|
||||||||
|
||
MALAKI ang nagagawa ng internet sa mga Pilipino ngayon lalo pa't milyun-milyong mga mamamayan ang nasa ibang bansa at nanghahanapbuhay. Ito ang pahayag ni Bong F. Serevo, Vice President ng Consumer Systems Products Division ng Canon Marketing Philippines.
PILIPINAS, IKAWALO NA SA GUMAGAMIT NG FACEBOOK. Sinabi ni Bong F. Serevo, Vice President for Comsumer Systems Products Division ng Canon Marketing Philippines na mas maraming mga Overseas Filipino Workers ang umaasa na sa internet para makipagbalitaan sa mga pamilya sa Pilipinas. Nagagamit na nila ang iba't ibang applications sa computer upang makabalitaan ang mga mahal sa buhay.
Sa isang exclusive interview, sinabi ni Ginoong Serevo na mga isa o dalawang dekada ang nakararaan ay nagpapadala ng voice tapes ang mga ama o ina o anak sa kanilang mga mahal sa buhay sa halip na gumamit ng overseas phone. Ngayon gumagamit na lamang Facebook, Skype at iba pang programs upang makausap ang mga pamilya sa Pilipinas.
Ikawalo ang Pilipinas sa mga gumagamit ng Facebook. Sophisticated na rin ang mga mamimili ng Pilipinas subalit sensitibo sa presyo ng mga produktong kanilang binibili.
Patuloy na dadami ang mga Pilipinong gagamit ng internet at information technology. Ang mga programmer ng Pilipinas ay patuloy na lumalabas ng bansa bagaman kailangan ang pagpapaunlad ng information technology infrastructure upang matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
Sa larangan ng printers na gamit ng mga Pilipino, malakas ang bentahan ng mga kailangan ng mga may computers sa buong bansa. Nagpapabagsakan ng presyo subalit mas maraming nagagawa ang mga produktong inilalabas sa pamilihan,
DEPARTMENT OF BUDGET: 84% NG MGA PROYEKTO NAISUBASTA NA
IBINALITA ng Department of Budget and Management na 84% na lahat ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways ay naisubasta na sa pagtatapos ng buwan ng Enero ayon sa layunin ng pamahalaan na ituloy ang magandang takbo ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggastos sa pagawaing bayan.
Ayon kay Kalihim Florencio Abad, naisubasta na ang 2,260 proyekto mula sa 2,697 paa sa taong 2013. May 868 na proyekto o 32% ang mayroon nang Notices to Proceed.
Sa pagtatapos ng 2012, hiniling ng DBM sa Department of Public Works and highways na madaliin ang procurement process sa lahat ng infrastructure projects ngayong taon. May P 51.5 bilyon mula sa P 92.4 bilyon para sa taong 2013 ang naisaayos na ahensya at nakatitiyak ang pamahalaang maipatutupad ang mga proyekto.
KATARUNGANG PANGLIPUNAN: MAHALAGA KANINUMAN
SA pagdiriwang ng World Day of Social Justice, sinabi ni Arsobispo Oscar V. Cruz na mahalagang ipagunita sa mga mamamayan ang kahalagahan ng katarungang panglipunan.
Ayon kay Arsobispo Cruz, ang mga katuruan ng Simbahan ay nilimbag na sa aklat ng Social Teachings of the Catholic Church na naglalaman ng mga isinulat ng mga nakalipas na Santo Papa tungkol sa paninindigan ng Simbahan sa mga isyung panglipunang naka-aapekto sa daigdig.
Ipinaliwanag niyang mahala ang commutative justice sapagkat ito ang paggalang ng mamamayan sa mga karapatan ng bawat isa. Sa ganitong paraan, nakikilala ng bawat mamamayan ang kanyang karapatan at nagkakaroon ng paggalang sa karapatan ng kanyang kapwa tao. Samantala, sinabi naman niyang mahalaga ring makilala ng madla ang legal justice na nangangahulugan ng relasyon ng mamamayan sa estados sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis ng lahat ng may kakayahan. Hindi man nakakabayad ang mahal ng direct taxes sapagkat may mga walang hanapbuhay, lahat naman ay nagbabayad ng indirect taxes tulad ng Value Added Tax sa bawat binibili o transaksyon.
Sa pangatlong antas, mahalagang kilalanin ang distributive justice na nagsusulong ng kabutihan ng balana. Magaganap ito sa pagpapatupad ng mga batas ng ehekutibo na mula naman sa lehislatura. Karamihan umano ng batas ay hindi naipatutupad kaya't maibibintang ang kawalan ng paggalang sa batas sa ehekutibo, dagdag pa ni Arsibispo Cruz.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |