|
||||||||
|
||
Malaki noon ang nagastos ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sapagkat nais niyang manatiling lehitimo ang kanyang liderato at makasama ang Senado at Kongreso. Ngayon ay maliwanag na hawak ni Pangulong Aquino ang Senado at Kognreso, dagdag pa ng dating kasapi ng gabinete.
Noong 2010 national elections, apat ang mga seryosong kandidato na gumastos. Gumastos ang pamahalaan dahilan sa computerization ng halalan at ang tatlong malalaking television stations ay gumastos din ng salapi upang maging "state of the art" ang kanilang kagamitan. Kaya nga lamang ay lumabas na kahit sino ang i-endorse ni Pangulong Arroyo noon ay nakatitiyak na ng pagkatalo.
Ani Professor Diokno, noong 1992, hindi kinailangan ni Pangulong Corazon Aquino na pakialaman ang salapi ng bayan upang suportahan si Fidel V. Ramos.
Ang sinumang nagsasabing ang gastos sa darating na halalan ay mayroong malaking epekto sa ekonomiya ng bansa ay nagkakamali. Dahilan ni Prof. Diokno ay hindi makikialam si Pangulong Aquino sa kaban ng bayan sapagkat ang mga kandidato sa pagka-senador ay pawang kaalyado niya.
Sa halimbawang gumastos ang Lebanon ng $ 1 bilyon noong nakalipas na halalan, kung sa Pilipinas ito naganap, sa kasalukuyang exchange rate, ito ay mga P 40 bilyon lamang o 0.4% lamang ng buong ekonomiya ng bansa. Sobra umano kung gagastos ang mga kandidato ng P 40 bilyon sa halalang ito.
Mas realistiko umanong umabot sa P 20 bilyon lamang ang lumabas na salapi sa election season.
HALALAN NANGANGAHULUGAN NG GASTOS
SINABI ni Dr. Ghassan Moukheiber na malaki rin ang nagagastos ng mga kandidato sa Lebanon sa bawat halalan. Sa isang panayam kay Dr. Moukheiber na isang miyembro ng Parliamento samantalang idinaraos ang 5th General Assembly ng Global Organization of Parliamentarians Against Corruption, labing-walong partido ang nagtutunggali sa bawat halalan.
Ang halalan ay sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim at malaking hamon sa mga kandidato ang paggastos sa bawat halalan. Humigit sa isang bilyong dolyar ang ginastos ng mga kandidato. Ang patronage ang kabaliktaran ng demokrasya sapagkat magpapatibay ito ng oligarchy, dagdag pa ng mambabatas. Ang mga nangangapital sa sa mga halalan ay makakabawi sa pamamagitan ng mga batas na magmumula sa parliamento, dagdag pa ni Dr. Moukhheiber.
May programang nagsusuri sa gastos ng mga kandidato sa bawat halalan. Idinagdag pa niya na sa pinakahuling halalan ay tinatayang gumastos ang mga kandidato ng $ 1 bilyon. Sa malaking gastos nagmumula ang graft and corrupt practices, dagdag pa niya.
TAUHAN NG 2ND MARINE BRIGADE, IPINADALA NA SA SULU
NAGPADALA ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng mga kawal mula sa 2nd Marine Brigade sa Patikul, Sulu, ang lugar ng mga sagupaan ng mga kasapi ng Moro National Liberation Front at Abu Sayyaf noong Sabado. Ipinadala ang mga kawal kamakalawa.
Kasama ang mga tauhan ng Pulisya, pinipigilan ng 2nd Marine Brigade na lumawak pa ang sagupaan. Tumutulong na rin sila sa pamahalaang-bayan at sa Department of Social Welfare and Development upang mabigyan ng kaukulang ayuda ang mga nagsilikas mula sa Barangay Kabuntakas, Patikul, Sulu.
Ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines, anim ang nasawi sa panig ng MNLF at 'di pa malaman ang nasugatan. Lima ang pinugutan ng ulo ng mga Abu Sayyaf. Nakasamsam din ang Abu Sayyaf ng apat na armas ng mga MNLF.
Mayroon namang ibinalitang nasawi sa panig ng Abu Sayyag at 'di pa rin mabatid ang bilang ng mga sugatan.
Umabot sa 60 pamilya ang nagsilikas, dagdag pa ng AFP. Ayon sa pinakahuling balita, 11 mga MNLF na ang nasawi sa sagupaan.
SABAY-SABAY NA PAGLULUNSAD NG "ALAY KAPWA" ITINAKDA
ANG taunang palatuntunan ng National Secretariat of Social Action, ang Alay Kapwa ay ilulunsad sa tatlong diyosesis. Ang mga ito ay nakatakda sa Arkediyosesis ng Caceres sa Naga para sa Luzon, sa Diyosesis ng Catarman, Samar para sa Kabisayaan at sa Diyosesis ng Digos para sa Mindanao.
May serye ng mga pagkilos sa Catarman mula ika-13 hanggang ika-15 ng Pebrero samantalang ang paglulunsad sa Digos ay sa ika-15 at sa Caceres sa Naga City ay sa ika-20 ng Pebrero.
Ito ang unang pagkakataon na sabay-sabay na paglulunsad sa tatlong hiwalay na pook.
Ang Alay Kapwa program ay sinimulan noong 1975 at 20 mga diyosesis pa lamang ang naging punong abala sa paglulunsad ng palatuntunan. Ngayon ay mayroon ng 86 diyosesis sa buong bansa. Inirekomenda ni Bishop Broderick Pabillo ang sabayang paglulunsad ng programa.
Ang Alay Kapwa program ay siyang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan kung magkakaroon ng mga kalamidad sa kanilang mga nasasakupan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |