|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ang Spring Festival dito sa Tsina ay parang Pasko ng ibang mga bansa para makapiling ang buong pamilya. Pero sa katatapos na Spring Festival, iniuwi ng mga batang Tsino ang mga taong di kilala para magkasamang makalipas sa pestibal na ito. Ang nabanggit na taong di-kilala ay hindi tunay na strangers, sila ay mga taong na hinirang ng mga single Tsino para gumanap ng kanilang kasintahan. Para sa mga magulang ngayon sa Tsina, ang pag-aasawa ay tanging palatandaan ng pagiging adult ng kanilang anak.
Dahil ang one child policy, isa lang anak ang isang pamilya, kaya ang isyu ng pagkasal ay naging nukleo sa pansin ng mga magulang. Sa ibang dako, ang naturang patakaran ay nagpapataas ng lebel ng mga bantang Tsino sa kanilang mga kasintahan.
Ngayon sa Tsina, dumaraming batang tao ay namumuhay at nagtatrabaho sa ibang probinsya, lalo na sa mga malalaking lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai, at ibang mga punong lunsod ng probinsya kung saan siguro malayo sa kanilang lupang tinubuan. Kaya lumalaki ang pagkabahala ng mga magulang sa isyung pagkasal ng kanilang anak. Pero, tulad ng sinabi natin kanina, ang ibang dahilan ay nagbabago ang ideya ng mga batang Tsino sa pagkasal na hindi gustong agarang may asawa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |