Ipininid kaninang umaga sa Beijing ang unang sesyon ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Ipinahayag ni Yu Zhengsheng, bagong halal na Tagapangulo ng CPPCC, na dapat buong lakas na patingkarin ang sosyalistang demokrasya at maluwag na tanggapin ang mga batikos at mungkahi sa gawain ng Partido Komunista at pamahalaan.
Sinabi ni Yu na dapat buong tatag na tumahak sa landas ng pagpapaunlad ng pulitikang sosyalismong may katangiang Tsino at huwag tularan ang porma ng sistemang pulitikal na kanluranin.
Mahigit 2000 bagong kasangguni ng CPPCC ang inihalal ng bagong Tagapangulo, Pangalawang Pangulo at iba pang lider ng CPPCC. Iniharap sa mga opisyal ang mahigit 5000 proposal hinggil sa pagpapalakas ng pangangalaga sa kapaligiran, pagpapasulong sa konstruksyon ng pagsasalunsod, at pagpapalalim ng reporma ng sistemang administratibo.