Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

European Union, nanawagan sa pagpapalaya sa 21 Peacekeepers

(GMT+08:00) 2013-03-08 18:18:22       CRI

European Union, nanawagan sa pagpapalaya sa 21 Peacekeepers

NARARAPAT lamang palayain ang 21 Pilipinong peacekeepers na dinukot ng mga rebeldeng mula sa Syria samantalang nasa gitnang silangan sila. Ang ginawang ito ay tasahang pagbalag sa ilang probisyon ng international law.

Sa isang statement na ipinadala ng European Union mula sa Brussels, sinabi ni Catherine Ashton, taga-pagsalita sa ngalan ng EU Representative for Foreign Affairs na sila'y namangha sa pagkakatanggap ng balita.

Niliwanag ni Ashton na ang hostage-taking ay isang malubhang situwasyon lalo't higit na ang biktima ay mga tauhan ng United Nations. Dinukot ng mga rebeldeng mula sa Syria ang 21 kawal kasabay ng paghiling ng pag-aalis ng mga tauhan ni Syrian President Bashar al-Assad mula sa Jamla region na kontrolado ng mga rebelde.

Maayos naman umano ang pagtrato sa mga binihag at itinuturing na mga panauhin.

SINABI naman ni Col. Arnulfo Marcelino Burgos, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na nakahinga sila ng maluwag ng lumabas ang isang video sa Youtube na nagpapakitang maayos naman ang lagay ng mga kawal na Pilipino sa Syria.

Naabisuhan na ang lahat ng mga kamag-anak ng mga kawal at bago sila naglabas ng anumang pahayag ay kailangan munang magkaroon ng kumpirmasyon mula sa kanilang sources sa pook.

Umaasa rin sila sa Armed Forces of the Philippines na agarang makakalaya ang mga binihag na tauhan ng peacekeeping forces doon.

Pulong ni Pangulong Aquino at mga Obispo tagumpay

ISANG magandang pagkakataon ang naganap noong Martes ng gabi sa Palasyo Malacanang ng magpulong sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at mga obispo sa pamumuno ni Cebu Archbishop Jose S. Palma, pangulo ng CBCP..

Ito ang sinabi ni Msgr. Joselito Asis, Secretary General ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa panayam ng CBCP Online Radio.

Naganap ang pag-uusap sa paanyaya ng Malacanang upang ipaliwanag naman ang panig nito bilang reaksyon sa mga isyung inilabas ng mga obispo matapos ang plenaryo noong nakalipas na buwan ng Enero.

Naging makahulugan ang pulong sapagkat sinagot at ipinaliwanag ng mga kalihim ng tanggapan ng pangulo ang bawat isyung nabanggit sa pastoral statement.

Ipinaliwanag ni Msgr. Asis na ang mga obispo ay tumatanggap ng mga kahilingan mula sa mga parokya at ang lahat ng mga isyu ay inilalabas sa bawat plenaryo. Isa sa pinakamaraming isyung natatanggap ay ang National Secretariat of Social Action na pinamumunuan naman ni Bishop Broderick Pabillo. Kahit na ang mga isyung may kinalaman sa kalikasan, pagmimina at mga katutubo ay napag-usapan din.

Umaasa ang magkabilang panig na magkakaroon pa ng pagkakataong mag-usap sa mga susunod na panahon upang magkaliwanagan at manatiling maayos ang pagtutulungan ng pamahalaan at simbahan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>