Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulong Binay: batid ni Pangulong Aquino ang nagaganap sa Sabah

(GMT+08:00) 2013-02-21 18:03:31       CRI

NANINIWALA si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na batid ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga nagaganap sa Sabah, Malaysia kasabay ng kanyang panawagan sa madla na maging mahinahon at huwag magduda sa kakayahan ng pangulo ng bansa.

Ani Pangalawang Pangulong Binay, ginagawa ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang lahat upang payapang malutas ang pangyayari.

Marapat lamang pahintulutan si Pangulong Aquino na magdesisyon ng walang anumang pressure mula sa iba't ibang tao at mga grupo. Nakatitiyak ang madla na magdedesisyon si Ginoong Aquino ng higit na makabubuti para sa bansa at matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Sabah.

Si Pangalawang Pangulong Binay ang Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Concerns. Ayon kay Ginoong Binay, maselan ang situwasyon at mangangailangan ng ibayong hinahon. Nakababahala umano ang kalagayan ng mga Pilipinong nasa Sabah, partikular ang mga OFW na naroon. Ang payapang resolusyon ng nagaganap doon ang hangarin ni Pangulong Aquino, dagdag pa ni Ginoong Binay.

HUKBONG DAGAT NG PILIPINAS, PINA-IGTING ANG PATROLYA SA SULU SEA

DAHILAN sa nagaganap sa Sabah sa pag-itan ng mga tagasunod ni Sultan Jamalul Kiram ng Sulu at mga kawal ng Malaysia, ang Philippine Navy sa pamamagitan ng Naval Forces Western Mindanao Command ay nagpadala ng mga tauhan at sasakyang-dagat upang magpatrolya sa Sulu Sea.

Sumusuporta ang tanggapang ito sa mga ginawa ng Western Mindanao Command partikular sa pagpapanatili ng kapayapaan sa pook.

Ayon sa pahayag ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, ang Naval Task Force 62 ay handang magsagawa ng Maritime Patrol Operations kasama ang mga tauhan ng Hukbong Dagat ng Malaysia.

Ang Hukbong Dagat ng Pilipinas ay may responsbilidad sa pagpapatrolya sa may 36,000 kilometro ng karagatan sa paligid ng bansa.

SA LARANGAN NG KALAKAL, WALANG NATATANGGAP NA SUBSIDYO MULA SA PAMAHALAAN ANG SEKTOR NG ELEKTRISIDAD

WALANG SUBSIDYO ANG KURYENTE SA PILIPINAS.  Sinabi ni Meralco AVP Lawrence S. Fernandez (kaliwa) na isa sa pinaka-transparent ang billing system ng kanyang kumpanya sapagkat ang sinisingil nila at "fully-priced" na nangangahulugan na mayroong breakdown sa monthly bills.  Na sa gawing kanan si Dina Lomotan, isa sa mga tagapagsalita ng Meralco na naglilingkod sa may 5.2 milyong tahanan sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan.

MAAARING mas mababa ang kuryente sa ibang bansa sapagkat ang kuryente sa Pilipinas ay maituturing na "fully-priced." Nangangahulugan itong sinisingil ng mga kumpanyang tulad ng Manila Electric Company ang mga gumagamit ng kuryente ng naaayon sa tama at angkop na halaga mula sa power generation, transmission at distribution kasama na rin ang mga buwis na sinisingil ng pamahalaan.

Ito ang paliwanag ni Lawrence S. Fernandez, Assistant Vice President at Head Utility Economics ng Meralco sa isang briefing kaninang umaga. Nakikita naman umano ang mga detalyes ng mga siningil sa monthly electric bill. Isa umano ang Meralco bill sa pinaka-transparent sa buong daigdig na makikita ng madla ang patutunguhan ng mga sinisingil sa bawat buwan.

Sa isang pag-aaral, ang halaga ng kuryente sa ibang bansa ay mas mababa sa halaga sa Pilipinas sapagkat mayroong subsidyo mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng mas murang krudo, pagpipigil sa capital expenditures, sa pangungutang sa ibang ahensya matustusan lamang ang kanilang mga mamamayan, o sa pamamagitan ng subsidyo mula sa pamahalaan patungo sa power plant.

KITANG-KITA KUNG SAAN NAKARARATING ANG IBINABAYAD NG CONSUMERS.  Ayon kay Lawrence S. Fernandez ng Meralco, walang itinatago ang Manila Electric Company sa kanilang mga sinisingil sa mga consumer sa kalakhang bahagi ng Luzon.  Higit sa 6,000 MegaWatts ang kanilang konsumo sa bawat araw.

Bagaman, idinagdag ni Ginoong Fernandez na may pakikipagtulungan ang Meralco sa iba't ibang kumpanya upang higit na pakinabangan ng mga mamamayan ang kuryenteng kanilang kailangan sa mga gawain.

Ang Meralco ay kumukunsumo ng higit sa 6,000 megawatts sa bawat araw sa pangangailangan ng 5.2 milyong households. Tuloy sa pagtaas ng consumption ang mga Pilipino dahilan sa pagdami ng mga mamamayan at pag-unlad ng ekonomiya.

Sa pagunlad ng ekonomiya, tiyak na tataas pa ang pangangailangan ng mga consumer.

Nakatakdang gumastos ang P 45 bilyon para sa kanilang expansion programs sa loob ng susunod na apat na taon. Baka umano gumamit pa sila ng makabagong teknolohiya upang maitapat sa international levels ang kanilang paglilingkod, dagdag pa ni G. Fernandez.

PAGKAKAROON NG ECC, HINDI GARANTIYA NA MAKAKAPAGSIMULA NA ANG MINAHAN SA MINDANAO

HINDI KAAGAD MAGSISIMULA ANG MINAHAN SA TAMPAKAN.  Ito ang paliwanag ni Marbel (South Cotabato) Bishop Dinualdo Gutierrez matapos maglabas ng Environmental Compliance Certificate ang Department of Environment and Natural Resources sa Sagittarius Mines/XTrata na nakatakdang gumugol ng $ 5.9 bilyon sa kanilang proyekto.

KAHIT pa naglabas na ng Environmental Compliance Certificate ang Department of Environment and Natural Resources para sa kontrobersyal na Tampakan Mines, hindi ito nangangahulugan na magsisimula na sila ng operasyon.

Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, ang Environmental Compliance Certificate ay naglalaman ng mga nararapat gawin at mga nararapat iwasan. Hindi ito nangangahulugan ng lisensyang makakapagmina na sila.

Idinagdag pa ni Bishop Gutierrez na marami pang nararapat gawin ang Sagittarius Mines lalo pa't may kinalaman sa relasyon nila sa local government units, mga mamamayan at non-government organizations na kinabibilangan na rin ng Simbahan.

Ang regional director mismo ng Mines and Geociences Bureau sa Region XII ang nagpa-abot ng balitang ito kay Bishop Gutierrez.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>