Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang binihag ng Abu Sayyaf, nakalaya na

(GMT+08:00) 2013-02-04 18:23:27       CRI

NAKALAYA na ang dalawang television crew members mula sa Abu Sayyaf noong Sabado ng gabi. Sa isang press conference sa Campo Crame, sinabi nina Ramelito Vela, 38 taong gulang, na parang mga anak ang trato sa kanila ng mga armado.

Kasama niyang humarap sa media si Rolando Letrero, isang 23 taong gulang. Hindi raw sila sinaktan ng mga bandido na hindi pangkaraniwan sa karanasan ng mga naging hostage sa nakalipas na ilang dekada. Nabantog ang mga Abu Sayyaf sa pagpatay sa kanilang hostages. Pinayagan daw silang kumain ng gusto nilang kainin.

Dinukot sila kasama ang isang Jordanian television journalist na nagngangalang Baker Atyani sa Sulu noong ika-12 ng Hunyo noong nakaraang taon. Gagawa umano sila ng isang documentary tungkol sa Abu Sayyaf.

Natagpuan sila sa ANR Hotel sa Jolo, Sulu mga ika-sampu ng gabi noong Sabado, ayon sa mga balitang lumabas sa media. Hindi pa batid kung saan naroon si Atyani. Inihiwalay umano si Atyani sa kanila limang araw matapos silang dukutin ng Abu Sayyaf. Palipat-lipat umano sila ng lugar. Ayon sa mga nabihag, may 400 katao ang kasapi ng Abu Sayyaf Group. Pinalaya na lamang umano ang dalawang television crew ng abu Sayyaf. Ang dalawa ay kinontrata ni Atyani sa kanyang pagdating sa Maynila.

Mga biktima ng bagyong "pablo" nangangailangan ng tulong

SUSUBUKAN ng mga magsasakang magtanim na ibang uri ng niyog, ang uring mamumunga sa loob ng limang taon. Ito ang napagkasunduan ng mga magsasakang dinalaw ng mga tauhan ng National Secretariat of Social Action at Caritas Philippines sa pakikipag-ugnayan sa mga biktima ng bagyong "Pablo."

Ang koponan ay naghahanda na para sa Early Rehabilitation project sa kanilang pagdalaw sa Davao Oriental at Compostela Valley na tinamaan ng bagyo dalawang buwan na ang nakalilipas.

Suportado ng mga katulong na ahensya sa loob at labas ng Pilipinas ay nakatakdang magsagawa ng rehabilitation proket sa Cateel, Davao Oriental at sa Siocon, New Algeria at Laak sa Compostela Valley. Magkakaroon ng basic survival kits na naglalaman ng food at non-food items at hindi magtatagal ay magkakaroon ng magagamit sa pagtatayo ng mga bagong tahanan.

DALAWANG buwan na ang nakalilipas ng salantain ng matinding bagyo ang Katimugang Pilipinas, libu-libong mga pamilya ang hindi pa nakatatanggap ng kaukulang tulong upang maitayong muli ang kanilang mga tahanan kung walang salaping magmumula sa mga donasyon.

Higit sa anim na milyong Pilipino ang apektado ng bagyong may international name na "Bopha" at umabot sa 216,000 mga pamilya ang may napinsalang mga tahanan. May 95% ng mga ito ang naninirahan sa mga barung-barong at 20% pa lamang ang nakakatanggap na ayuda tulad ng repair kits at mga kagamitan upang maayos ang kanilang mga tahanan.

Nagmula ang balitang ito sa Philippine Red Cross kasama ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies na kabilang sa ilang mga ahensyang nangakong tumulong sa mga nasalanta. Sa pondong hawak ng Red Cross, kakahin nilang makatulong sa pagbibigay ng may 5,000 shelter repair kits na kabilang sa emergency appeal.

Ayon kay Necephor Mghendi, operations head ng IFRC sa Pilipinas, ilang mga pamilya ang magtatayo ng kanilang bagong tahanan. May 700 na na ang kanilang naitayo mula sa target na 4,000. Mabagal umano ang tulong na natanggap ng Pilipinas ngayon kung ihahaming sa ibang mga trahedyang naganap sa ibang bahagi ng daigdig. Ani Mghendi, ang bagyong Pablo ay kinikilalang super typhoon at kung walang matatanggap na mga donasyon, tiyak na magiging madilim ang kinabukasan ng mga biktima.

Malubhang tinamaan ang mga sagingan at niyugan sa Mindanao kaya't walang hanapbuhay ang karamihan ng mga manggagawang-bukid.

Mindanao development forum, sinimulan na

NANINIWALA si Kalihim Arsenio Balisacan ng National Economic Development Authority na unti-unti nang nakikita ng iba't ibang pandaigdigang institusyon ang nagaganap sa Pilipinas sa larangan ng competitiveness. Sa kanyang talumpati sa Philippine Development Forum sa Davao City kanina, sinabi niyang sa ilalim ng liderato ni Pangulong Aquino, umakyat ang Pilipinas sa loob ng dalawang taon at narating ang ika-65 antas mula sa 144 mga bansa. Layunin pa ng pamahalaang makapasok sa unang 30% sa global rankings.

Bagama't wala pang opisyal na datos sa 2012, lumalabas na bumababa ang self-rated poverty at malubhang pagkagutom.

Binanggit din ni Kalihim Balisacan na ang 60% ng gross domestic product ay matatagpuan sa Luzon at nagpapakita lamang ito na hindi pa nadarama ang potensyal ng iba pang mga rehiyon. Ang iba pang bahagi nng Luzon ay nasa paligid ng patuloy na lumalagong mga rehiyon, dagdag pa ng kalihim.

Sa Kabisayaan, matatamo ang kaunlaran sa pamamagitan ng turismo, pangisdaan, paggawa ng mga barko at information communication technology. Samantala, makakaasa ang Mindanao sa pagkakaroon ng kaunlaran sa agribusiness, turismo at halal industries. Batid ng pamahalaan ang mga oportunidad at mga hamon sa pagsulong ng Bangsamoro Framework Agreement.

Ipinaliwanag niyang isa sa mga layunin ng Philippine Development Plan ay ang pagbabago mula sa pagiging consumption-driven ay maging isa itong catalyst para sa paglahok ng pribadong sektor sa ekonomiya.

Sa pagkakataong ito, sinabi ni Kalihim Balisacan na dapat tugunan ang mataas na halaga ng kuryente, kulang na mga pagawaing bayan, hindi pagkakatugma ng mga patakaran at kapalpakan sa larangang administratibo.

Ipinangako ni Kalihim Balisacan na ang pagtatayo ng mga pagawaing bayan ay magagabayan ng transport infrastructure roadmap upang matiyak ang maluwag na daloy ng mga paninda at maluwag na paglalakbay ng mga mamamayan.

Nakikita niya ang paglago ng manufacturing, business process outsourcing, tourism at agribusiness. Ang $ 3 bilyong investments sa mga sektor na ito ang magdudulot ng 621,000 mga hanapbuhay sa pamamagitan ng multiplier effects. Malalaki ang oportunidad sa innovation at technology spillovers.

Pananalapi ng pamahalaan, tumatatag; hanapbuhay, kailangan, sabi ng world bank

MAGANDA ang kinahinatnan ng pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Ito ang pahayag ni Ginoong Motoo Konishi, ang country director ng World Bank sa kanyang talumpati sa 2013 Philippine Development Forum sa Davao City.

Sa kanyang talumpati, sinabi niya na patuloy na tumatatag ang pananalapi ng pamahalaan at higit pang lumalakas. Patuloy na lumalago ang foreign remittances. Ang lahat na ito'y nagpapakita na pinaniniwalaan si Pangulong Aquino kahit pa mas mahirap ang mga suliraning kinakaharap ng iba't ibang bansa.

Nakita ito sa mainip na pagtanggap sa kanya sa katatapos na pagpupulong sa Davos at sa Global Organization of Parliamentarians Against Corruption. Ipinakita ng Pilipinas ang malakas na liderato na nakatuon ang pansin sa maayos na pagpapatakbo ng pamahalaan ang magiging dahilan ng pag-unlad.

Binigyang pansin ni Ginoong Konishi na ang inclusive growth ay nangangailangan ng mas maraming trabaho. Ngayon ay mayroong 10 milyong unemployed o walang hanapbuhay. Nagkakaroon ng karagdagang 1.1 milyong bagong manggagawa sa bawat taon sa mga nagtatapos ng kanilang pag-aaral. Nangangailangan ang bansa ng 14.6 milyong trabaho mula ngayon hanggang 2016. Nararapat lamang umambag ang agribusiness at agriculture upang matuguan ang kawalan ng hanapbuhay at mabawasan ang kahirapan. Ang job creation ay mas mahalaga sa Mindanao sapagkat nakakatulong ang trabaho sa pagkakaisa ng mga komunidad.

Ayon kay Ginoong Konishi, ang makataong hanapbuhay ay mayroong maayos na sahod upang makaalis sa kahirapan ang mga mamamayan. Idinagdag pa niya na ito na ang pinakamatinding hamon sa liderato ni Pangulong Aquino.

Pagdalaw ng mga magsasakang belgian, nagsimula na

DUMATING na sa Pilipinas ang sampung mga magsasakang mula sa Belgium upang makipagtalas-tasan sa mga magsasaka at mga mangangalakal na Pilipino. Pinamumunuan ni Piet Vanthemshe, pangulo ng Farmers Union (Boerenbond) at Karel Van Eetvelt, chief executive officer ng Union of Self-Employed and Small and Medium Enterprises na kilala sa pangalang Unizo. May apat ding mga tagapagbalitang kasama sa delegasyon. Ang Belgian non-government organization na Trias ang siyang nangangasiwa sa pagdalaw.

Dadalaw ang grupo sa kanilang mga katapat na samahan sa Pilipinas tulad ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry na tumutulong sa mga nagtitinda sa mga palengke at maliliit na negosyanteng tumatapat sa malalaking kumpanya. Makakausap din nila ang Pecuaria Development Cooperative na nagtatanim at nagbibili ng organic red and black rice. Makakausap din nila ang Insol Development Foundation na kabalikad ng mga small-scale, traditional muscovado sugar mills. Pag-uusapan ng magkabilang panig kung paano mapauunlad at higit na mapagaganda ang kanilang operasyon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>