Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Iba't ibang grupo, dumulog sa United Nations dahilan sa Sabah

(GMT+08:00) 2013-04-01 15:21:04       CRI

Iba't ibang grupo, dumulog sa United Nations dahilan sa Sabah

NANAWAGAN ang iba't ibang grupo mula sa Maynila sa United Nations High Commissioner for Human Rights at United Nations High Commissioner for Refugees na kapwa may tanggapan sa Geneva, Switzerland na kumilos at pigilan ang mga paglabag sa Karapatang Pangtao ng mga Pilipino sa Sabah, Malaysia.

Ipinadala ang liham ngayon kina Bb. Navanethem Pillay ng UNHCHR at G. António Gutierrez ng UNHCR. Nagmula ang liham sa ilang civil society groups na kumilos agad ang mga ahensyang ito upang kilalanin ng Malaysia ang karapatan ng mga Pilipino sa Sabah na itinatadha ng Universal Declaration of Human Rights.

Kabilang sa mga lumagda ang mga bumubuo ng civil society groups tulad ng Anakbayan, Bagong Alyansang Makabayan, Concerned Citizens Movement, CenterLaw at iba pa.

Lumagda rin sina Atty. Harry Roque, Sr. Mary John Mananzan, ang kontrobersyal na whistle-blower na si Rodolfo "Jun" Lozada, and tanyag na mamamahayag na si Vergel Santos, political strategist na si Pastor Saycon na isa sa mga tagapayo ni Jamalul Kiram III, isa sa mga apo ng Sultan ng Sulu.

Hiniling nila sa mga tanggapan sa United Nations na maglabas man lamang ng pahayag tungkol sa mga paglabag sa Karapatang Pangtao ng Malaysia laban sa mga Pilipinong nasa Sabah at magpa-alala sa Malaysia na maghanap ng kaukulang solusyon at magbigay ng kabayaran sa mga biktimang Pilipino ng mga kawal o operatiba ng Malaysia.

Nasasaad sa dalawang labing-isang pahinang petisyon ang mga paglabag at pagmaltrato mula noong ikalawang linggo ng Pebrero. Kabilang sa detalyes ang pagkakakubkob sa may 80 hanggang 100 armadong mga Pilipino ng mga tauhan ng Malaysia na naging dahilan ng standoff.

Cardinal Tagle: bumati sa Pasko ng pagkabuhay

IPINARATING ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio G. Cardinal Tagle ang kanyang pagbati sa mga mananampalataya sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.

Sa kanyang mensahe, sinabi niya na sa ang pagkabuhay na muli ng Panginoong Hesukristo ay kagagawan ng Diyos at maituturing na "Divine action." Ang Diyos na siyang may akda ng buhay ang siyang nagpapapanatili at nagbabalik nito. Tanging ang Diyos lamang ang magiging daan tungo sa pagkabuo ng buhay.

Inaanyayahan niya ang lahat na pagnilayan ang misteryo ng muling Pagkabuhay sa naganap kay Hesukristo na namatay dahilan sa mga tao na binuhay na muli ng Diyos.

Sa gitna ng napakaraming suliraning hinaharap ng mga tao sa daigdig, dumarating ang pagkakataong tanging sa Diyos na lamang umaasa ang mga nagdurusa. Hindi kailanman nagpapabaya ang Diyos at nararapat lamang bigyan ng puwang ang Diyos sa buhay sapagkat tiyak na magkakaroon ng tunay na buhay kasama ang Panginoong Hesus, dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Pasko ng pagkabuhay, ipinagdiwang, salubong naganap

TRADISYUNAL NA SALUBONG, IDINAOS.  Makikita ang mga imahen ng muling nabuhay na Panginoong Hesukristong at Birheng Maria sa mga prusisyong naganap sa mga Simbahan tulad ng idinaos sa San Agustin Church sa Intramuros, Maynila kahapon ng madaling-araw.  (Larawan ni Roy Lagarde)

Kahapon ng madaling-araw, ginanap ang tradisyunal na "Salubong" sa lahat ng mga Simbahang Katoliko sa buong bansa. Ang "Salubong" ay kinatatampukan ng pagsasalubong ng mga imahen ng Birheng Maria at ng muling nabuhay na Panginoong Hesukristo.

Daan-daang mga nagsisimba ang lumalahok sa tradisyunal na "Salubong" na karaniwang ginagawa bago sumikat ang araw. Dalawang grupo ang magsasalubong at ang bawat grupo'y may pasang imahen ni Birheng Maria at ng Panginoong Hesukristo.

May batang babaeng nakadamit angel na siyang nag-aalis ng kulay itim na damit ni Birheng Maria at matatampok ang kulay puting kapa na nagsisimbolo ng muling pagkabuhay.

Pagkatapos ng "Salubong" ay nagtutungo na ang lahat sa Simbahan upang idaos ang Misa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>