|
||||||||
|
||
Sa pulong na ito, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kung papaanong isasakatuparan ang "Chinese Dream". Sabi niya na ito ay umaasa sa magkakamasamg pagsisikap ng buong sambayanang Tsino at walang humpay na pakikinabang sa mga mamamayan.
Ayon kay Xi, ang aktuwal na elemento sa pagsasakatuparan ng "Chinese Dream" ay kinabibilangan ng pagpapatingkad ng diwang makabayan, reporma at inobasyon, paggigiit ng sosyalismong may katangiang Tsino, at pagtitipon ng buong lakas ng mga mamamayang Tsino.
Bukod dito, sinuri at pinagtibay sa pulong ito ang government work report, work report ng NPC, at fiscal budget ng pamahalaang sentrl.
Pagkatapos nito, nagtalumpati rin si Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |