ang Pilipinas upang pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa. Inihalimbawa niya ang matagumpay na kasunduan sa pag-itan ng Pilipinas at Kaharian ng Saudi Arabia na nagkasundong gawing $ 400 ang buwanang sahod ng mga kasambahay.

Wala umano sa intensyon ng Pilipinas na pataasin ang sahod bagkos ay hayaan ang mga may salaping magbayad ng $ 400 bawat buwan at ang walang kakayahan ay maghanap na ng ibang mga kasambahay. Ipinaliwanag ni Ginoong Yabes na ang mga taga-Saudi Arabia na hindi kayang magbayad ng $ 400 bawat buwan ay maaaring maghanap ng ibang kasambahay sa halip na mga Pilipina.

Sumusunod na ang mga taga-Saudi Arabia sa bagong kalakaran, dagdag pa ni Undersecretary Yabes.

Mga pagpatay, nabawasan. may kasalanan, 'di pa napapanagot

ITO ang pananaw ng Human Rights Watch sa kanilang ulat na pinamagatang Philippines: A Year of Pluses, Minuses on Rights sa kanilang World Report 2013. Bagamat't naipasa ang isang batas hinggil sa karapatang pangtao noong 2012, hindi naman sumulong ang pagpapanagot sa mga security forces na may kagagawan ng mga pag-abuso.

Sa isang ulat na may 665 pahira, sinuri ng Human Rights Warch sa nakalipas na taon sa may 90 bansa kabilang na ang wakas ng Arab Spring.

Sa Pilipinas, nabagabang sila sa paglawak ng peligro at pamamaslang sa mga environmental at aniti-mining activists ng mga kasama ng security forces.

Sa kanilang pagsusuri, gumanda ang human rights situation sa Pilipinas sapagkat nagawasan ang extra-judicial killings at pagkakapasa ng mga batas na nagsusulong ng human rights ayon kay Brad Adams, Asia Director ng human Rights Watch. Idinagdag ng tanggapan na hindi natugunan ang problemang dulot ng impunity. Wala pang nakikitang pagbabago sa paglilitis sa mga may kagagawan ng mga paglabag.

Maraming darating na investments kung…

TATAAS ang bilang ng mga Foreign Direct Investments sa Pilipinas sa mga susunod na panahon. Ito ang pananaw ng mga Ambassador na kabilang sa European Union.

Ayon kay Ambassador Guy Ledoux, Head Delegate ng European Union na sa oras na lumago ang domestic at foreign investments sa Pilipinas, mababawasan ang pangangailangan ng bansa ng official development assistance.

Ang anumang gagawin ng Pilipinas upang mabuksan ang bansa sa kalakal ay nakasaad sa kakayahan nitong mapatag ang playing field para sa mga mangangalakal. Nakatitiyak umano siyang bukas sa Pangulong Aquino sa ganitong kaisipan at kalakaran.

Sinabi naman ni German Ambassador to the Philippines Joachim Heidorn na kailangang bawasan ang "Red Tape", kailangang magkaroon ng transparency, higit na paggalang sa batas at maisaayos ang 60-40% land ownership upang pumasok ang mga mangangalakal. Sinabi niyang patuloy na nadagdagan ang bilang ng mga mangangalakal na nagmula sa kanyang bansa sa Pilipinas. Wala umanong natatanggap na reklamo sa kanilang pananatili sa mga PEZA sites sa buong bansa. Ang kanilang chamber of commerce ay madali nang kilalanin sa dami ng mga kasapi. Isa sa pinakamalaking kalakal nila ay ang pagsasanay ng mga Pilipino sa Luftansa.

Bagama't walang official development assistance para sa Pilipinas mula noong 2005, ang Netherlands sa Pilipinas, sinabi ni Ambassador Ton Boon von Ochssée na naniniwala siyang kailangan ng katimugang bahagi ng Pilipinas ang development projects sa daan tungo sa kapayapaan. Sa ngayon ay abala ang kanyang bansa sa pagtulong sa non-government agencies at maging sa pamahalaan upang mapigil ang human trafficking at human rights issues. Nakikipagtulungan na sila sa mga non-government organizations. Nakatuon ang kanilang ayuda sa karapatan ng mga kabataan at mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan.

Mga Obispo, lumiham kay Pangulong Aquino

ISANG liham na nilagdaan ng may 85 mga obispo ng Pilipinas ang ipinadala kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III tungkol sa palatuntunan ng pamahalaan sa repormang agraryo.

Ayon sa mga obispo, ang repormang agraryo ang ugat ng kahirapan at insurgency. Ipinaalala ng mga obispo ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Aquino noong nakalipas na taon na ipatutupad ang nilalaman ng CARPER o Comprehensive Agrarian Reform na may kaukulang reporma at extension.

Subalit sinabi ng mga obispo na nababahala sila na iisa't kalahating taon na lamang ang buhay ng CARPER at tila malabnaw ang ginagawa ng Kagarawan ng Repormang Agraryo. Hindi pa umano nagkakatotoo ang mga ipinangako niya sa mga magsasaka.

Ayon sa mga obispo, sa kanilang liham na ipinarating noong ika-24 ng Enero ng taong ito, na kailangang kumilos na ang pangulo upang magkatotoo na ang buod ng CARPER at balasahin na ang Kagarawan ng Repormang Agraryo na walang magandang nagawa sa nakalipas na dalawa't kalahating taon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>