|
||||||||
|
||
Ang Sina Weibo dito sa Tsina ay katumbas ng Twitter sa ibang mga bansa. Ang isang microblog account sa Sina Weibo na tinatawag na "Xuexifensituan" ("Learning from Xi Fan Club") ay nakilala sa buong Tsina kamakailan dahil mas maaga ang mga impormasyon na inilalabas nito hinggil sa biyahe ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa lalawigang Gansu kaysa sa mga opisyal na media na gaya ng Xinhua News Agency.
Hindi lamang hinggil kay Xi, mayroon ding ganitong uri ng microblog hinggil kay Li Keqiang, Pangalawang Premyer ng Tsina na gaya ng ang Xianglixuexi o Learning from Li,isang Sina Weibo account。
Ang mga microblog na Sina Weibo hinggil sa mga lider ng Tsina ay nakatawag ng pansin, hindi lamang ng mga netizen, kundi maging ng malalaking media sa loob at labas na bansa. Sino ang mga user ng naturang mga microblog? Ano ang mga aktuwal na nilalaman ng mga ito? At ano ang mga palagay hinggil dito? Tatalakayin natin iyan sa ating programa ngayong gabi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |