Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malaysia at Pilipinas, naki-usap sa mga armado na lumisan na sa Sabah

(GMT+08:00) 2013-02-18 19:01:03       CRI

GINAWAGA ng Pilipinas at Malaysia ang lahat upang pakiusapan ang mga armadong Filipino na lumisan na sa Lahad Datu sa pinakamadaling panahon at sa payapang paraan.

Sa pahayag na inilabas ni Assistant Secretary Raul Hernandez ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas kaninang hapon, nais ng magkabilang panig na malutas ang sigalot sa maayos na paraan.

Nagpapasalamat din ang Pilipinas sa pagkilos ng Malaysia na matapos ang "stand-off" sa pinakamadaling panahon, ayon na rin sa kautusan ni Prime Minister Modm Najib na sa negosasyon idaraan ang isyu upang payapang makaalis ang mga Filipinong armadong dumating sa Borneo noong nakalipas na linggo.

Hindi pa rin mabatid ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang mga bumubuo ng grupo at kung anong pinakalayunin ng mga ito sapagkat wala pang opisyal na ulat na natatanggap ang kagawaran. Ang lumalabas na balita sa media ay nagnanais ang mga tagapagmana ng Sultan ng Sulu na angkinin na nila ng tuluyan ang lupaing nasa Sabah.

HUKBONG DAGAT NG PILIPINAS NAGSASAGAWA NG SEARCH AND RESCUE OPERATIONS

PATULOY na ipinalalabas ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ang mga sasakyang-dagat nito na binubuo ng isang Patrol Frigate, ang Barko ng Republika ng Pilipinas Gregorio del Pilar, isang Diesel Fast Craft DF 312 at isang Philippine Navy Islander upang tumulong sa search and rescue at magsagawa n grin na maritime surveillance sa 14 na nawawalang mga tauhan ng M/V Harita Bauxite na lumubog noong Sabado, ika-16 ng Pebrero sa karagatan sa kanluran ng Bolinao, Pangasinan.

Ayon sa initial reports, pitong tauhan ang nailigtas na samantalang 14 ang nabalitang nawawala pa. May koordinasyon na sa Littoral Observatory Station ang mga opisyal at tauhan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas.

PILIPINAS, KAYANG TUMUGON SA MGA SULIRANIN

SA ipinakitang kakayahan ng Pilipinas na pangalagaan ang Tubbataha Reef na kilala bilang World Heritage Site sa pinsalang tinamo noong sumadsad ang isang American minesweeper sa batuhan noong nakalipas na ikla-17 ng Enero. Maituturing itong isang napaka-gandang halimbawa ayon sa itinatadhana ng World Heritage Committee.

Ang madaliang pagtugon ng Pilipinas sa situasyon ay itinuturing na dagliang pagkilos sa oras ng pangangailangan. Ikinatuwa ng mga dalubhasa ang batas na naging sandigan sa pagsisiyasat. Baka raw makarating pa ang magandang ginawa ng pamahalaan sa United Nations Scientific and Cultural Organization o UNESCO General Conference.

MGA KAILANGAN SA LIDERATO, BINIGYANG PANSIN NI CARDINAL TAGLE

HINDI basta ang maging pinuno ng alinmang samahan. Ito ang paliwanag ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa kanyang talumpati sa mga kabataang pinarangalan ng Gerry Roxas Foundation at Gerry Roxas Leadership Awards sa Gateway Suites.

Sinabi ni Cardinal Tagle, isa sa libu-libong awardees ng Gerry Roxas Leadership Awards noong 1973, na wala siyang pormal na pag-aaral tungkol sa liderato subalit marami-rami na rin siyang dinaluhang mga pagsasanay. Sinabi niyang may karanasan naman siya bilang rector ng seminaryo, pagiging Obispo ng Imus sa loob ng sampung taon at Arsobispo ng Maynila sa nakalipas na isang taon at dalawang buwan.

Sa mga panahong ito, nagbabasa-basa siya sa mga gagawin ng mga cardinal sa paghalal ng Santo Papa sa susunod na ilang linggo. Magugunitang nahirang siyang cardinal kamakailan lamang.

Kailangan umano ang "vision" upang maging maliwanag sa lahat ng mga kasama sa alinmang samahan ang kanilang nais puntahan at magawa para sa kanilang propesyon o sa lipunang kanilang pinamumunuan. Kailangang magkaroon ng pangarap upang may matunguhan ang karamihan.

Mahalaga rin ang pagkakaroon ng koponan upang magpagunita sa isa't isa ng kanilang patutunguhan. Hindi umano kailangan ang pagkakaroon ng mga "lone ranger" sapagkat ang mahalaga ay ang team efforts.

Nararapat ding maging sensistibo sa kultura ang sinumang mamumuno upang higit na maging angkop ang mga palatuntunang ipatutupad, dagdag pa ni Cardinal Tagle. Binanggit din niya ang kanyang karanasan bilang isang guro. Nagsimula siya sa pagtuturo sa edad na 19.

Ang pinakamahalaga sa bawat mamumuno sa alinmang samahan ay ang pagkakaroon ng integridad. Marami mang mga taong may kakayahang mamumo subalit wala namang integridad.

Ang isang lider ay kailangang magkaoron ng kakayahang maglayag sa karagatan ng kawalang kaseguruhan at matintinding hamon ng panahon, dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>