|
||||||||
|
||
Isinapubliko kahapon ng umaga ang plano sa reporma at pagbabago ng tungkulin ng mga organo ng Konseho ng Estado ng Tsina, at siminulan na ang ika-7 malawakang reporma sa mga organo ng Konseho ng Estado. Kaungay nito, ipinahayag ni Ma Kai, Kasangguni ng Estado at Pangkalahatang Kalihim ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang pagbabago sa mga tungkulin ng pamahalaan ay nukleo ng pagpapalalim ng reporma sa sistemang administratibo.
Ayon sa naturang plano, bubuuin ang General Administration of Food and Drugs. Magsusuperbisa at mangangasiwa ang departamentong ito sa kaligtasan ng pagkain at gamot sa proseso ng produksyon, sirkulasyon at konsumo, para mapataas ang lebel ng kaligtasan at kalidad ng pagkain at gamot.
Bukod sa larangan ng kaligtasan ng pagkain at gamot, ang kasalukuyang reporma ay may kinalaman din sa mga organo ng daambakal, kalusugan at pagpaplano ng pamilya, pahayagan, publikasyon, radio, pelikukla at telebisyon, dagat, at pangangasiwa sa enerhiya. Kabilang dito, bubuwagin ang Ministri ng Daambakal. Ang administratibong tungkulin nito sa pagtatakda ng plano at patakaran sa pag-unlad ng daambakal ay mabibilang sa Ministri ng Transportasyon, at isasabalikat ng bagong bubuuing State Railway Administration ang iba pang administratibong tungkulin nito. Bubuuin din ang China Railway Corporation para mamahala sa mga aktibidad ng pamamalakad ng Ministri ng Daambakal.
Upang mapasulong ang pagpapatupad ng batas sa dagat, at mapataas ang kakayahan at episyensiya ng pagpapatupad ng batas, muling bubuuin ang State Oceanic Administration para pagsama-samahin ang mga tungkulin ng kasalukuyang State Oceanic Administration, China Maritime Surveillance, China Coast Guard ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko, Kawanihan ng Pangingisda ng Ministri ng Agrikultura, at police troop ng pagbibigay-dagok sa pagpupuslit na pandagat ng General Administration of Customs.
Sa darating na ilang araw, susuriin ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang nabanggit na plano. Kung pagtitibayin ang planong ito, magsisilbi itong mahalagang hakbangin sa reporma ng bagong pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |