|
||||||||
|
||
Binuksan dito sa Beijing kaninang umaga ang unang sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Dumalo sa sesyon ang mga lider ng bansa na gaya nina Hu Jintao, at Xi Jinping, at halos 3 libong deputado ng bagong NPC.
Ang NPC ang kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng Tsina. Sa araw na ito, sa ngalan ng Konseho ng Estado, iniulat ni Premyer Wen Jiabao sa sesyon ang gawain ng pamahalaan nitong 5 taong nakalipas.
Sa ulat, iniharap ni Wen ang mga pangunahing inaasahang target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa sa taong ito.
Sa loob ng darating na 12 at kalahating araw, susuriin ng halos 3 libong deputado ng naturang NPC ang Government Work Report na binasa ni Wen.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |