Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Free Trade Area nagbukas ng pinto para sa mga gumagawa ng biskwit para sa Tsina

(GMT+08:00) 2013-04-19 18:44:02       CRI

Free Trade Area nagbukas ng pinto para sa mga gumagawa ng biskwit para sa Tsina

MAKIKINABANG ang mga gumagawa ng biskwit sa Pilipinas sa pamamagitan ng ASEAN-China Free Trade Area sa napakalaking pamilihan sa Tsina.

Ayon kay Ferdie Chanpongco, dating pinuno ng Biscuit Philippines cluster, ang FTA ang nagbukas ng pito papasok ng Tsina at may lakas na ng loob ang mga Pilipinong gumagawa ng biskwit na pasukan ang Tsina matapos mawala ang buwis na babayaran ng biscuit manufactures mula sa bansa.

Ang ASEAN-China Free Trade Area ang pinakamalaking free-trade area kung populasyon ang pag-uusapat at ikatlong pinakamalaki sa nominal gross national product. Ang Tsina ang ikatlong pinakamalaking export market ng Pilipinas.

Ang FTA ay isang kasunduan sa pag-itan ng dalawa o higit pang bansa upang mawala ang mga buwis at iba pang requirements ng kalakalan na siyang ipinatutupad sa daigdig ng negosyo ng mga bansa.

Ayon sa National Statistics Office at sa prosesong ginawa ng Bureau of Export and Trade Promotion ng Department of Trade and Industry, noong 2011, umabot sa US$ 948 milyong halaga ng mga biskwit, waffles at wafers ang ipinadala sa Tsina, mas mataas ng 316% mula sa US$ 228 milyon noong 2010.

Sinabi ni Director Senen Perlada na napakalaki ng pamilihan sa Tsina at nanawagan sila sa mga exporter na dalhin ang kanilang produkto sa maunlad na bansa. Isa rin ang Tsina sa pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.

Pagbabago sa klima, land conversion, sagka sa rice self-sufficiency

KAHIT patuloy na tumataas ang produksyon ng palay sa bawat ektarya sa paglipas ng mga taon, nananatiling sagka ang pagbabagong nagaganap sa klima (climate change), pagkakaroon ng land conversion mula sa mga palayan tungo sa industrial at residential areas sa pagkakamit ng sapat na produksyon ayon sa pangangailangan ng pamilihan sa bansa.

Ito ang pahayag ni Director Rex Estoperez ng National Food Authority sa panayam ng CBCP Online Radio. Sa pagkalahatan, tinatayang kumakain ng may 119 na kilo ng bigas ang bawat Pilipino sa bawat taon.

Idinagdag ni G. Estoperez na patuloy na tumataas ang produksyon ng palay sa bansa mula sa 16 milyong metriko tonelada noong ay lumago ito at naabot ang 18 milyong metriko tonelada noong nakalipas na 2012. Target ng pamahalaan na magkaroon ng 20 million metric tons upang matamo ang rice self-sufficiency.

Mayroon ding papel na gagampanan ang consumers kung nais nilang matamo ng bansa ang sapat na bigas. Inihalimbawa ni Director Estoperez ang paglipat ng mga Pilipino sa brown rice. Pag brown rice ang kinain ng karamihan ng mga Pilipino, mababawasan ang kanilang consumption sapagkat mabigat ito sa tiyan. Kung mas maraming Pilipino ang kakain ng kamoteng-kahoy, mais at karaniwang kamote na kinakain ng mga nasa kanayunan ay magpapababa sa konsumo ng bigas.

Nakaambang peligro sa pagkakamit ng rice self-sufficiency ang pagbabago sa klima, pagpasok ng tubig-dagat sa mga palayan, malalakas na bagyo at ang conversion ng mga lupain mula sa mga sakahan patungo sa mga subdivision at industrial estates.

Malaki ang ibinawas ng bilang at sukat ng mga lupaing ginagawang residential subdivisions at industrial estates mula ng kausapin ni dating Agriculture Secretary Arthur Yap ang kanyang mga kapwa kalihim ng repormang agraryo at kalikasan at kalapigiran.

Maraming mga lupaing may patubig na nagawang subdivisions sa Kabisayaan at maging sa hilagang Luzon.

Samantala, sinabi naman ng news sources ng CBCP Media Office na karaniwang tumataas ang bilang ng smuggling sa kada panahon ng halalan. Tradisyon na umano ng mga politiko na pagkakitaan ang mga "contra-bando" tulad ng bigas. Walang magagawa ang mga sangkot sa smuggling kung walang categorical statements mula sa Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ng isa sa pinagkunan ng balita na sa bawat sako ng bigas na ipinupuslit sa Pilipinas ay isang sako rin ang hindi nabibili ng rice traders sa mga magsasaka, kaya't napupuno ang bodega ng National Food Authority sa kabibili nila ng palay. Malaking kamurahan din sa presyo ng palay ang nagaganap sa pagbaha ng mga ipinuslit na bigas.

Task force ng kagawaran ng edukasyon, binuo

BUMUO na ng Election Task Force Operating Center ang Kagawaran ng Edukasyon sa kanilang Central office para sa darating na national at local elections upang paglingkuran ang mga guro na makakasama sa Board of Election Inspectors para sa 2010 mid-term elections.

Si Undersecretary for Legal Affairs Alberto Muyot ang hinirang na chair ng steering committee. Tityakin ng steering committee na lahat ng kailanga impormasyon ng mga guro ang makararating tulad rin ng technical at leal assistance bilang mga kasapi ng BEIs. Ang proteksyong ito ay ibibigay din sa mga principal mga supervisor, schools division/city superintendents at ipa pang mga tauhan ng DepEd na maglilingkod sa darating na halalan.

Ani Kalihim Luistro, kailangan ng mga tauhan ng DepEd ang kailangang tulong upang magawa nila ng maayos ang nararapat gampanan sa halalan.

Sisimulan ang Operation Center sa ganap na ala-una ng hapon sa Linggo, ika-12 ng Mayo hanggang alas dose ng tanghali sa Martes, ika-14 ng Mayo.

Manggagawa nanawagan sa pamahalaan

KAILANGANG pakinggan ng pamahalaan ang mga panawagan ng mga manggagawa na madagdagan ang sahod, mapigilan ang contractualization at pagkilala sa security of tenure, kilalanin ang karapatang mag-union, mag-welga at magkaroon ng collective bargaining agreement.

Ito ang panawagan ni Elmer Labog ng Church People-Workers Solidarity sa pagtitipon sa Institute of Preaching sa Sto. Domingo Church kanina.

Kabilang sa mga isyung binanggit ang pangangailangan na magkaroon ng mas ligtas na pagtatrabahuhan, pagkakaroon ng social protection, marangal na hanapbuhay at pagwawakas ng mga neo-liberal policies.

Dalangin din ni G. Labog na magkaroon ng dagdag na paggastos ng pamahalaan para sa social services, karapatan ng mga mahihirap na magkaroon ng tahanan at hanapbuhay kasabay ng pagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan.

Umabot sa may isang daang lider ng mga laiko, mga alagad ng simbahan at mga relihiyoso ang dumalo sa pagtitipon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>