Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Foreign remittances lumago pa

(GMT+08:00) 2013-03-12 17:35:01       CRI

SA likod ng unti-unting pagbawi ng ekonomiya sa Europa at Estados Unidos ay patuloy na lumago ang cash remittances ng mga Pilipinong idinaan sa banking system. Patuloy itong lumago sa nakalipas na 2012, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon sa datos mula sa tanggapan ni Gobernador Amando Tetangco, umabot ito sa US $ 21.4 bilyon mula sa US $20.1 bilyon noong 2011. Sa pagkakataong ito, nakita ang paglago ng cash remittances sa 6.3%.

Ang mga nangungunang pinagmulan ng salapi ay ang Estados Unidos na pinagmulan ng 42.6%, Canada na 9.2%, Kingdom of Saudi Arabia (8.1%), United Kingdom na nagkaroon ng 5% at Japan na nakapag-ambag ng 4.7%.

Kung percentage ang pagbabasehan, mahalagang mabatid na ang remittance centers sa ibang bansa, partikular sa Gitnang Silangan, karaniwang ginagawa ang pagdadadaan sa correspondent banks na nasa Estados Unidos. Mahirap mapaghiwalay ang remittances na idinaan sa money transfer operators papasok sa kanilang bangko at sa kinatatayuan ng kani-kanilang main offices.

Tinataya ng Bangko Sental ng Pilipinas na 30% ng mga cash remittances ay tunay na nagmula sa Estados Unidos

Pangalawang Pangulong Binay, umaasang higit na iinit ang relasyon sa pag-itan ng Tsina at Pilipinas

DUMALAW SI GINOONG WANG HANBIN SA TANGGAPAN NI PANGALAWANG PANGULONG BINAY.  Sa kanilang pag-uusap, nabigyang pansin ang kahalagahan ng relasyong namamagitan sa Tsina at Pilipinas.  Umaasa ang magkabilang-panig na higit na tatatag ang relasyon at pagkakaibigan sa mga susunod na panahon.

 

KASAMA SI AMBASSADOR MA KEQING SA PAGDALAW KAY GINOONG BINAY.  Naging abala si Chinese Ambassador to the Philipines Ma Keqing sa pagdalaw ni Ginoong Wang Hanbin sa Pilipinas.

NANINIWALA si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na higit na magiging mainit ang relasyong namamagitan sa Pilipinas at Tsina sa mga susunod na araw.

Sa isang panayam, sinabi ni Ginoong Binay na nalaman niya na may mga pahayag si Ginoong Xi Jinping, ang general secretary ng Central Committee ng Communist Party of China na magkakaroon ng mga pagbabago sa madaling hinaharap.

May assurance umano si Ginoong Xi na ang mga nagaganap na kontrobersya sa pagitan ng Tsina at mga kalapit-bansa ay mapapag-usapan kaya't walang anumang dapat ipangamba.

Samantala, dumalaw kaninang umaga si Ginoong Wang Hanbin, ang dating Vice Chairman ng National People's Congress sa isang courtesy call sa tanggapan ng pangalawang pangulo ng Pilipinas. Sinamahan ang panauhin ni Chinese Ambassador to Manila Ma Keqing at mga opisyal ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.

Ito, ayon kay Ginoong Binay, ay bahagi ng napag-usapan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Pangulong Hu Jintao na gawin ang taong 2012 hanggang 2013 bilang Years of Friendly Exchange.

Ang mga hindi pagkaka-unawaan dahilan sa South China Sea o West Philippine Sea ay hindi nararapat maka-apekto sa magandang bilateral relations ng dalawang bansa, dagdag pa ni Ginoong Binay sa kanyang pagharap sa media bago umalis ang mga panauhin.

Mga magdaragat, pinalaya na ng mga pirata

PINALAYA na ng mga pirata ang mga magdaragat mula sa Motor Tanker Smyrni, isang pag-aaring barko ng mga Griyego na nakarehistro sa Liberia at ang 26 na mga tauhan nito na kinabibilangan ng 14 na Pilipino.

Ayon sa Kagawaran ng Ungayang Panglabas, pinalaya ang mga magdaragat noong nakalipas na Sabado, ika-9 ng Marso matapos mabimbin ng may 10 buwan.

Maayos naman ang pangangatawan ng mga magdaragat, ayon sa Embaha ng Pilipinas sa Nairobi, Kenya. Ang barko at mga tauhan nito ay patungo na sa Salalah, Oman at ang mga Pilipino ay tutulungan ng mga kinatawan ng Embahada sa Muscat at ng kanilang manning agency. Sa oras na sila'y dumaong, isasailalim sila sa medical check-up.

Nabalitaan na rin ang kanilang mga kamag-anak at mamadaliin na ang pagpapauwi sa mga magdaragat. Siyam na magdaragat na Pilipino mula sa dalawang barko ang nabibimbin pa rin ng mga pirata ng Somalia.

Simbahan, magpaparamdam sa darating na halalan

TINIYAK ni Fr. Melvin Castro, Executive Secretary ng Episcopal Commission on Family and Life na magpaparamdam ang mga laiko ng Simbahang Katolika sa darating na halalan sa ika-13 ng Mayo.

Sa isang panayam sa CBCP Online Radio, sinabi ni Fr. Castro na nagkaisa ang mga laikong dumalo sa kanilang pambansang pagpupulong na idinaos sa Diocese of Antipolo kamakailan.

Kabilang umano sa dumalo sa kanilang pagtitipon ang mga kinatawan ng Diocese of Bacolod na nagpaliwanag kung paano nabuo ang Team Buhay at Team Patay candidates na nakalagay sa dalawang tarpaulin sa labas ng Katedral ng Bacolod. Hindi umano mga pari ang nakaisip nito kungdi mga laiko. Tumagal ang pagdedebate sa isyu ng halos maghapon bago nagkasundong gawin ang Team Buhay at Team Patay tarpaulins.

Bagama't hindi uutusan ang mga laiko ng simbahan, maglalabas ang iba't ibang simbahan ng kanilang mga guidelines sa mga uri ng mga kandidatong kanilang nais mahalal.

Isa sa pinakamasaakit na karanasan ng Episcopal Commission on Family and Life ay ang pagkawala ng mga mambabatas na sumusuporta sa kanilang layunin sa pangalawa at ikatlong botohan kaya't pumasa ang reproductive health law.

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>