Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, dumulog sa Pandaigdigang Lupon upang malutas ang "Di Pagkakaunawaan sa Karagatan"

(GMT+08:00) 2013-04-11 18:08:03       CRI

Pilipinas, dumulog sa Pandaigdigang Lupon upang malutas ang "Di Pagkakaunawaan sa Karagatan"

BINIGYANG-DIIN ni Kalihim Albert F. del Rosario na kinailangang dumulog ang Pilipinas sa paghiling na magkaroon ng arbitral proceedings sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) upang matapos na ang 'di pagkakaunawaan sa West Philippine Sea na kilala rin sa pangalang South China Sea.

Sa kanyang talumpati sa ASEAN Foreign Ministers' Meeting sa Bandar Seri Begawan, sinabi ni Kalihim del Rosario na ang kahilingang magkaroon ng arbitration ay nakaugat sa tradisyon ng maayos na global citizenship.

Ani G. del Rosario, ang Pilipinas ay mananatiling nagpapahalaga sa payapang paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng pagkilos na naaayon sa batas, hindi mapanggipit at transparent at "rules-based international system."

Kung susuriing mabuti ang ginawa ng Pilipinas, ani G. del Rosario, ito'y makabubuti sa lahat ng partido. Para sa Pilipinas, makikilala kung alin ang lehitimong pag-aari nito, lalo na ang maritime entitlements sa ilalim ng UNCLOS lalo't higit sa mga karapatang makapangisda, karapatan sa mga likas na yaman at karapatang ipatupad ang mga batas sa mga pook na saklaw ng "Exclusive Economic Zone."

Para umano sa Tsina, ang arbitral award ay maglilinaw sa mga Tsino ng kanilang mga karapatan sa South China Sea sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea. Magkakaroon ang Tsina ng responsible leadership tungo sa mas matatag na rehiyon.

Sa panig ng Association of Southeast Asian Nations at sa buong global community, ang paglilinaw sa maritime entitlements sa ilalim ng UNCLOS ang makatitiyak ng kapayapaan, seguridad, katatagan at kalayaang makapaglayag sa rehiyon, dagdag pa ni Kalihim del Rosario.

Layunin lamang umano ng Pilipinas na magkaroon ng tinaguriang "legally-binding Code of Conduct in the South China Sea at hindi ito kailanman magbabago.

Patuloy na makikipagtulungan ang Pilipinas sa ASEAN at Tsina sa pagbuo ng Code of Conduct at sa pagpapatupad nito sa ilalim ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

Malaki ang posibilidad na malagdaan ang kasunduan ng MILF at GPH

PAG-ASANG MALALAGDAAN ANG KASUNDUANG PANGKAPAYAPAAN MALAKI.  Naniniwala si Fr. Eliseo Mercado Jr. OMI na malalagdaan ng Moro Islamic Liberation Front at Pamahalaan ng Pilipinas ang kasunduang pangkayapaan ayon sa timetable.  (Lawaran ni Melo Acuna)

NANINIWALA si Fr. Eliseo Mercado, Jr. ng Oblates of Mary Immaculate-Cotabato na malaki ang posibilidad na malagdaan ang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at Pamahalaan ng Pilipinas sapagkat nabuo na ang Transition Commission na magsusulat ng panukalang batas hinggil sa Bangsamoro Framework.

Ang Basic Law ay magmumula din sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan at maging sa Senado ng Pilipinas. Sa oras na maipasa ito ng dalawang kapulungan at malagdaan ng Pangulo ng Pilipinas, magkakaroon ng plebesito sa mga pook na kinikilalang kabilang sa Bangsamoro Framework.

Idinagdag pa ni Fr. Mercado na mag-iisip din ang mga mambabatas sa paglagda sa basic law sapagkat magkakaroon ito ng epekto sa kinabukasan ng mga Pilipino.

Samantala, paglabag sa pandaigdigang Karapatang Pangtao ang ginagawa ng mga Malaysian sa mga Pilipino sa Malaysia. Sa naturang panayam, sinabi ni Fr. Mercado na ang pagpapatapon ng mga mamamayan mula sa Sabah kahit walang hearing ay paglabag na sa batas. Ikinalungkot din niya ang pagtatakip ng mga nasa pamahalaan ng Pilipinas sa kalagayan ng mga Pilipino sa Sabah tulad ng panghahagupit at pananakit sa mga Tausug at paglalagay sa iisang lugar. Kailangan ding dumalaw ang mga kinatawan ng iba't ibang samahan at tanggapan sa mga Pilipino sa Sabah.

Ang proprietary rights ay maliwanag sa lahat na kinikilala ang pag-aari ng siyam na supling ng Sultan ng Sulu sa Sabah.

Kalakal ng mga sasakyan lumago sa unang tatlong buwan

PATULOY na lumalago ang ekonomiya ng bansang Pilipinas sa patuloy na pagdami ng bumibili ng mga sasakyan. Ibinalita ng Chamber of Autmobile Manufacturers of the Philippines at ng Truck Manufacturers Association na nakapagbili sila ng 41.702 units ng mga sasakyan sa unang tatlong buwan ng taong 2013. Ito umano ang pinakamalaking first quarter sales sa kasaysayan ng industriya. Mas mataas ito ng 29% kaysa sa naipagbili noong unang quarter ng 2012 na umabot sa 32,240 na unit.

Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, ang first quarter ang karaniwang pinakamababa ang benta sa bawat nakalipas na taon.

Ayon kay Atty. Gutierrez, ang paglampas sa 40,000 unit sa kauna-unahang pagkakataon ay indikasyon na patuloy na sa pagkakaroon ng mga sasakyan ng karamihan ng mga mamamayan.

Umabot sa 13,821 unit ng mga kotse, na kinatagpuan ng 46% increase sa nakalipas na taon (9,471 units) at ang commercial vehicles na 67% ng mga naipagbiling sasakyan ay nakadagdag ng 27,881 units.

Ito ay mas mataas ng 23% sa unang tatlong buwan ng commercial vehicles na naipagbili noong nakalipas na taon (22,769). Sa kategorya ng commercial vehicle, ang mga truck at bus ay kinakitaan ng 69% increase sa bentang 447 units na mas malaki sa 265 units noong 2012.

Malaki ang posibilidad na makararating sa target sales na 200,000 sa pagtatapos ng taong 2013. Toyota pa rin ang nangungunang uri ng sasakyang binili ng mga Pilipino sa unang tatlong buwan ng 2013 sa pagkakaroon ng 41%. Sumunod ang Mitsubishi na may 24%, Honda Cars Philippines na 9.51%, Isuzu Philippines na may 6.56% at Ford Philippines na mayroong 6.44%.

Pagsisimula ng bagong tradisyon ni Pope Francis, nagsilbing inspirasyon

HINDI lamang tradisyon ang binago ni Pope Francis sa kanyang paghuhugas ng paa ng mga batang bilanggo noong Hwebes Santo. Itinaas din niya ang dignidad ng mga lumabag sa batas at nagsilbing inspirasyon sa mga naglilingkod sa mga bilanggo.

Ito ang pananaw ni Rudy Diamante, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ng makita niya ang kakaibang ginawa ng Santo Papa noong nakalipas na Easter Triduum.

Malaking bagay iyo para sa mga naglilingkod at maging sa mga bilanggo sapagkat ipinagunita ng Santo Papa sa mga mananamplataya ang pagkatig ng simbahan sa mga mahihirap, kabilang na ang mga bilanggo.

Nagsilbing inspirasyon ito para sa amin, dagdag pa ni Diamante.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>