|
||||||||
|
||
Noong 2008 Beijing Olympics, itinanghal ni Lin Miaoke, sa pamamgitan ng lip-sync ang isang makabayang awitin sa seremonya ng pagbubukas ng nasabing olimpiyada. Dahil dito, nakilala siya sa buong bansa, at pati na sa mga social networking sites na gaya ng Weibo (Facebook at Twitter ng Tsina) ay celebrity na rin siya.
Bilang isang celebrity, napakarami ng kanyang mga tagasunod sa Weibo, at inaabangan ang kanyang mga post sa ibat-ibang isyung mainit na pinag-uusapan sa bansa.
Ngunit, sa kabila nito, nagkaroon ng di-inaasahang pangyayaring nakapagpabago sa takbo ng buhay ni Lin. Dahil nga, lagi naman siyang naglalagay ng mga post sa Weibo, kamakailan ay nagbigay ng komento ang 14 na taong-gulang na batang babae sa isyu ng pag-a-upload ng mga "hindi nararapat at nakakasirang-puri" na salita at komento sa mga social networking sites." Sinabi niya sa kanyang 2 milyong tagasunod sa Weibo "certain harmful online comments should be eradicated so they couldn't pollute the Internet environment."
Dahil po riyan, nagkaroon ng malawakang diskusyon, girian at "word war" sa pagitan ng mga konserbatibo at liberal na netizens, at ang pobreng bata ang naging sentro ng hidwaang ito.
Para sa ating programa ngayong linggo, ang isyu ng paglalagay komento sa mga social networking sites at kalayaan sa pagpapahayag an gating bibigyan ng pansin.
Narito po ang audio ng programang ito:
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |