Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, umaasang magtatagumpay ang usapang pangkapayapaan sa MILF; may suliranin sa CPP/NDF/NPA

(GMT+08:00) 2013-05-06 19:09:03       CRI

UMAASA si Kalihim Teresita Quintos-Deles, ang Presidential Adviser on the Peace Process na magtatagumpay sila sa pagkakaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front bago pa man magtapos ang panunungkulan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Ang pinakasusi sa sa pag-uusap ay ang katapatan ng MILF na isulong ang usapang pangkayapaan.

Sa panig ng Communist Party of the Philippines/National Democratic Front/New People's Army, nagkakaroon ng mga suliranin sapagkat natigil ang mga pag-uusap sa hindi pagkakaunawaan o impasse.

Humarap sina Kalihim Deles, Professor Miriam Coronel-Ferrer at Atty. Alexander Padilla sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kaninang umaga.

Ayon kay Professor Ferrer, nagsisimula ng magkatulungan ang mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front at Pamahalaan ng Pilipinas sa pagpapatupad ng ilang batas tulad ng pagpigil sa illegal na pagputol ng kahoy. Hindi rin umano ginagamit ng mga MILF ang nalalapit na halalan. Seryoso umano ang MILF na matapos ang pag-uusap sa paglagda sa kasunduang pangkapayapaan.

Samantala, sa panig ni Atty. Alexander Padilla, chair ng Philippine Panel na nakikipag-usap sa CPP/NDF/NPA, ang regular track ng peace talks ay natigil sa nakalipas na 22 buwan. Aniya, nakalulungkot na walang political settlement matapos ang 27 taon ng pag-uusap. Bagama't nagkasundo hinggil sa Human Rights, hindi naman tinanggap ng Pilipinas ang paggamit ng kangaroo courts sa paglilitis ng mga kinikilalang lumalabag sa batas ng mga guerilyang kasapi ng NPA.

Ipinaliwanag ni Kalihim Deles na sinusuri nila ang mga nagaganap at may mga katanungang nararapat sagutin. Sino nga ba ang kanilang kinakausap? Tama nga bang kausapin ang kanilang mga kausap? Bagaman, niliwanag niyang wala silang balak na hindi na kausapin sina Jose Maria Sison.

Binigyang-diin ni Kalihim Deles na nararapat lamang magkaroon ng tigil-putukan kung sakaling mag-uusap na muli upang makumbinse ang karamihan na may patutunguhan ang pag-uusap. Ipinaniwalag din niyang mayroong mga dokumentong nagsasaad na gagamitin lamang ng CPP/NDF/NPA ang peace talks upang isulong ang armadong pakikibaka sa pamahalaan.

Inamin niyang nagkaroon ng mga konsultasyon ang mga peace advocates sa iba't ibang bahagi ng bansa at karamihan sa kanila'y nagnanais na madama ang kapayapaan samantalang nag-uusap. Niliwanag din ni Kalihim Deles na wala sa kanilang adhikaing magkaroon ng pakikipag-usap sa mga rebelde sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Binanggit din ni Kalihim Deles na isang problema ang mga kahilingan ng mga kinatawan ng CPP/NDF/NPA na palayain ang kanilang mga consultant sa ilalim ng recognizance subalit pagdating ng araw ay hindi na matagpuan ang mga ito.

Nabanggit din ang mga pangalan nina Benito at Wilma Austria-Tiamson na maaring maka-impluwensya sa lupon ng CPP/NDF/NPA bagama't walang nagbigay ng kumpirmasyon kung mayroong nagaganap na hidwaan sa loob ng panel.

Niliwanag din ni Kalihim Deles na maliwanag ang kautusan ni Pangulong Aquino na gawin ang lahat upang magkaroon ng kasunduang pangkayapaan bago matapos ang kanyang panunungkulan sa 2016.

Yao Ming, dumalaw sa Pilipinas

NAGING mainit ang pagtanggap kay Yao Ming sa Pilipinas. Sa kanyang pagdalaw sa tanggapan ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay kaninang umaga, sinabi ni Ginoong Binay na ang pagdalaw na ito ay bahagi ng patuloy ng cultural exchange sa pag-itan ng Tsina at Pilipinas. Umaasa siyang magkakaroon pa ng higit na pagpapalitan ng mga pagdalaw na nais niyang manood ng laro ng koponan ni Yao Ming.

Photo No. 3 - PANGALAWANG PANGULONG BINAY AT YAO MING, NAGTAGPO.  Dumalaw ang sikat na basketbolistang si Yao Ming sa tanggapan ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay kaninang umaga.  Nasa larawan din si Ambassador Ma Keqing (gitna). (Larawan ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo)

Sa panig ni Ginoong Yao Ming, sinabi niyang lubhang maganda ang pagtanggap sa kanya at sa kanyang koponan. Batid umano niyang popular ang basketball sa Pilipinas na bahagi na ng tradisyon ng mga mamamayan. Sa nakalipas na 20 hanggang 30 taon, kumalat na rin ang basketball sa Tsina. Umaasa rin siyang magkakaroon ng koponan mula sa Pilipinas na makakadalaw sa Shanghai upang mamasdan ng mga Tsino ang uri ng laro ng mga Pilipino.

May nakatakdang laro ang Shanghai Sharks laban sa Smart – Gilas sa SM Basketball Arena ngayong gabi.

Pilipinas, naglabas ng 35 toneladang aromatic at black rice patungong Dubai

SINIMULAN ng Pilipinas ang paglalabas ng bigas matapos ang halos 40 taon sa unang kargamento ng mabango, mahahabang butil at organic black rice patungong Dubai, United Arab Emirates.

Dumalo sa okasyon si Kalihim Proceso J. Alcala ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Manila Harbor Center kanina. Ito umano ay simula ng panibagong panahon sa industriya ng bigas at sektor ng pagsasaka.

Nagpapatunay lamang ito ng kakayahan ng Pilipinas at mga mga magsasaka na umano at makapaglabas ng may-uring bigas patungo sa ibang bansa.

Idinagdag ni Kalihim Alcala na ang okasyon ngayon ay bunga ng pagtutulungan ng mga magsasaka, kinatawan ng pribadong sektor at mga opisyal at kawani ng Kagawaran ng pagsasaka. Sa kargamento, mayroong 20 metriko tonelada ng Jasponica o long-grain, aromatic white rice at 15 metriko tonealda ng organic black rice.

Ang Jasponica aromatic white rice ay mula sa Talavera, Nueva Ecija ng SL Agritech at ang black rice ay mula sa Mlang, North Cotabato mula sa Bios Dynamic Farmers Cooperative sa pakikipagtulungan sa Don Bosco Development Foundation. Ang black rice ay giniling at ipinakete sa isang pasilidad ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Matanao, Davao del Sur.

Obispo ng Uniformed Service, pinayuhan ang balana hinggil sa darating na halalan

NANAWAGAN si Bishop Leopoldo Tumulak sa mga paring naglilingkod sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Pambansang Pulisya, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection na bigyang halaga ang nalalapit na halalang gagawin sa susunod na Lunes, ika-13 ng Mayo.

Binanggit niya na pumipili ang Diyos ng mga mabubuting pinuno para sa kanyang mga mamamayan upang higit na tumingkad ang kinabukasan ng bansa. Ang isang tapat, malaya at maayos na pagboto ay magdudulot ng kabutin sa daigdig sapagakt nagsasalita ang Panginoon sa pamamagitan ng mga pinunong nahalal ng matapat na botohan.

Walang idudulot na kabutihan ang botong natamo sa pamamagitan ng kabayaran. Ang anumang paglahok sa halalan ng walang kalayaan ay makasasama sa lipunan, dagdag pa ni Bishop Tumulak.

Iminungkahi niya sa mga mananampalataya na magdasal bago bumoto. Hindi kailanman magkakamali ang taong nagdarasal bago bumoto. Kailangan ding kilalanin ang mga kandidato at alamin ang kanilang mga pag-uugali. Mamili ng hindi basehan ang takot o hiya o obligasyon sapagkat ang buod ng halalan ay kalayaan.

Mamili ng kandidatong inyong pinaniniwalaang makakatulong na umunlad ang bansa, dagdag pa ni Bishop Tumulak.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>