Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, marami pang nararapat gawin upang maka-angat

(GMT+08:00) 2013-02-05 18:23:33       CRI

KAHIT pa nagkaroon ng 6.6% growth ang ekonomiya ng Pilipinas at nagkaroon ng mas malaking gastos sa mga pagawaing -bayan at napasigla ang koleksyon ng buwis, marami pang nararapat gawin ang pamahalaan upang matamo ang pagiging middle income economy.

Ito ang pahayag ng Joint Foreign Chambers of Commerce hinggil sa Philippine Development Forum sa taong ito. Ikinalulugod nilang makalahok sa okasyon sapagkat isang paraan ito upang makausap ang iba't ibang stakeholders.

Hindi umano kakayahin ng Pilipinas na magpabaya sa mga natamong pangmadaliang pagwawagi at pagsasaayos ng pamamalakad sa pamahalaan. Nararapat umanong maging katulad ang Pilipinas ng mga kalapit bansa sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Sa panig ng Joint Foreign Chambers of Commerce, inilunsad nila ang Arangakada Philippines na naglalayong magkaroon ng $ 75 bilyon bagong foreign investments, 10 milyong hanapbuhay at higit sa isang trilyong pisong revenue sa loob ng dekadang ito kung maipatutupad ang mga binalak. Kinilala rin nila ang mga potensyal na magdudulot ng salapi tulad ng manufacturing and logistics, infrastructure, tourism, information technology, creative industries, agribusiness at mining. Nagkaroon ng pagunlad sa BPO, policy infrastructure, telecommunications, logistics at general business environment na may diin sa paggawa.

Marami pang isyung nararapat harapin ang Pilipinas tulad na mahinang infrastructure kaya't madaling tamaan ng mga trahedya tulad ng mga pagbaha at pagkakaroon ng bagyo. Samantalang tagumpay ang BPOs, 2% pa lamang ang natatamong trabaho para sa mga Pilipino. Wala pang masiglang export sector at hindi pa kumikilos ang pagmimina.

PILIPINAS AT ESTADOS UNIDOS, NAGKASUNDO SA SALVAGE OPERATION NG USS GUARDIAN

NAGKASUNDO ang Pilipinas at Estados Unidos na magtutulungan sa pagsisimula ng salvage operation at pagsisiyasat sa pagkakabahura ng USS Guardian sa Tubbataha Reef.

Sa isang pormal na pahayag mula sa Embahada ng Estados Unidos, mula umano ng sumadsad ang barko noong ika-17 ng Enero, may serye na ng mga pagpupulong sa pag-itan ng mga opisyal ng Pilipinas at Estados Unidos. Nakasama sa panig ng Pilipinas ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs, Department of Justice, Department of Transportation and Communications at Philippine Coast Guard samantalang kasama sa panig ng America ang mga kinatawan ng U. S. Navy at U. S. Embassy.

Sa pulong na naganap kahapon, inulit ni Ambassador Harry K. Thomas ang kalungkutan sa pangyayari at tiniyak kay Kalihim Albert F. del Rosario na babayaran ng Estados Unidos ang pinsala sa batuhan.

Ayon sa Pilipinas, sinimulan na ng Philippine Coast Guard ang independent inquiry sa pagkakabahura ng barko. Sa pagkakatanggap ng balita ng Philippine Coast Guard, bumuo na sila ng Maritime Casualty Investigation Team ayon sa standard procedures at resolutions ng International Maritime Organization sa malulubhang insidente upang mabatid ang dahilan ng pangyayari at makagawa ng kaukulang hakbang upang maiwasan ang pangyayari.

Inihahanda na ang salvaging operations na kinabibilangan ng pag-aalis ng 15,000 galon ng krudo at iba pang makapipinsalang kargamento. Isang salvage plan ang isinumite upang sangayunan ng kinauukulan. May pagtutulungan na ang America at Pilipinas sa salvaging operations upang maalis na ang barko sa batuhan.

KALIHIM NG REPORMANG AGRARYO, BINALIKAN NG NASSA

BINALIKAN ni Fr. Edwin Gariguez, executive secretary ng National Secretariat of Social Action si Kalihim Virgilio delos Reyes ng Kagawaran ng Repormang Agraryo sa mga pahayag nitong pinagtitiwalaan pa siya ni Pangulong Aquino. Ayon kay Fr. Gariguez, malabnaw ang naging performance ng kagawaran sapagkat sa Land Acquisition and Distribution targets ay binabaan ito mula sa 260,000 ektarya hanggang sa 240,000 ektarya at nakarating sa 180,000 ektarya. Ito umano ay aabot sa 254,653 ektarya kung isasama ang mga kakulangan noong 2010 at 2011.

Ayon kay Fr. Gariguez, ang kulang sa 25% accomplishment rate ni Kalihim delos Reyes para sa LAD ay umabot sa 8% noong 2012 sa Negros at ito umano ang pinakamatinding situasyon sa kasaysayan ng lahat ng mga kalihim ng kagawaran.

Idinagdag pa ng NASSA na ang palpak na gawain ni Kalihim delos Reyes ay isang pananagutan ni Pangulong Aquino. Ang epektibong pagpapatakbo ng kagawaran na mayroong mataas na credibility ratings at paggalang mula sa mga magsasaka.

Binanggit pa ni Fr. Gariguez na ang accomplishment ng DAR para sa 2012 ay nagpapakita lamang ng 26,944 ektarya para sa Land Bank of the Philippines compensable lands na sumasaklaw sa government-owned lands na kahalintulad ng nakalipas na administrasyon.

INFLATION, AYOS PA RIN SA ENERO NG TAONG 2013

ANG mas mataas na presyo ng pagkain at kuryente na kasabay ng pagpapatupad ng bagong sin tax law ang nagpataas sa inflation at nakarating sa 3.0% noong nakalipas na buwan.

Ayon sa National Economic and Development Authority, ang January 2013 headline inflation rate ay nasasaklaw pa rin ng Development Budget Coordination Committee's inflation tarte na 3.0 hanggang 5.0 % para sa 2013. Ayon kay NEDA OIC Assistant Director General Rosemarie G. Edillon, ang inflation para sa Enero ay mas mataas kung ihahambing sa 2.9% growth sa consumer prices noong nakalipas na Disyembre kahit mas mababa sa 4.0% rate noong 2011.

Sa pagkakaroon ng bagong sin tax na ipinatupad noong unang araw ng Enero ang nagpataas sa presyo ng inuming nakalalasing ng may 6.9% samantalang ang tabako ay kinakitaan ng 28.1% noong Enero ng taong ito kung ihahambing sa Enero ng 2012. Samantala, ang mas mataaas na electricity charges at liquefied petroleum gas ang nagpataas sa presyon ng kuryente, gas at iba pang panggatong ng may 3.1% sa paghahambing nito sa buwan ng Enero noong 2012.

Nagreport ang MERALCO o Manila Electric Company ng 6.0% increase o tatlong sentimos sa bawat kilowatt hour sa general charge dahilan sa mas mataas na singl mula sa suppliers. Tumaas din ang presyo ng LPG ng may 3.3% noong Enero 2013 kung ihahambing sa nakalipas na taon.

Tumaas din ang taunang inflation sa pagkain tulad ng karne na nagkaroon ng 1.7% mula sa 1.6% nong Disyembre, 2012, prutas na mayroong 5.6% mula sa 5.5%, mais na kinakitaan ng 5.4% mula sa 4.5% sa buwan ng Enero 2013.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>