Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

DANGEROUS LIAISONS

(GMT+08:00) 2013-02-06 18:59:49       CRI

Ready na ba kayo sa isang chikahang nakakapukaw isipan?

Ang tampok naming pelikula ay Dangerous Liasons. Ito'y ipinalabas noong 2012 at si Hur Jin-ho ang direktor nito. Si Hur Jin-ho ay isang Koreano. Ang screen adaptation ng pelikula ay isinulat ni Yan Geling, na isang Tsino. Base ang pelikula sa nobela ni Pierre Chodelos de Laclos na isinulat sa wikang Pranses at may katulad na pamagat.

Anim na beses na itong ginawang pelikula, kabilang dito ang ilang Hollywood adaptations. Pero pinaka sikat ang Oscar winning version ni Stephen Frears. May South Korean version din ito na pinamagatang Untold Scandal at may French version na pinamagatang Les Liaisons Dangereuses.

Plot

Shanghai, 1939 ang tagpo ng pelikula. Si Madam Mo Jieyu (Cecilia Cheung) ay mayaman at makapangyarihan, pero walang nagmamahal sa kanya. May masugid siyang manliligaw, si Xie Yifan (Jang Dong-Gun) kilalang milyonaryong palikero.

Sa isang party, napuna ni Madam Mo Jieyu na interesado si Xie Yifan kay Madam Du Fenyu (Ziyi Zhang), isang biyuda. Nakipagpustahan ngayon si Madam Mo kay Yifan, kung maakit ni Yifan si Fengyu, ibibigay nya ang sarili at makukuha na nito ang matagal niyang gusto.

Sina Madam Mo at Xie Yifan

Kasabay ng planong ito, ang masamang balak ni Madam Mo kay Beibei (Candy Wang) 16 anos na ipinagkasundo nang ikakasal sa isang tycoon.

Setting

Sa Busan International Film Festival, tinanong si Hur Jin-ho kung bakit nya napili ang Shanghai bilang tagpo.

Ayon sa direktor, ang Shanghai noong 1930's ay napakarangya at may impluwensya ng Britain, Hapon at Amerika. Namumukadkad ito sa kultura dahil sa buhay na buhay ang theatro, maganda ang arkitektura at mahilig sayaw ang mga tao at tunay na pinalalaganap ibat-ibang anyo ng sining. May mga mayayamang playboy din dito. Noon ang Shanghai ay kilala bilang Paris ng Asya.

Sa pulitikal na aspeto, kinaharap nito ang usapin ng nalalapit na digmaan sa Hapon, parang Pransya din bago ang simula ng rebolusyon.

Ang pamumuhay ng mga mayayaman sa dalawang lungsod ay magkatulad din, parehong maluho. Kaya pag pinagsama-sama ito, matutugunan ang mga elementong hinihingi ng kwento kahit na ito'y Asian adaptation.

Mga Tauhan

Madam Mo: Kabilang siya sa alta-sosyedad na nakulong sa dapat ikilos ng mga kababaihan noong dekada 30. Pero dahil ambisyosa at may sariling paninindigan, matapos ma-byuda ay di na siya nagpatali at nagpatalo ulit sa lalaki. Dominante, imoral at mapagmanipula, ang papel ni Madam Mo ang nagpatingkad sa pelikulang ito.

Si Madam Mo

Xie Yifan: Isang sexual predator na alam ang kahinaan ng mga kababaihan. Ang kapangayarihang mang-akit ang ginagamit nya para makuha ang lahat ng gusto. Pero kay Madam Du Fenyu nahulog ang loob nya at nakaramdam ng pagmamahal. Ngunit nawala ang lahat ng ito dahil hawak sya sa leeg ni Madam Mo.

Si Xie Yifan

Mac: Madam Du Fenyu: byuda na di-makalimutan ang sumakabilang buhay na asawa. Ngunit dahil sa pagpupursige ni Xie Yifan, nahulog ito sa bitag at umibig sa palikero.

Si Du Fenyu

Pag usapan natin ang kissing scene nila Fenyu at Yifan.

Kissing Scene

Sa isang interview sinabi ni Zhang Ziyi na mahaba ang oras na nilaan nila para paghandaan ang eksenang ito. Malaki ang kaibhan ng eksena kumpara sa nakasulat sa script.

Para maging matagumpay ang eksena kailangan ang magandang ugnayan ng mga aktor. Mahalaga ding ipakita ang akmang emosyon para maging epektibo ang matinding eksenang ito.

Tungkol naman sa paghinto ni Yifan, ayon kay Jang Dong Gun, nakatulong ang pag uusap nila ni Zhang Ziyi. Kaya natural ang kinalabasan ng eksenang ito.

RATING: 9

Nakakaintriga, napakasensual, susundan mo ang takbo ng istorya hanggang matapos ang pelikula, ganito ka interesante ang Dangerous Liaisons.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>