Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang bagong Comelec commissioners hinirang

(GMT+08:00) 2013-04-18 20:06:18       CRI

Dalawang bagong Comelec commissioners hinirang

PINANGALANAN na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sina Atty. Louie Tito F. Guia at Atty. Al A. Parreño sa mga posisyong iniwanan ng mga nagretirong sina Commissioner Armando C. Velasco at Rene V. Sarmiento sa Commission on Elections.

Si Atty. Guia ang acting director ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) at international election consultant sa mga bansang Papua New Guinea at Kenya.

Si Atty. Parreño naman ay Board Member ng Land Transportation and Franchise Board.

Umaasa si Pangulong Aquino na sa pag-upo ng dalawang abogado bilang Commissioner, makikita ang kanilang integridad, katapatan at kalayaan sa kanilang paglilingkod at higit na makapagpapalakas sa Commission on Elections sa pagtupad sa nararapt nitong gampanan upang matiyak ang malaya, maayos, tapat, payapa at kapani-paniwalang halalan.

Sa panig ni election lawyer Romulo Macalintal, napapanahon naman ang paghirang ni Pangulong Aquino sa dalawang Comelec commissioners. Nang tanungin ko kung kilala niya ang dalawang opisyal, hindi umano kilala ni Atty. Macalintal ang mga bagong opisyal ng ahensyang nagpapatakbo ng halalan.

Opisyal ng China-ASEAN Business Council, dumalaw sa Embahada ng Pilipinas

DUMALAW si Ginoong Xu Ningning, ang executive Secretary-General ng China-ASEAN Business Council, Chinese Secretariat sa tanggapan ni Philippine Ambassador to China Erlinda F. Basilio noong Lunes.

Sinalubong ni Ambassador Basilio si Ginoong Xu sa Embahada ng Pilipinas at nagpasalamat sa mga ginagawa ng business council upang higit na mapasigla ang kalakal at relasyong pang-ekonomiya sa pag-itan ng Pilipinas at Tsina.

Nagpalitan sila ng mga pananaw sa mga paraan upang higit na mapasigla ang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, partikular sa investments at kalakalan ng dalawang bansa at China-ASEAN cooperation.

Si Ginoong Xu ay bahagi ng 60-kataong business delegation na nasa Pilipinas ngayon. Pinamunuan ni China Council for the Promotion of International Trade Vice Chairman Yu Ping ang grupo na magtatagal hanggang sa Sabado, ika-20 ng Abril.

Bumati rin si Ginoong Xu sa pagkakahirang kay Ambassador Basilio bilang Philippine Envoy to China. Sa pagkakataong ito, idinagdag pa ni G. Xu na higit na titibay ang relasyon ng dalawang bansa.

Pangulong Aquino, dadalo sa ASEAN

MAKAKASAMA ng iba't ibang pinuno ng mga bansa sa ASEAN si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa 22nd ASEAN Summit na nakatakdang simulan sa ika-24 ng Abril sa Bandar Seri Begawan. Dalawang araw ang itatagal ng pagpupulong.

May tema ang pagtitipong "Our People, Our Future Together" na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga mamamayan upang magkatotoo ang ASEAN community sa taong 2015. Ito rin ang ika-46 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN.

Ito ang follow-up ng 21st ASEAN Summit and Related Summits na idinaos sa Phnom Penh, Cambodia noong ika-17 hanggang ika-20 ng Nobyembre, 2012.

Isang working dinner ang idaraos bilang pagsisimula ng pulong sa pamamagitan ng Kanyang Karangalan Sultan Bolkiah ng Brunei. Isusulong din ang Small and Medium Enterprises at susuporta sa mga prayoridad ng Brunei. Magkakaroon ng Retreat Session na tatalakay sa ASEAN Community 2015, papel at regional architecture ng ASEAN, daang tatahakin ng samahan at mga pananaw sa regional at international issues.

Makakusap din niya ang mga pinuno ng kalapit bansa para sa ika-siyam na Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area Summit matapos ang ASEAN Summit Retreat Session.

Aalis si Pangulong Aquino patungong Brunei sa ika-24 ng Abril, 2013.

Pangalawang Pangulong Binay, nagpasalamat sa "Reprieve" na ibinigay kay Zapanta

NAGPASALAMAT si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay kay King Abdullah at sa pamahalaan ng Saudi Arabia sa pagbibigay kay Joselito Zapanta ng hanggang sa ikatlo ng Nobyembre 2013 upang makalikom ng sapat na salapi para sa kanyang blood money.

Sa pamamagitan ng Hari ng Saudi Arabia, hindi muna ipinatupad ang parusang kamatayan kay Joselito.

Sa isang pahayag mula sa tanggapan ni Ginoong Binay, ipinagpasalamat din niya ang ginawa ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa pamumuno ni Ambassador Ezzedin Tago para sa pagtatangkang mailigtas ang bilanggo sa tiyak na kamatayan.

Idinagdag ni Ginoong Binay na nakalilikom pa lamang ng P 5.6 milyon mula sa P 44 na milyong kailangan. Isang fund-raising drive ang pinamunuan ni Gobernador Lilia Pineda ang nakalikom ng P 2.6 milyon. Kailangan pa rin ng P 35.8 milyon upang makalaya ang bilanggong Pilipino.

Nanawagan si Pangalawang Pangulong Binay na tumulong upang makalikom ng sapat na salapi.

Korte Suprema, pinigilan ang Commission on Elections sa pagpapatupad ng limit sa mga patalastas politikal

SA pamamagitan ng botong siyam laban sa anim matapos ang deliberasyon sa mga issue at iba't ibang opinion na isinumite sa pinagsanib na mga petisyon, nagdesisyon ang Kataas-taasang Hukuman na maglabas ng Temporary Restraining Order sa kahalagahan ng usapin at upang maiwasan ang pinsalang maidudulot nito sa mga nagpetisyon kung ipagpapatuloy ng Commission on Elections ang pagbabawal nito sa ilalim ng "aggregate time" na napapaloob sa Resolution No. 9615.

Inatasan ng Korte Suprema ang Commission on Elections na huwag munang ipatupad ang nilalaman ng Resolition 9615 na sinusugan ng Resolution 9631 na kilala sa pangalang Aggregate Time Limit rule. Ang sinaunang kautusan na ipinatupad noong 2010 ang siyang pamalit sa panibagong kautusan ng Comelec na isinaisang-tabi ng Korte Suprema dahilan sa Temporary Restraining Order na inilabas noong Martes, ika-16 sa buwan ng Abril.

Mga laiko, hindi nagdidikta ng iboboto

KAHIT pa mayroong endorsement ng mga kandidato sa nalalapit na halalan, ang White Vote movement ay nagsabing hindi nila pinupwersa ang mga botante bagkos ay nagpapayo lamang ng maaaring tulungang mga tumatakbong senador.

Ang White Vote movement ay isang koalisyon ng mga samahang laiko sa loob ng Simbahang Katolika at nagtatguyod ng mga kandidato sa pagka-senador na pawang pro-life, pro-family at nagpapahalaga sa kasagraduhan ng kasal.

Ayon kay Atty. Aurora Santiago, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas at isa sa mga namumuno sa samahan, ang kanilang endorsement ay hindi kautusan at hindi nararapat kilalang bloc voting.

Isa lamang itong gabay sa mga botante at iginagalang nila ang kalayaan ng mga botante at ang kanilang kalayaang gamitin ang kanilang mga konsensya. Si Atty. Santiago ang executive secretary ng Episcopal Commission on the Laity.

Kasama rin ang mga kabataan sa pagkilos na ito tulad ng Family Rosary Crusade Youth, CFC-Youth for Family and Life.

Iniiwasan nila ang mga panukalang batas hinggil sa diborsyo, euthanasia, abortion, population control at same sex union.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>