|
||||||||
|
||
SINIGURO ni Malaysian Foreign Minister Anifah Aman kay Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario na gagawin ng Malaysia ang lahat upang malutas ng payapa ang pagdating ng may 200 mga Filipino na ang ilan ay may sandata sa Lahad Datu, Sabah.
Sa isang press briefing, sinabi ni Assistant Secretary Raul Hernandez na pipilitin ng Malaysia na gamitin ang negosasyon at kukumbinsihin ang mga Pilipino na umalis ng payapa. Ipinagpasalamat ni Kalihim Del Rosario ang pagtawag ni Ginoong Aman sa kanya kaninang umaga.
Idinagdag pa ni Ginoong Hernandez na nagkaroon na rin ng pag-uusap ang Armed Forces of the Philippines chief of staff at ang Malaysian military chief at naliwanag nang walang anumang basbas ng pamahalaang Pilipino ang pagdating ng mga Filipino doon.
PILIPINAS AT MALAYSIA NAG-UUSAP TUNGKOL SA MGA PILIPINONG NAGTUNGO SA SABAH. Humarap sa mga mamamahayag si Asst. Secretary Raul Hernandez upang ibalita ang paguusap ng mga opisyal ng Malaysia at Pilipinas sa pagpasok ng may 200 Filipino sa isang pook sa Sabah. Ilan umano sa mga ito ang armado.
Hiningi ni Kalihim del Rosario ang pagtiyak mula sa opisyal ng Malaysia na igalang ang karapatan ng mga Pilipino, partikular ng mga permanent residents sa Sabah na maaaring kasama sa grupo.
Nanawagan din ang pamahalaan sa mga mamamayang bumalik na sa kanilang mga tahanan at mga pamilya.
Nagpapalitan na ng impormasyon ang mga militar at pulis ng Pilipinas ay may konsultasyon na sa kanilang Malaysian counerparts upang malutas kaagad ang sigalot.
Dinagdagan na rin ang patrolya at hinigpitan ang seguridad sa Tawi-Tawi at mga kalapit na pulo.
Sa kaso naman ni Manuel Amalilio, sinabi ni Foreign Minister Anifah na ninanais na niyang madaliang maibalik ng Pilipinas si Amalilio. Nag-utos na rin ang Attorney General na isailalim sa freeze order ang ari-arian ni Ginoong Amalilio.
Pilipinas, magtatayo ng mga pagawaing-bayan
SINABI ni Kalihim Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority na kasama sa prayoridad ng pamahalaan sa 2011-2016 Philippine Development Plan ang pagtatayo ng mga pagawaing-bayan upang magkatotoo ang inclusive growth. Layunin din sa medium term ng pamahalaan upang magkaroon ng mas magandang growth trajectory at makarating sa madla ang mga kailangan nilang kagamitan at paninda, mayaman man o mahirap.
Ayon sa Infrastructure Working Group sa idinaos na Philippine Development Forum sa Davao City, sinabi niya na tatlong malalakingn hamon ang tutugunan tulad ng napakababang investment sa pagawaing bayan, mahina o walang koordinasyon sa pagbabalak at pagpapatupad ng mga palatuntunan. Kasama rin ang kakulangan ng pagawaing bayan at associated services tulad na rin ng transport at power subsectors kabilang na ang walang koordinasyong cross-department e-government services na siyang balakid sa economic development. Malaking hadlang ang kakulangan ng power reserve sa Mindanao.
Arsobispo, nag-endorso ng mga kandidato
HINILING ni Lipa (Batangas) Archbishop Ramon C. Arguelles sa mga mananampalataya na iboto ang tatlong kandidato ng partidong Ang Kapatiran.
Tinalikdan ni Arsobispo Arguelles ang kinaugalian ng mga obispo na hindi nag-eendorso ng mga kandidato bagkos ay binabanggit lamang ang kanilang mga katangian.
Ginawa ng arsobispo ang panawagan sa Pro-Life Congress on Batangueno Catholic Vote sa St. Francis de Sales Minor Seminary sa Lipa City.
Sinabi ng arsobispo na ang partidong ito ay nakatatag sa social doctrines ng Simabahang Katolika at mga prinsipyong maaaring magpaalab ng damdamin ng mga mananampalataya upang magdulot ng pagbabago sa lipunan.
Iiendorso niya ang mga kandidato na hindi lamang committed sa pagsusulong ng
Matuwid, totoo at maka-Diyos, dagdag pa ni Arsobispo Arguelles. Noong 2010, isinulong ng arsobispo ang kandidatong sina JC De los Reyes.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |