|
||||||||
|
||
Mga kaibigan, nitong nakalipas na ilang taon, kapansin-pansing napakarami pong mga Pinoy ang nangingibang-bayan upang magtrabaho, mag-aral, o di-kaya naman ay mamasyal. Saan mang bansa sa daigdig, mayroon kang makikitang Pinoy Community. Sa Tsina, halos hindi po nagkakalayo ang situwasyon.
Dala ng mabilis na pag-unlad ng pamumuhay, mayroon na ngayong kalayaang pinansyal ang karamihan sa mga Tsino, lalo na ang mga kabataan. Karaniwan mo silang makikita na namamasyal, nag-aaral, o di-kaya ay nagnenegosyo sa ibang bansa. Pero, bukod sa mga nabanggit natin, mayroong mangilan-ngilang taga-probinsya ng Henan (sa may bandang gitna ng Tsina) ang may iba pang dahilan ng pangingibang-bayan.
Mga kababayan, sa maniwala man po kayo o hindi, ilan pong matatandang taga-baryo mula sa probinsyang Henan ang nagpupunta pa sa ilang bansang ASEAN upang mamalimos.
Mukhang mahirap mangyari hindi ba? Pero, ito po ay totoo.
Bakit nila ito ginagawa? Mayroon bang nagtutulak sa kanila upang gawin ang bagay na ito? Iyan po, mga kaibigan, at marami pang iba ang ating bibigyan ng pansin sa episode ngayong gabi ng Dito Lang 'Yan Sa Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |