Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, umalis na patungong Brunei para sa 22nd Asean Summit

(GMT+08:00) 2013-04-24 19:10:50       CRI

Pangulong Aquino, umalis na patungong Brunei para sa 22nd Asean Summit

UMALIS na si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kaninang ika-apat ng hapon upang dumalo sa ika-22 ASEAN Summit na gagawin sa Bandar Seri Begawan, Brunei.

Sa kanyang pre-departure statement, sinabi ni Ginoong Aquino na nabigyan na naman ng pagkakataon ang Pilipinas na ihayag ang kanyang saloobin sa mga isyung napapanahon at ihayag ang kahandaan ng Pilipinas na makipagtulungan.

Wala umanong ibang hangad ang Pilipinas kungdi ang pagtataguyod ng kaayusan at kapayapaan sa pamamagitan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea. Kukumbinsihin umano niya ang mga kalapit-bansa na tumulong sa pagbuo ng isang Code of Conduct sa madaling panahon na kikilalanin at susundin ng lahat. Umaasa siyang susuportahan ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah ang kanyang layunin.

Babalik din siya sa Pilipinas bukas.

Libu-libong mga Pilipino, umuwi mula sa Sabah

PATULOY na maglalabas ng pondo ang Pamahalaan ng Pilipinas para sa mga Pilipinong lumikas mula sa Sabah dahilan sa kaguluhan doon.

Ito ang pagtiyak ni Kalihim Corazon "Dinky" Juliano Soliman mayroon ng sampu't kalahating milyong piso ang nailabas at may nakahanda pang higit sa apat at kalahating milyong piso bilang relief assistance para sa emergency situation. Mayroon na ring contingency plan na nagkakahalaga ng may P 538 milyon kung sakaling biglang umuwi ang may 100,000 mga Pilipino mula sa Sabah. Ang mga pondong ito ay mula sa Quick Response Funds na mapapalitan sa oras na maubos na. Magmumula ang pondo sa Department of Budget and Mangement at sa Department of Finance sa oras na maisumite na ang kanilang liquidation.

Sa naunang ulat, noong ika-14 ng Abril, 9,862 pa lamang ang nagsibalik sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdaong sa Basilan na nagkaroon ng 152 katao, sa Sulu na may 5,414, Tawi-Tawi na nagkaroon ng 3,572 at Palawan na nagkaroon ng 723 kataong mula sa Malaysia.

Noon ding panahong iyon, nakapaglabas na ang pamahalaan ng halos labing-isa't kalahating milyong piso (P11,423,758.45). Nagmula ang higit sa sampung milyong piso sa Department of Social Welfare and Development at sa mga pamahalaang local at mga non-government organizations.

Nakapaglaan na sila ng higit sa tatlong milyong piso halaga ng cash-for-work na ipatutupad sa oras na magkaroon ng assessment ng mga nagsilikas sa kanilang mga pinagmulang mga barangay. Nakapaglaan na rin ang pamahalaan ng P4.6 milyon halaga ng emergency relief resources na kinabibilangan ng standby funds, family food packs at iba pang food items at non-food items.

Walang pagtataya ang pamahalaan sa nawalang remittances sapagkat hindi naman sila OFWs o overseas Filipino workers at karamihan sa kanila ay walang mga papeles.

Hanggang sa araw na ito, umabot na sa 12,616 ang displaced persons mula sa Sabah na nagsibalik na sa Pilipinas. Bumalik sila sa Pilipinas sa pangambang magkakaroon ng crackdown ang Malaysian authorities sa mga walang dokumentong mga banyaga. Karamihan sa nagsiuwi ay walang mga papeles.

Bangko sentral ng Pilipinas, pinarangalan

NAPILI ng The Asian Banker, isa sa mga nangungunang financial services consultancies ang Bangko Sentral ng Pilipinas bilang 2013 Best Macroeconomic Regulator sa Asia Pacific Region. Ibinigay ang parangal sa Asian Banker Leadership Achievement Awards sa Jakarta, Indonesia kahapon.

Dumalo si Assistant Governor Ma. Cyd Tuaño-Amador sa pagtitipon. Siya rin ang tumanggap ng parangal.

Kinikilala ang Asian Banker Leadership Achievement Awards sa larangan ng financial services industry bilang pinakamataas na parangal sa industry professionals sa Asia-Pacific region.

Itinatag noong 2001, ang parangal ang kabilang sa pinakamahirap matamo dahilan sa mahigpit na pagsusuring isinagasawa sa iba't ibang institusyon. Ilang buwan ginagawa ang mga pagsususri at kinasasangkutan ito ng feedback at mga panayam sa mga sektor na may karapatang magpahayag tungkol sa mga nominee. Ito ay isang world-class evaluation program at ang natatamong mga karanasan sa palatuntunan ay inilalathala sa taunang ulat.

Dinaluhan ng mga kinatawan ng international at domestic institutions sa transaction banking, risk management at teknolohiya kasabay ng Asian Banker Summit. Ito ang pinakamalaking taunang pagtitipon ng mga propesyunal sa financial services industry.

Programa ng Caceres para sa darating na halalan pinag-iibayo

MAGKAKAROON NG CATHOLIC VOTE. Naniniwala si Arsobispo Rolando Tria-Tirona ng Arkediyosesis ng Caceres na nararapat maging masigasig ang mga Katoliko sa paglahok sa nakatakdang halalan sa Lunes, ika-13 ng Mayo. Mayroon silang inilunsad na Voters' Education Program na kinabibilangan ng mga talakayan sa mahahalagang paksa. (Kuha ni Roy Lagarde)

MASIGASIG na ipinatutupad ng Arkediyosesis ng Caceres sa Camarines Sur ang kanilang programa tungkol sa Catholic vote. Sinimulan noong nakalipas na Marso 31, isinasagawa ang pagpapaliwanag sa mga parokya ng arkediyosesis base sa iba't ibang tema.

Ayon kay Fr. Louie Occiano, Media Director ng Caceres, ang mga paksa ay kinabibilangan ng Citizenship, Catholic Vote, Nature and Purpose of Catholic Vote, Politics and Democracy at Empowerment and Political Dynasty.

Nilalaman ng isang Pastoral Letter noong ika-24 ng Marso, 2013 ang detalyes ng palatuntunan.

Sinabi ni Arsobispo Rolando Tria-Tirona ng Caceres na ang kanilang Voters Education Program ay tugon sa hamon sa pananampalataya. Kailangang lumahok sa halalan nang may ibayong lakas at kaalaman sa mga itinuturo nito.

Layunin ng Voters Education Program na nakapaglabas ng Catholic Vote na isang Malaya at paghalal ayon sa konsensya. Kailangang maging matatag ang mga mananampalataya na tutugon sa layunin ng Diyos. Nararapat lamang suportahan ang Voters Education Program sa mga paaralan, mga tanggapan at mga samahan na mayroong palatuntunan na katatagpuan ng pagiging responsableng mga Katoliko.

Samantala, sinabi ni Fr. Occiano na tuloy ang pagtalakay ng mga nakahandang paksa sa iba't ibang parokya ng arkediyosesis hanggang sa darating na Mayo 12.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>