|
||||||||
|
||
NANAWAGAN ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa sinumang at alinmang grupong may kinalaman sa pagdukot sa 21 kawal na Pilipinong kabilang sa peacekeepers na nakatalaga sa United Nations Disengagement Force sa Golan Heights.
Natanggap ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang balitang hindi naman sinaktan ang mga kawal na Pilipino at may nagaganap ng negosasyon upang mapalaya kaagad ang mga binihag. May koordinasyon na ang Pamahalaan ng Pilipinas sa United Nations Department of Peacekeeping Operations sa bagay na ito.
Ikinababahala ng Pamahalaan ng Pilipinas na tiyaking ligtas at nasa maayos na kalagayan ang mga kabilang sa peacekeepers na nagmula sa Pilipinas.
Ani Kalihim Albert F. Del Rosario, ang mga kabilang sa UN Disengagement Force ay mayroong kalayaang makakilos at karapatang makapaglakbay. Nararapat ding igalang ng lahat ang lupon sa pook na kanilang pinaglilingkuan, dagdag pa ni Kalihim del Rosario.
Kinondema niya ang illegal detention ng mga kawal na Pilipino na naglilingkod sa ilalim ng United Nations sa Golan Heights.
Ang pagbimbin sa mga kawal na Pilipino ay tahasang paglabag sa international law, dagdag pa ni Kalihim del Rosario. Sapagkat sila'y naglilingkod sa ilalim ng bandila ng United Nations, sila ay mayroong immunity at proteksyon tulad ng mga diplomatic agents at iba pang mga kawani. Ang anumang paglabag sa international law ay may kaukulang kaparusahan, dagdag pa ni Kalihim del Rosario,
TURISMO, AANGAT NA
NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang batas na nag-aalis ng tatlong (3) % common carrier's tax sa mga banyaganga kumpanya ng eroplanong nagyayaot sa Manila at mga kalapit lungsod. Ayon sa pahayag ng Malacanang, bababa ang presyo ng mga pamasahe ng mga maglalakbay at makatitiyak na mas darami ang mga turistang dadalaw sa PIlipinas. Makakatulong din ang bagay na ito sa paglago ng industriya ng turismo.
Kasunod ito ng pagaalis ng International Civil Aviation Organization Significant Safety Concerns na ipinataw sa Pilipinas noong 2008. Ito umano ay pagkilala sa pagtatangka ng Pilipinas na tumugon sa pandaigdigang aviation safety standards.
Nagmula ang balita sa Makati Business Club na nagsabing isang "rising star" sa mga umuunlad na market economies na nag-ugat sa sa mga policy improvements na sumusuporta sa industriya.
Umangat na rin ang Pilipinas ng may 12 bahagdan sa Travel and Tourism Competitiveness Report 2013 ng World Economic Forum. Malaki umanong iniunlad ng bansa matapos sabihing ang Pilipinas ay desididong makasama ng mga nangungunang bansa sa Asia.
UN SECRETARY GENERAL NABABAHALA SA NAGAGANAP SA SABAH
NARARAPAT mag-usap ang magkabilang panig sa kaguluhang nagaganap sa Sabah. Ito ang paniniwala ni Ginoong Ban Ki-Moon, Secretary General ng United Nations na nanawagang itigil na ang karahasan at magkaroon ng pag-uusap upang payapang malutas ang kaguluhan na ikinasawi nan g may 30 katao.
Ayon sa balita ng United Nations Information Center, nagbabahay-bahay na ang mga kawal ng Malaysia ay naghahanap ng mga armadong kasama ng isang angkan mula sa Sulu na dahilan ng kaguluhan sa nakalipas na tatlong linggo sa Borneo. Walong kawal ng Malaysia ay 19 na kamag-anak ng mga Kiram ang nasawi.
Ayon sa isang statement, masugid na binabantayan ng UN Secretary-General ang nagaganap sa Sabah kasabay ng panawagang mag-usap ang mga sangkot sa mga sagupaan. Nababahala din si Ginoong Ban sa epekto nito sa mga mamamayan, na kinabibilangan ng mga migrante sa rehiyon. Kailangang makarating ang humanitarian assistance at paggalang ayon sa international human rights norms and standards, dagdag pa ng pahayag.
MGA OBISPO: PAKINGGAN ANG MGA SAMA NG LOOB NG MGA TAUSUG
NANINIWALA si Jolo Bishop Angelito Lampon, OMI na pinagtutuunan ng pansim ng pamahalaan ang Mindanao at nakikita ito sa iba't ibang mga proyekto subalit nalimutang pakinggan ang paghahabol ng mga Kiram.
NARARAPAT PAKINGGAN ANG KAHILINGAN NG MGA TAUSUG. Ito ang mensahe ni Jolo Bishop Angelito Lampon, OMI, ang obispong nakasasakop sa pinagmulan ng mga kamag-anak ng Sultan ng Sulu Jamalul Kiram III. Lehitimo umano ang mga hinaing na ito.
May basehan ang panawagan ng pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III at ang mga ito'y lehitimo, dagdag pa ni Bishop Lampon. Si Bishop Lampon ay isa sa mga opisyal ng Pontifical Council on Indigenous People at isa sa mga huling hinirang ni Pope Benedict XVI bago siya nagbitiw kamakailan.
Samantala, umaasa si Cagayan de Oro Bishop Antonio Ledesma, SJ na hindi magkakaroon ng anumang epekto sa kalalagdang bangsamoro Framework ang nagaganap sa Sabah. (Mga larawang kuha ni Roy Lagarde/CBCP Media)
Samantala, sinabi naman ni Archbishop Antonio Ledesma, SJ na kailangang maging sensitibo ang Malacanang sa pagtugon sa krisis sa Sabah. Umaasa ang arsobispo ng Cagayan de Oro na hindi naman magkakaroon ng anumang epekto sa sa Bangsamoro Framework na nilagdaan ng pamahalaan sa mga kabilang sa Moro Islamic Liberation Front.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |