Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at mga kalapit-bansa ng Pilipinas, nagtalakayan hinggil sa humanitarian assistance

(GMT+08:00) 2013-04-16 17:08:40       CRI

Tsina at mga kalapit-bansa ng Pilipinas, nagtalakayan hinggil sa humanitarian assistance

NAGSAMA-SAMA at nagpulong ang security officials ng Tsina, Australia, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Thailand, South Korea, Vietnam, Estados Unidos at Pilipinas upang magbahaginan ng kanilang mga karanasan sa pagtulong sa mga nasasalanta ng mga kalamidad.

Naganap ang pulong at bahaginan sa AFP Commissioned Officers Club sa Kampo Aguinaldo.

Tinaguriang Multi-National Mid-Level HADR Round Table Discussion, ang pagpupulong ay isa sa mga nangungunang palatuntunan sa nagangap na PH-US Balikatan Exercises sa Pilipinas. Ang taunang bilateral military exercise ay nagmula noong ika-lima ng Abril at magtatapos sa darating na Miyerkoles, ika-17 ng Abril.

Pinamunuan ni Deputy Chief of Staff for Operations Brig. General Aurelio Baladad mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Captain Cathal O'Connor mula sa US Navy, nagbahaginan ang mga kalahok ng kanilang mga karanasan, papel at obligasyon sa larangan ng humanitarian assistance at disaster relief.

Sang-ayon ito sa pagtugon sa mga kalamidad, tulad ng mga naganap kamakailan sa Pilipinas, na makakatulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng regional disaster management and emergency response mechanisms. Layunin din nitong masubukan ang PH-US Military HADR Concept of Operations sa isang multinational at multi-organizational exercise.

Matagal pa bago maglabas ng tugon ang Korte Suprema hinggil sa Mining Act of 1995

HINDI AGAD MAGLALABAS NG RESOLUSYON ANG KORTE SUPREMA.  Ito ang pahayag ni Atty. Theodore Te, Public Information Officer at Deputy Court Administrator ng Korte Suprema sa isasagwang oral arguments hinggil sa Mining Act of 1995.  Binigyan umano ng specific issues ang magkakabilang panig upang ituon ang mga argumento sa Mining Act of 1995.

HINDI kaagad maglalabas ng pahayag ang Korte Supreme tungkol sa isyu ng constitutionality ng Mining Act of 1995. Ito ang pahayag ni Atty. Theodore Te, Public Information Officer at Deputy Court Administrator ng Korte Suprema sa isang exclusive interview ilang oras bago magsimula ang oral arguments sa Lungsod ng Baguio.

Bihirang magkaroon ng oral arguments sa Korte Suprema at ipinag-uutos lamang ito ng hukuman upang mapakinggan ang mga paninindigan ng mga abogadong kumakatawan sa petitioners at maging sa panig ng pamahalaan tulad ng Solicitor General na siyang abogado ng pamahalaan.

Ipinaliwanag niya na dinidinig ang usapin batay sa pang-unawa nila sa kahalagahan ng isyu at sa pangangailangan ng hukumang maunawaan ng lubusan ang mga isyu.

Mayroong specific issues na ibinigay ang Korte sa magkabilang panig. Sa proseso ng pagtatanong ng 15 mahistrado ay hindi nangangahulugan na iyon na ang paninindigan ng kaukulang mahistrado. Karanasan na umano niya na kung pakikinggan ang katanungan ng mahistrado ay may pagkakataong malayo sa magiging desisyon.

Pagkatapos ng oral arguments, hihiling ang Korte Suprema ng mga memorandum sa magkabilang panig na pagbabasehan ng kanilang desisyon. Ang oral arguments ay kalahatian lamang ng proseso upang maliwanag ang mga isyu, dagdag pa ni Atty. Te, dating propesor sa College of Law ng Pamantasan ng Pilipinas.

Siyamnapung Pilipino, pabalik na mula sa Syria

NAKATAKDANG dumating ang may 90 mga Pilipino mula sa magulong bansa ng Syria. Ibinalita ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus na 90 mga Pilipino ang nakinabang sa Mandatory Repatriation Program ng pamahalaan.

Nakatakdang sumakay ng dalawang hiwalay na eroplano mula sa Doha, Qatar at Manama, Bahrain ang mga manggagawang Pilipino. Ayon sa schedule, nakatakdang dumating kaninang ika-lima ng hapon ang 60 repatariates sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sakay ng Qatar Airways flight QR 644. Ang nalalabing 30 ay sakay naman ng Gulf Air Flight GF 156.

Sa pag-uwi ng 90 manggagawa, aabot na sa 3,882 ang nakinabang sa repatriation program ng Pilipinas. Isinasaayos pa ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut ang pag-uwi ng 69 na mga Pilipino na pawang mula sa Syria.

Pilipinas, nakiramay sa mga biktima ng pagsabog sa Boston

NAKIISA ang Pamahalaan ng Pilipinas sa pagpapaabot ng pakikiramay sa mga naulila ng pagsabog na naganap sa Boston Marathon. Ayon sa pahayag ni Atty. Abigail Valte, deputy presidential spokesperson, marami pa umanong ginagamot at ang ila'y nasa malubhang kalagayan. Ipinaabot din ng Pilipinas ang panalangin para sa kanilang kaligtasan at agarang paggaling.

Ang Boston Marathon ay isang taunang pagdiriwang, pagtatagisan ng lakas at isang magandang uri ng kompetisyon. Kinikondena ng Pamahalaan ang mga nasa likod ng pangyayaring ito na naging dahilan ng malubhang kalungkutan at pagdurusa sa lungsod ng Boston at sa buong Estados Unidos.

Nakiisa si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagluluksa at pagkabahala at nagpapaabot din ng pakikiisa sa mga mamamayan ng Boston na pansamantalang tinirhan niya at ng kanyang pamilya noong dekada otsenta.

Manggagawang naghahanap ng dagdag na trabaho, nadaragdagan

DUMARAMI ang bilang ng mga Pilipinong naghahanap ng dagdag na trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ito ang ibinunyag ng Trade Union Congress of the Philippines sa isang pahayag.

Umaabot na sa siyam na milyon ang mga manggagawang naghahanap ng pangdagdag sa kanilang kinikita dahilan sa job mismatch at mumunting sinasahod ng mga manggagawa.

Sinabi ni Gerard Seno, general secretary ng Trade Union Congress of the Philippines na dahilan na rin ng mababang sahod ang paghahanap ng sideline ng karaniwang manggagawa. Ang underemployment ay nagiging talamak ayon sa pag-aaral ng TUCP. Ikinababahala ito ng mga unionista at mga opisyal ng pamahalaan.

Ang underemployment ay nakikita sa mga propesyunal na handang tumanggap ng trabahong mas mababa sa kanilang pinag-aralan magkatrabaho lamang. Kahit umano P 456 ang minimum wage sa Metro Manila, ang nalalabi'y P 306 na lamang matapos alisin ang inflation ng presyo ng mga kailangan ng karaniwang pamilya, mga buwis, at kontribusyon sa PhilHealth, Pag-Ibig at Social Security System.

Napuna ng National Statistics Office na mayroong 7.9 milyon ang underemployed noong Enero 2013, tumaas ng may 916,000 noong Enero 2012 na umabot lamang sa 7.01 milyon at 7.05 milyon noong 2011.

Obispo, hindi sang-ayon sa panukalang payagan ang kababaihang maging pari

MAAARING MAGLINGKOD ANG KABABAIHAN SA SIMBAHAN BILANG MGA MADRE AT LAIKO.  Maliwanag kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista na ang pagkapari ay para sa kalalakihan lamang.

TUTOL ang bagong hirang na Obispo ng Imus Reynaldo Evangelista sa panukala ng ilang napapanahon ng mag-orden ng kababaihan sa pagkapari. Sa panayam sa chairman ng CBCP Episcopal Commission on Vocations, na kalalakihan lamang ang makatatanggap ng holy orders subalit ang kababaihan ay makapaglilingkod pa sa simbahan bilang religious o mga madre.

Hindi umano nangangahulugan na walang lugar para sa kababaihan sa simbahan. Makapaglilingkod ang kababaihan sa simbahan bilang mga madre o mga laiko, dagdag pa ni Bishop Evangelista.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>