Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pamahalaan may mahalagang papel sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan

(GMT+08:00) 2013-04-03 18:27:13       CRI

Binigyang-diin ni Dr. Pieter Venter, Global Road Safety Partnership na kailangang ipatupad ang mga batas upang matiyak ang kaligtasan ng naninirahan sa mga umuunlad at mahihirap na bansa.

MALAKI ang pananagutan ng iba't ibang pamahalaan kung kaligtasan ng kanilang mga mamamayan ang pag-uusapan. Ito ang sinabi ni Dr. Pieter Venter, ang Chief Executive Officer ng Global Road Safety Partnership, isang proyektong itinataguyod ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies sa pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya.

Ayon kay Dr. Venter, umaabot sa 80% ng mga nasusugatan at namamatay sa mga sakuna ang nagmumula sa umuunlad at mahihirap na bansa. Kasama sa samahang ito ang iba't ibang international agencies upang tulungan ang mga umuunlad at mahihirap na bansa.

Patuloy umanong tumataas ang bilang ng mga nasasawi at nasusugatan mula sa mga sakuna. Nararapat lamang masugpo ang mga insidenteng ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga kaukulang batas na titiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan.

Si Dr. Venter, tubong South Africa ay nagsabing maaaring may mga batas kaya nga lamang ay hindi naipatutupad ang mga ito at depende na rin sa kultura ng mga mamamayan.

Napapanahong pag-aralan ang pag-uugali ng mga gumagamit ng lansangan, kung gaano kabilis ang mga sasakyan, kung may nagmamaneho ng nakainom ng alak, paggamit ng seat belt at helmet sa mga naka-motorsiklo at iba pa.

Kailangan ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at masigasig na information campaign upang mabawasan ang mga sakuna.

Hindi madaling sabihin kung ilang taon ang itatagal ng sasakyan sa lansangan. Ayon kay Dr. Venter, sa Ireland, problemado na sila sapagkat luma na ang mga sasakyan pag umabot na sa walong taon samantalang sa Africa, ang sasakyang walong taon ay bago pa.

Nararapat lamang alamin ang mga batas hinggil sa mga inaangkat na mga lumang sasakyan ng iba't ibang bansa. Magugunitang sa Pilipinas ay binibili pa ang mga kinakalawang na sasakyang mula sa first world countries.

PANGULONG XI, MALAKI ANG MAGAGAWA SA BANSA

MALAKI ang inaasahan ni Dr. Frank Ding, Manager ng Global Road Safety Partnership sa bagong pamahalaan sa pamumuno ni Pangulong Xi Jinping. Sa isang panayam sa pagpupulong ng Global Road Safety Partnership sa Manila Diamond Hotel, sinabi ni Dr. Ding na pagtutuunan ng pansin ang kalagayan ng kapaligiran ng bansa, partikular ang pagbabawas ng polusyon sa iba't ibang bahagi ng Tsina, partikular sa Beijing.

Ayon kay Dr. Ding, umaabot na sa 140 milyon ang mga sasakyan sa buong Tsina at may limang milyong sasakyan sa Beijing. Ipinatutupad na ang number-coding sa Beijing at limitado na lamang ang bilang ng mga sasakyang inirirehistro taon-taon.

Limitado na lamang sa bilang na 20,000 sasakyan buwan-buwan ang narerehistro sa Beijing. Kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya, hindi maiiwasan ang pagdami ng mga mamamayang nakabibili ng mga sasakyang de kalidad.

Magkakaroon pa ng mga panigabong palatuntunan para maiwasan ang mga sakuna sa lansangan, dagdag pa ni Dr. Ding.

Nagsimula na rin ang pagtutulungan ng mga nasa pamahalaan at civil society sa larangan ng road safety.

KRIS AQUINO, TATAKBONG BISE PRESIDENTE SA 2016?

ISANG palaisipan na naman ang lumabas sa mga balita ngayon sa pahayagan at maging sa website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines news. Ito ay may kinalaman sa impormasyong tatakbo ang artistang kapatid ni Pangulong Aquino, si Kris Aquino sa pagka-bise presidente ng bansa sa 2016.

Ayon kay Arsobispo Oscar V. Cruz, may balitang lumabas na inihahanda ng Liberal Party ang kandidatura ni Kris. Mayroon umano siyang "credible sources" na nagsabing tatakbo nga ang presidential sister. Nakuha ng arsobispo ang balita sa kanyang mapapagkatiwalaang sources na malapit sa administrasyong Aquino.

Nanawagan ang arsobispo kay Pangulong Aquino at mga kasama na liwanagin ang balitang ito na makakasama ni Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas si Kris sa darating na national elections.

Anang arsobispo, kung mananahimik lamang ang Malacanang, lalabas na totoo ang impormasyon. Malaki umano ang tsansa ni Kris sapagkat nahahalal nga si Lito Lapid bilang senador, dagdag pa ni Arsobispo Cruz.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>