Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga turista, dumagsa sa Cutud, Pampanga; mga deboto, dumalaw sa mga simbahan

(GMT+08:00) 2013-03-29 16:01:36       CRI
Mga turista, dumagsa sa Cutud, Pampanga; mga deboto, dumalaw sa mga simbahan

LIBONG mga Pilipino at banyaga ang nagtungo sa Cutud, isang barangay sa Lungsod ng San Fernando sa Pampanga upang saksihan ang pagsasadula at pagpapako sa krus bilang paggunita sa pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo.

Bagama't hindi sinasang-ayunan ng Simbahang Katolika ang pagpapako sa krus ng ilang mga Pilipino, nakakasama na rin sa kalendaryo ng Turismo ang okasyong ito.

Ayon kay San Fernando Auxiliary Bishop Pablo Virgilio S. David, nauunawaan nila na ang kinaugalian ng mga Katoliko noong mga nakalipas na panahon na pinagsasanib ang kultura at ispiritualidad na hindi karaniwang umaangkop sa theology, pananampalataya at moralidad.

Mas makabubuti umanong sumunod sa halimbawa ni Papa Francisco na manatiling mapagkumbaba, hindi maghihigpit subalit may paggalang at pang-unawa na hindi lamang nakatuon sa gitna kungdi sa kapaligiran.

Ani Obispo David, ang mga Pilipino ay mayroong malalim na pagpapahalaga sa anumang sagrado bago pa man ibinahagi ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa Pilipinas. Nag-uugat ang folk Catholicism sa kultura at katutubong pananampalataya na makikita sa pagbabasa ng Pasyon at mga panata tulad halimbawa ng pagpipinetensya.

Hindi naman ipinid ang pinto sa mga Pilipinong mas gusto ang kinagawiang pananampalataya kaysa sa liturhiyang mula sa mga Roman na maaring kakaiba at hindi basta mauunawaan. Wala umanong poder ang Simbahan na supilin ang mga kinagawiang ito bagkos ay makabubuting alamin, pakinggan ang kanilang sasabihin tungkol sa kanilang mga pinaniniwalaan.

Sa ganitong paraan, mababatid ng Simbahan kung ano ang magagawa upang maiparating ang Mabuting Balita sa mga nasanay na sa folk Catholicism, dagdag pa ni Bishop David.

"DAAN NG KRUS" MAYROON NG APPS.  Ang larawang ito'y kuha sa Oratory ng University of Asia and the Pacific sa isang mag-ama na nagninilay sa "Daan ng Krus" gamit ang kanilang mobile phones sapagkat mayroong libreng apps na naglalaman ng mga panalangin.  (Kuha ni Melo Acuna)

PAMI-PAMILYA NAGNINILAY NGAYONG BIYERNES SANTO.  Sa paraang tradisyunal nagdarasal ang pamilyang ito sa paggunita sa Daan ng Krus sa Christ the King Shrine sa E. Rodriguez Avenue, Lungsod Quezon.  (Kuha ni Melo Acuna)

Samantala, maraming mga Pilipinong Katoliko ang dumagsa sa mga simbahan upang magsagawa ng pagninilay sa Istasyon ng Krus (Way of the Cross). Karaniwang nagmumula ang mga panalangin sa mga prayer books subalit mayroon na ring mga apps na makukuha sa internet. Pami-pamilya ang nasasagawa nito. Mayroon ding mga makiisa sa mga opisyo tulad ng pagsasagawa ng Siete Palabras o ang Pitong Huling Wika na karaniwang isinasagawa sa ganap na ika-12 ng tanghali. Pagkatapos nito ay isinasagawa ang Pagpupugay sa Krus.

Mga Tsinoy, masama ang loob sa banat ni Pangulong Aquino

BUKOD sa pagkakagulat ng mga Tsinoy sa talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa harap ng mga opisyal at kasapi ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry noong nakalipas na linggo, isinama ng loob ang patama niya sa hindi pagbabayad ng sapat na buwis sa pamahalaan. Sa aking panayam sa mga opisyal ng pederasyon, sinabi nila na siya'y nasa isang "no-win situation" sapagkat isinama pa ni Pangulong Aquino si BIR Commissioner Kim Jacinto Hernares at si Kalihim Leila de Lima ng Kagawaran ng Katarungan.

Ayon sa pahayag ni Rosendo So, pangulo ng Rosales-Eastern Pangasinan FCCCI chapter, hindi magandang sabihin ng pangulong wala silang binabayarang buwis at wala silang mga tax identification numbers.

Ayon kay Pangulong Aquino, marami sa mga may TIN ang nagbabayad ng mas mababa sa P 100,000.00 at may ilang mas mababa pa sa isang libong piso.

Wala umanong sapat na impormasyon ang pangulo sa datos ng FFCCCII kahit pa sangkot ang mga ito sa iba't ibang proyekto. Ilan sa mga opisyal ng FFCCCII ay nakapagretiro na sa edad na 60 hanggang 70 taong gulang at naipasa na ang kanilang kalakal sa mga anak at apo.

Lumabas ang pahayag na ito sa isang peryodikong nakatuon ang mga balita sa larangan ng kalakal.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>