Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malacanang bumati kay Pangulong Xi Jinping

(GMT+08:00) 2013-03-14 18:33:31       CRI

IPINARATING ng opisyal na tagapagsalita ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, Kalihim Edwin Lacierda ang taos-pusong pagbati kay Ginoong Xi Jinping sa kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng People's Republic of China sa pamamagitan ng 18th National Congress at ang kanyang pagkakahalal bilang General Secretary ng CPC Central Committee at chairman ng CPC Central Military Commission.

Nagkakaisa ang mga taong na sa People's Republic of China bilang isang mahalagang panahon sa kanilang pagpupunyagi bilang isang maunlad at matatag na bansa (ang pagluklok ni Pangulong Xi). Ito rin ang inaasahan ng lahat ng taong may mabubuting kalooban na magkakaroon ng mga oportunidad para sa positibong pag-uugnayan na ang sandiga'y pagtitiwala at pagtutulungan sa ikabubuti ng lahat ng mga mamamayan sa rehiyon at sa daigdig.

Magpupunyagi ang Pilipinas na magamit ang lahat ng pagkakataon upang magkaroon ng pagtitiwala sa bawat isa tulad rin ng pagtutulungan sa rehiyon upang ang positibong economic momentum na nakamtan ng dalawang bansa ay magpatuloy pa ng mahabang panahon.

MGA OBISPO NG PILIPINAS, BUMATI SA BAGONG SANTO PAPA

NAGPASALAMAT ang karamihan ng mga obispo ng Pilipinas sa pagkakahalal sa ika-266 na Santo Papa, si Argentinian Cardinal Jose Mario Bergoglio na makikilala na sa pangalang Pope Francis I.

Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle na nakikiisa ang mga Maynila sa buong Simbahan sa pagpapasalamat sa Diyos sa Kanyang biyayang iginawad kay Pope Francis. Nagpasalamat din si Cardinal Tagle sa lahat ng nanalangin para sa 115 cardinal – electors. Hindi raw sila nakadama ng anumang pag-iisa kahit sandali sapagkat nadama nila ang pagdarasal ng mga mamamayan.

Sa kanyang paglapit at pagbati kay Pope Francis I at pagtiyak ng katapatan at pagmamahal ng mga Pilipino, sinabi ng bagong santo papa na malaki ang kanyang pag-asa sa Pilipinas kasabay ng panalangin na magbunga ang pananampalataya, debosyon sa Mahal na Ina at paglilingkod sa mahihirap.

Isa umanong magandang mensahe at hamon para sa lahat ng Pilipino ang ipinarating ni Pope Francis I, dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Balanga (Bataan) Bishop Ruperto C. Santos, sa pagkakaroon ng dadalawang araw ng conclave, nangangahulugan lamang na ginabayan ng Diyos at tinulungan ang Santa Iglesia. Sa pagkakahalal kay Pope Francis The First, ang bagong santo papa ang siyang mamumuno sa paglalakbay tungo sa pananampalataya na katatagpuan ng kababang-loob. Makatitiyak si Pope Francis The First ng katapatan mula sa kanyang mga kasamang pastol, dagdag pa ni Bishop Santos.

Ayon kay Vigan Auxiliary Bishop William David Antonio, nagpapasalamat siya sa Diyos sa pagpapadala ng bagong santo papa. Naniniwala ang obispo na nagpapadala ang Diyos ng pinuno at pastol na kailangan sa mga panahong ito.

Natutuwa naman si Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo sa natapos na ang paghihintay ng mga Katoliko sa buong daigdig. Malaki ang papel na ginampanan ng Banal na Espiritu sapagkat ang bagong halal na papa ay angkop sa kasalukuyang panahon, isang taong may malalim na pastoral experience, nakababatid ng pulso ng mga mula sa Third World na katatagpuan ng saksi sa tunay na larawan ng kahirapan. Napapanahon din ang pagkakapili ng bagong santo papa sa kanyang pangalang gagamitin sapagkat nagpapakita ito ng pagiging simple at mapagkumbaba. Ang kanyang pagiging Jesuita at isang relihiyoso ay maaaring maging simbolo ng bagong ebanghelisasyon para sa mga nasa kanlurang bahagi ng daigdig.

Si (Jaro Auxiliary) Bishop Gerardo Alminaza naman ay nakatagpo ng bagong inspirasyon sa bagong santo papa na sumasakay ng bus patungo sa kanyang trabaho, nagluluto ng kanyang pagkain at ang kakaibang ugali na humihiling muna ng pagbabasbas ng mga mananampalataya bago siya magbigay ng kanyang bendisyon.

Nakalulugod ang kanyang pagiging simple at mababang loob at pagpili ng pangalang Francisco mula kay San Francisco de Assis ay nagbabadya ng bagong pag-asa para sa Simbahan at sa daigdig.

Para kay Isabela (de Basilan) Bishop Martin Jumoad, masaya ang madla sa pagkakahalal kay Pope Francis I. Magkakaroon ng renewal sa Simbahan at ang kanyang panunungkulan ay katatagpuan ng kababa-ang loob, katapatan at ibayong sigla tulad ng mga ginawa ni San Francisco de Assis na magbabalik ng mga lumisang Katoliko sa Simbahan.

Sinabi naman ni Archbishop Ramon C. Arguelles (ng Lipa) na ang Diyos ay hindi nawawalan ng surpresa para sa nagtitiwala sa kanya. Sa lahat ng mga sinabi, ang pagkakahalal ng isang non-Italian ang siya lang nagkatotoo kahit pa may dugong Italyano si Pope Francis I. Marapat lamang umanong magpasalamat sa Diyos.

Si Jaro, Iloilo Archbishop Angel N. Lagdameo ay nagsabing mahalaga ang pagsunod ni Pope Francis I sa mga yapak ni St. Francis Xavier na naglakas-loob magmisyon sa Silangan ang programa hinggil sa New Evangelization. Mayroon ding leksyon sa buhay ni St. Francis of Assisi – ang kahalagahan ng social action partikular sa mahihirap at sa buhay ni San Francisco de Sales na isang professor na may malalim na pananampalataya at malumanay na pagharap sa pagkakahati-hati ng mga mananampalataya.

Sinabi ni Puerto Princesa Bishop Pedro D. Arigo na sa pagkakahalal sa isang cardinal na mula sa Third World at sa pagpili ng pangalang Francis, makakaasa ang madla na pamumunuan niya ang Simbahan tungo sa evangelical poverty and simplicity at isang counter-cultural church.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>