Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaang Aquino, naghahanap ng ebidensya laban sa mga nagsulsol sa mga Kiram

(GMT+08:00) 2013-03-04 18:23:00       CRI

Pamahalaang Aquino, naghahanap ng ebidensya laban sa mga nagsulsol sa mga Kiram

NAGHAHANAP ng kaukulang ebidensya ang pamahalaang Aquino laban sa ilang mga nagsulsol sa mga Kiram na magtungo sa Malaysia at isulong ang paghahabol sa Sabah. Binanggit ang pangalan ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales na nakipag-usap kay Sultan Kiram.

Itinanggi naman ni Gonzales na may kinalaman siya sa naganap sa Sabah. Inamin niyang magkaibigan sila ng mga Kiram at walang anumang pananagutan sa naganap sa Sabah noong isang linggo.

Sa isang press briefing, nagkausap sina Pangulong Aquino at Prime Minister Razak noong Sabado na tumagal na limang minuto. Binanggit ni Ginoong Razak na wala ng puwang sa dialogue sapagkat may nasawi ng mga Malaysian nationals.

Itinanong kay Pangulong Aquino kung posible bang may kinalaman si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa naganap sa Sabah, wala pa umano siyang hawak na impormasyon.

Kalihim Del Rosario, lumipad patungong Kuala Lumpur

UMALIS patungong Kuala Lumpur si Kalihim Albert F. Del Rosario upang makausap si Malaysian Foreign Minister Anifah Aman upang ipagpatuloy ang pag-uusap upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at manawagan din sa Malaysian authorities na magkaroon ng maximum tolerance sa pagtrato sa grupo ni Sultan Kiram.

Ipararating ni Kalihim del Rosario din ni Kalihim del Rosario ang mga kahilingan ng pamahalaan ng Pilipinas.

Mga kahilingan ng Pilipinas sa Malaysia wala pang tugon

SINABI ni Foreign Affairs Assistant Secretary Raul S. Hernandez na humihiling ang Pilipinas ng "maximum tolerance" para sa mga nalalabing Pilipinong taga-sunod ni Sultan Kiram.

Sa isang press briefing, hiniling ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na magbigay ng isang full briefing ang Malaysia sa situwasyon. Inulit niyang muli ang kahilingan na makadaong ang barko ng Hukbong Dagat ng Pilipinas na AT-296 Tagbanua sa Lahad Datu upang magamot ng mga mga tauhan nito ang mga sugatan at mabigyan ng consular assistance at maibalik sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Nakikiusap ang Pilipinas na pagbigyan ang mga kahilingan nito sa pinakamadaling panahon at maiparating sa mga kinauukulan sa Borneo.

Pangalawang Pangulong Binay, umaasang huhupa ang tensyon sa Sabah

UMAASA si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na magkakaroon ng mas mahinahong paninindigan ang mga mula sa Sultanate of Sulu at Malaysia upang maiwasan ang higit na pagdanak ng dugo.

Humiling din siya ng mga panalangin upang maibsan ang kaguluhan samantalang may pag-uusap sa pag-itan ng Pilipinas at Malaysia kung paano mabawasan ang kaguluhan.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa Cagayan de Oro City, sinabi niyang ang mahalaga ay bukas ang komunikasyon sa pagitan ng magkabilang panig.

Nababahala umano siya sa balitang ang mga walang kamalay-malay na mga Filipino ay dinarakip ng mga autoridad. Hiniling niya sa Embahada ng Pilipinas na alamin kung ano ang katotohanan sa balitang ito.

Nanawagan din siya sa Malaysia na madaliin ang pagpasok ng mga barkong tutulong sa mga mamamayang Pinoy na apektado ng kaguluhan.

Nakausap niya si Sulu Sultan Jamalul Kiram III hinggil sa posisyon ng pamahalaan sa Sabah issue.

Binanggit umano niya sa Sultan na ang pinakamahalaga ay makaiwas sa kaguluhan. Ang mga sagupaan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Malaysian authorities ay ikinasawi na ng labing-dalawa katao.

Embahada ng Pilipinas sa Malaysia nanawagan

NANAWAGAN ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa mga bumubuo ng Filipino-Malaysian community sa silangang bahagi ng Sabah na manatiling kalmado at sumunod sa mga alituntuning mula sa mga pinuno ng pamahalaan.

Sa isang pahayag na inilabas kahapon ng hapon, nauunawaan at naradama ng mga taga-Embahada ng Pilipinas ang pagkabalisa sa mga nagaganap sa Sabah sa kanilang tinaguriang mga panahon ng pagsubok. Makikipagtulungan ang mga kawani ng Embahada ng Pilipinas sa mga autoridad ng Malaysia matiyak lamang ang kaligtasan ng mga mamamayang Pilipinong naroon.

Hindi kailangang kumilos ng kakaiba na maaaring makasama sa pananaw ng ibang panig, dagdag pa ng pahayag ng Embahada ng Pilipinas. Ipinalabas ng Embahada ang pahayag na ito sa mga Pilipinon na sa Lahad Dahu, Semporna at Kunak.

Department of Social Welfare and Development, tumutulong na sa mga kamag-anak ng Royal Army

MAYROONG tulong mula sa pamahalaan sa mga naulila at naiwan ng mga taga-sunod ni Raja Muda Agbimmudin Kiram sa Lahad Datu kasunod ng mga naganap doon sa nakalipas na ilang araw.

Dinagdagan ang mga Social Workers na dumadalo sa Sinumul, Tandabanak at Sibutu. Ayon sa pahayag ni Secretary Corazon "Dinky" Soliman, katulong na ng DSWD staff mula sa Bongao, Tawi-tawi sa Pantawid Pamilya network ng mga social workers sa Simunul, at Tandabanak at Sibutu. Nakikipagtulungan sila sa maybahay ni Raja Muda Agbimmudin Kiram upang kilalanin ang mga pamilyang iniwanan ng mga mister at mga anak upang mabigyan ng tulong at pagkain. Tatlumpu't isang pamilya ang isinasailalim ng validation. Inaalam pa nila kung ilang pamilya ang walang ama at mga anak ngayon sa Sibutu.

May pagkain nang ipinadadala sa Simunul Island. Ang mga pamiya sa Sibutu ay pinaglilingkuran na rin ng mga tauhan ng DSWD sa pamamagitan ng Philippine Navy.

Nanawagan din ang DSWD sa media at sa publiko na igalang ang kahilingan ng maybahay ni Raja Muda Agbimmudin Kiram na huwag na munang mag-usyoso sa kanilang mga tahanan at mga barangay.

Arsobispo ng Lipa, sang-ayon sa ginawa ng Diocese of Bacolod

SUMUSUPORTA ang Arkediyosesis ng Lipa sa ginawang talaan ng Dioyosesis ng Bacolod na nanawagang iwaksi ang mga bumubuo ng Team Patay, ang mga kandidatong sumang-ayon sa Reproductive Health law.

Magugunitang naglagay ng tarpaulin sina Bishop Vicente Navarra na may pangalang Team Buhay at Team Patay na ikinagalit ng mga kandidatong sumuporta sa kontrobersyal na panukalang batas.

Sa kanyang mensaheng ikinalat sa pamamagitan ng text message ngayong hapon, sinabi ni Archbishop Ramon C. Arguelles na nananawagan siya sa mga botante ng Arkediyosesis ng Lipa at saanman tulad ng mga taong may mabubuting kalooban na huwag iboto ang mga sumuporta sa Reproductive Health, mga taong nagpapasa ng batas na taliwas sa buhay, moralidad at mga Kautusan ng Diyos at batas ng Simbahan.

SAMANTALA, nanawagan naman si Jaro, Iloilo Archbishop Angel N. Lagdameo na ipagdasal ang mga bumubuo ng College of Cardinals upang mapili ang pinakamagaling sa kanila na pamunuan ang Simabahan ayon sa gabay ng Banal na Ispiritu tungo sa New Evangelization ngayong "Year of Faith."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>