Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, inaalam ang tunay na situasyon sa Hilagang Borneo

(GMT+08:00) 2013-03-11 18:20:07       CRI

Pilipinas, inaalam ang tunay na situasyon sa Hilagang Borneo

PANGALAWANG PANGULONG BINAY: NAKIUSAP SA KAHARIAN NG SAUDI ARABIA.  Ipinakiusap ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa Kaharian ng Saudi Arabia na dagdagan ang palugit upang malikom ang kailangang blood money upang makaligtas sa parusang kamatayan si Joselito Zapanta.  Bumaba na ang blood money mula sa P 55 milyon at P 44 milyon na lamang subalit kulang pa rin ang salapi.

KUMIKILOS ang Kagawaran ng Ugnyanang Panglabas ng Pilipinas upang alamin ang tunay na situasyong nagaganap sa Hilagang Borneo kasunod ng mga balitang nagmalabis ang mga Malaysian security forces sa pagbabahay-bahay at pagdakip sa mga mamamayang pinaniniwalaang kasama ng Sulu Royal Army.

Sa isang press briefing, sinabi ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na kausap pa lamang niya ang tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas si Asst. Secretary Raul Hernandez at binanggit na inaalam na ng pamahalaan ang mga nagaganap doon. Mahigit na sa dalawampung mga Pilipino ang pinabalik sa Pilipinas matapos malamang wala silang kaukulang dokumento.

Sa katanungan kung siya'y nasisiyahan sa ginagawa ni Pangulong Aquino, sinabi ni Pangalawang Pangulong Binay na ginagawa namang lahat ni Pangulong Aquino ang magagawa para sa mga Pilipino sa Sabah.

SAMANTALA, nanawagan si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa Kaharian ng Saudi Arabia upang dagdagan pa ang palugit sa paglikom ng blood money para sa manggagawang si Joselito Zapanta na nahatulan ng kamatayan bukas.

Si Ginoong Binay ang siyang presidential adviser on OFW concerns at nagsabi sa isang press briefing sa kanyang tanggapan na nakiusap na ang mga taga-Embahada ng Pilipinas sa mga autoridad ng Saudi Arabia at sa pamilya ng biktimang taga-Sudan na napaslang ni Zapanta noong 2009.

Kulang pa ang blood money, dagdag pa ni Ginoong Binay. Nakikiusap ang Embahada at ang Pamahalaan ng Pilipinas na baka sakaling mababaan ang halagang hinihiling upang maayos na ang lahat. Ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mailigtas si Zapanta. Humiling din siya ng panalangin para sa pamilya ni Zapanta na umalis na ng bansa noong nakalipas na Sabado.

Binigyan na siya ng reprieve na apat na buwan noong Nobyembre upang malikom ang kailangang halaga. Pumayag na ang pamilya ng biktima na babaan ang blood money mula sa P 55 milyon at ginawa ng P 44 milyon matapos makausap ang ilang mga opisyal ng Saudi Arabia sa Riyadh kamakailan.

Nakiusap na si Pangulong Aquino at Ginoong Binay kay King Abdullah upang makaligtas sa tiyak na kamatayan si Zapanta.

Magsusuri ang General Secretary ng Central Committee ng Communist Party of China

NANINIWALA si Dr. Clarita Carlos, isang political analyst at dating pangulo ng National Defense College of the Philippines na magkakaroon ng paninimbang sa mga isyung kinakaharap ng Tsina at ng Asya.

Sa isang panayam sa kanyang tahanan sa Pamantasan ng Pilipinas, sinabi ni Dr. Carlos na maraming umaasang ipagpapatuloy ni Ginoong Xi ang mga nasimulan ng kanyang hahalinhan sa mga susunod na ilang araw.

Isa sa mga mahahalagang isyu na nararapat pag-aralan ay ang mga kabataang nais magkaroon ng access sa social media. Mahalaga ito sapagkat ang anumang madaliang pagluluwag tulad ng naganap sa Union of Soviet Socialist Republics ang naging dahilan ng pagkakahiwalay ng malawak na pamahalaan.

Mahalaga ring pag-aralan at suriin ni Ginoong Xi bilang general secretary ng Central Committee ng Communist Party of China ay ang relasyon ng bansa sa mga kalapit-bansa sa rehiyon tulad ng Pilipinas, Vietnam at Japan. Isa umanong plus factor sa Tsina ang pagkakaroon ng mas malalim na pakikipagkaibigan at pakikipag-unawaan upang lumago ang kalakal.

Naniniwala din si Dr. Carlos na hindi makikialam ang Estados Unidos sa nagaganap sa pag-itan ng Tsina at mga bansa sa Asia sapagkat malaking bahagi ng salaping umiikot sa America ay mula sa Tsina.

Mga katutubong Mangyan, problemado sa squatters

DUMULOG sa Episcopal Commission on Indigenous People ang mga Alangan Mangyan ng Occidental Mindoro. Ayon kay Sr. Beverly, isang misyonera mula sa MIC congregation, posibleng magkaroon ng mga sagupaan sa pagitan ng mga katutubo at mga Tagalog na nagsisimulang mangamkam ng mga lupaing katutubo.

Mula sa 98,000 ektaryang lupain (ng mga Mangyan), may 400 ektarya na ang napasok ng mga Tagalog na kinukunsinte ng mga opisyal ng pamahalaang lokal.

Masayang ibinalita ni Rojas Lorenzo, isa sa mga katutubong nabiktima ng pananakot ng mga squatter, ang kanyang pagwawagi sa usaping ipinarating sa municipal trial court na nagpatunay na nagkasala ang isang squatter ng grave threats.

Ayon kay Luven Garong, isang lider ng mga Alangan Mangyan, marami na silang mga katutubong nabiktima ng mga squatter na nagsasabing hawakan na ng mga katutubo ang kanilang titulo samantalang hawak naman ng squatters ang kanilang mga lupain.

Babalik ang grupo nina Sr. Beverly at mga Mangyan upang magdala ng liham kay Kalihim Manuel Roxas ng Interior and Local Government at Kalihim Ramon Paje ng Department of Environment and Natural Resources upang mapigil na ang pang-aabuso ng mga lowlanders at maiwasan ang anumang kaguluhan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>