Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

THE BANQUET

(GMT+08:00) 2013-03-19 18:00:41       CRI

Ang The Banquet ay pelikula ni Feng Xiaogang na dinerek nya matapos ang A World Without Thieves. Pangunahing paksa ng The Banquet ang intriga at ang sigalot sa panahon ng Limang Dinastiya at Sampung Kaharian.

Kasama sa cast sina Zhang Ziyi, Daniel Wu, Ge You, Zhou Xun at Huang Xiaoming

TALAKAYAN

 Tila inspirasyon sa kwento ang Hamlet at Macbeth ni Shakespeare. Dahil tulad ng mga klasikong nobela, tungkol ito sa mga naghaharing uri at ang mga ginagawa nila para makamit ang kapangyarihan. Ano ang masasabi ng mga movie buddies sa kwento?

 Sa showbiz Tsino superstar si Zhang Ziyi, napanindigan ba nya ang papel bilang Emperatriz? Pwede na ba nyang tapatan si Gong Li sa papel na kontrabidang reyna?

 Parang pwedeng maging wallpaper ang bawat eksena di ba dahil sa magarang costume, props, lokasyon, palasyo atbp. Patunay na ang pelikula ni Feng Xiaogang ay di tinipid na production. Ano ang kapuri-puring aspeto ng Direction at Production Design ng pelikula?

Isa sa mga lokasyon ng pelikula

 Sino ang kakampihan sa mga karakter, Emperatriz Wan, Emperador Li, Wu Luan, Qing Nu, Grand Marshall o si Gen. Jian ? Nakakatuwa dahil ang bawat isa ay may paboritong kulay na simbolo ng kanilang mga personalidad. Emperatriz Wan - pula, Emperor - Li itim, Wu Luan – puti at si Qing Nu naman ay berde.

Si Emperatriz Wan

Si Emperador Li

Si Wu Luan

Si Qing Nu

 Sino ang pumatay kay Emperatriz Wan gamit ang Yue Nu sword ?

Ang The Banquet ay nanalo ng 2 awards sa 43rd Golden Horse Awards ng Taiwan. Ito ay nanalo para sa Best Art Direction at Best Make up & Costume Design.

Trivia lang para sa moviebuddies natin, ang The Banquet ang napili bilang entry ng Hong Kong sa Oscars' Best Foreign Language Film samantala ang Curse of the Golden Flower ni Zhang Yimou naman ang entry ng China noong 2006 pero di napili ang parehong pelikula sa huling talaan ng mga nominado.

RATING: Machelle 8 / Andrea 8.5

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>