Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mambabatas, nanawagang itigil na ang pagdanak ng dugo sa Sabah

(GMT+08:00) 2013-03-15 18:34:50       CRI

Mambabatas, nanawagang itigil na ang pagdanak ng dugo sa Sabah

NANINIWALA si Senador Miriam Defensor Santiago na nararapat kumilos ang Pilipinas at Malaysia upang maiwasan ang pagdanak ng dugo sa Sabah sa pagsang-ayon sa isang third-party. Ang third party ang magsagawa ng international law inquiry and fact-finding sa serye ng kaguluhan sa pagitan ng mga Pilipino at mga kawal ng Malaysia.

Binigyang-pansin ni Santiago ang kanyang paniniwala sa talumpati sa taunang pagtitipon ng Association of Nursing Service Administrators of the Philippines na dinaluhan ng may 1,000 mga nurses sa buong bansa.

Sa ilalim umano ng 1907 Hague Convention for the Pacific Settlement of Disputes, ang paraan ng inquiry at fact-finding ay magagamit upang malutas ang mga 'di pagkakaunawaan sa paglalahad ng kaukulang mga impormasyon sa pamamagitan ng walang kinikilingan at malalim na pagsisiyasat.

Ang paraang ito ay 'di kabibilangan ng imbestigasyon at paggamit ng alituntunin ng batas.

Idinidagdag pa ng mambabatas, sa ilalim ng 1991 UN resolution, ang anumang pagkilos upang magkaroon ng detalyadong pagkakaalam sa mahahalagang datos sa alinmang 'di pagkakaunawaan na kakailanganin ng United Nations ay mahalaga sa layuning magkaroon ng katahimikan at kaayusan.

Mahalaga umanong kumilos si Pangulong Aquino at gamitin ang principles of diplomatic protection sa mga Pilipinong nasa Sabah.

Bagama't ipinagbabawal ng international law ang paggamit ng dahas, mayroong unwritten exception na nagpapahintulot sa mga bansang ipagtanggol o iligtas ang kanilang mga mamamayan sa apamamagitan ng sandatahang lakas sa nasasakop ng ibang bansa. Subalit niliwanag ni Santiago na ang exception na ito ay hindi nararapat gamitin kung hindi naman magsasagawa ng rescue operations ang Pilipinas.

Uri ng hanapbuhay sa buwan ng Enero gumanda

IBINALITA ng National Economic and Development Authority (NEDA) na gumanda ang uri ng trabahong natamo sa buwan ng Enero 2013 sa pagmumula nito sa wage and salary employment sa pagdami ng nagkaroon ng full-time job kaysa nanatiling part-time workers.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ang employment na lumago sa buwan ng Enero ay nagmula sa services at industry sectors. Gumanda rin ang uri ng mga hanapbuhay na nakamtan.

Ang kaunlaran ay napuna sa bilang ng wage and salary employment na lumago ng 10.9% samantalang ang paglago ng full-time employment ay umabot ng 6.5% at mas marami kaysa sa part-time employment.

Idinagdag pa ng kalihim na tumagal ang hanapbuhay at nakarating sa 42.2 mean hours kaysa sa 41.1 hours noong isang taon.

Karamihan sa wage and salaried ay natanggap ng mga pribadong kumpanya na nagkaroon ng increase na 1.9 million o 12.4% noong nakalipas na Enero.

Bumagsak ang unemployment rate at nakarating na sa 7.1% noong Enero at nagkaroon ng pag-unlad mula sa 7.2% noong 2012.

Ang karamihan ng mga walang hanapbuhay ay mula sa educated workforce na karamiha'y nagtapos ng high school 33.7%, college graduates na 16.9% at college undergraduates na 13.1%.

Idinagdag pa ni Ginoong Balisacan na kulang ang hanapbuhay para sa mga may kakulangan sa work experience sa pamamagitan ng edukasyon.

Umabot sa 1.6% sa pagkakaroon ng 37.9 milyong may hanapbuhay sa pamumuno ng services and industry sector. Nangangahulugan na nagkaroon ng net employment creation na 606,000 na higit sa 1.04 milyong trabahong natamo noong 2012.

Pilipinas at South Sudan mayroon ng diplomatic relations

LUMAGDA sa isang Joint Communiqué na nagtatatag ng diplomatic relations ang Pilipinas at South Sudan sa simpleng seremonyang naganap sa United Nations sa Nairobi, Kenya. Kinilala ng Pilipinas ang South Sudan bilang isang malayang bansa matapos magdeklara ng kalayaan ang South Sudan noong ika-9 ng Hulyo 2011.

Si Philippine Ambassador to Kenya Domingo Lucenario, Jr. ang lumagda sa Joint Communiqué sa ngalan ng pamahalaan ng Pilipinas samantalang si South Sudanese Ambassador to Kenya Majok Guandong Thiep ang lumagda sa ngalan ng kanyang pamahalaan.

Ayon kay Ambassador Lucenario, mahalaga ang paglagdang ito na magiging simula ng diplomatic relations sapagkat magkakatulungan ang dalawang bansa at mga mamamayan sa pamamagitan ng common areas of cooperation.

Mayroong higit sa 300 mga Pilipinong nagtatrabaho sa South Sudan at higit na makakatulong ang Pilipinas at mga Pilipino sa patuloy na pag-unlad at pagsasaayos ng South Sudan. Umaasa rin ang Philippines na lalakas ang economic relations sa bagong bansa.

Mga isyu sa kalikasan nararapat pagtuunan ng pansin

ANG kalikasan ay nararapat bigyang pansin ng bagong Santo Papa. Ito ang mungkahi ni Archbishop Jose S. Palma, ang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Isang mahalagang isyu ang pangangalaga sa mga nilalang ng Panginoong Diyos ang nararapat bigyang-diin ni Pope Francis I.

Binigyan ang sangkatauhan ng maraming biyaya ng Panginoong subalit hindi napapangalagaan ng mga tao sa iba't ibang bahagi ng daigdig, dagdag pa ni Arsobispo Palma.

Magugunitang pinili ni Cardinal Jorge Mario Bergoglio ang pangalang mula kay St. Francis of Assisi, isang paring Katoliko na mapagmahal sa kalikasan na hinirang na patron ng kalikasan.

Umaasa si Arsobispo Palma na ang mga susunod na pastoral letters o encyclical sa kalikasan at kapaligiran ang ihahayag sa mga susunod na panahon.

Ang pagkakahalal kay Cardinal Bergoglio ay isang malaking hakbang tungo sa kahalagahan ng pamilya at buhay, dagdag pa ni Arsobispo Palma.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>