|
||||||||
|
||
Mga Kawal ng Pilipino sa Golan Heights, pauuwiin na
Ito ang binigyang-diin ni Kalihim Albert F. Del Rosario sa Foreign Correspondents Association of the Philippines Forum kaninang umaga. Lubhang nanganganib na ang mga kawal sa Golan Heights matapos dukutin na naman ang apat na Pilipino kamakalawa, dagdag pa ni Kalihim rel Rosario. (Larawan mula sa DFA-PISU)
HINDI magtatagal ay pauuwiin na ang mga kawal na kasama ng United Nations Peace Keeping Force sa Golan Heights. Ito ang magiging rekomendasyon ni Kalihim ng Ugnayang Panglabas Albert F. Del Rosario kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na nakatakda niyang ipadala ngayon.
Sa isang FOCAP Forum na kanyang dinaluhan kaninang umaga, sinabi ni Kalihim del Rosario na nararapat lamang iligtas ang mga Pilipinong kawal sa kapahamakan. Ito ang ikalawang pagkakataong na-hostage ang mga Pilipinong kawal na kabilang sa United Nations Peace Keeping Force sa Golan Heights.
Malaking paglabag sa pandaigdigang batas o international law ang ginagawa ng mga armado sa mga Pilipinong naglilingkod doon. Hindi nararapat maging target ng mga armado ang mga nagpapanatili ng kapayapaan.
Noon pa mang maganap ang unang pangho-hostage sa mga peacekeeper ilang linggo na ang nakalilipas, intasan na siya ni Pangulong Aquino na pagbalik-aralan ang peligrong hinaharap ng mga kawal na kabilang sa peacekeeping forces.
Sa kasalukuyan, mayroong 843 mga kawal na sa walong peacekeeping forces at mayroong 342 ang nasa Golan Heights sa nakalipas na tatlong taon. Sa nakalipas na isa't kalahating taon ay pinamunuan na ng Pilipinong commander ang peacekeeping force doon.
Maaaring pauwiin kaagad ang mga kawal mula sa Golan Heights sapagkat ang kanilang pagkakalantad sa kapahamakan ay maituturing na beyond the tolerable limits.
Sa relasyon ng bansa sa Tsina, ipinaliwanag din ni Kalihim del Rosario na sa pagkakaroon ng bagong liderato sa Tsina, umaasa siyang mababalik sa mainit na relasyon ang mamamagitan sa Pilipinas at Tsina. Isusulong ang marubdob ng relasyong pang-ekonomiya kasabay ng pagtatangkang maging mas maganda ang people-to-people relations. Ang paghahanap ng kalutasan sa mga 'di pagkakaunawaan ay base sa nagpakasunduan nina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Pangulong Hu Jintao noong 2011 sa pamamagitan ng bilateral relations. Patuloy na maghahanap ang Pilipinas ng payapang paraan ng paglutas ng 'di pagkakaunawaan ngayon.
Sa pananaw ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa nagaganap sa Sabah, sinabi ni Kalihim del Rosario na nasisiyahan ang samahan ng mga bansa sa ginawaga ng Malaysia at Pilipinas na kumikilos upang magkaroon ng payapang kalutasan ang situasyon.
Sa Lahad Datu, matatag na ang kalagayan ng pook bagama't hinahanap pa ng mga autoridad ang pinuno ng mga guerilyang mula sa Sulu. May 40 mga Pilipino ang detenido, may 22 may kaso at nabigyan na rin ng mga abogado. Hindi naging madali ang paghahanap ng mga abogadong magtatanggol sa mga Pilipinong may kaso sa Malaysia.
Isang banyagang magdaragat, nasawi sa pagpapaputok ng Philippine Coast Guard
NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang apat na banyagang bangkang pangsida sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas kahapon ng ika-sampu't kalahati ng umaga.
Ayon sa pahayag ni Coast Guard Commandant Rear Admiral Rodolfo Isorena at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Asis Perez, tinangkang sumakay ng mga tripulante ng Maritime Control Surveillance 3001 sa isa sa mga sasakyang-dagat at sa naganap na pagmamane-obra ng isa sa mga sasakyang Taiwanes at nagtangka itong banggain ang barko ng Pilipinas kaya't nagpaputok ng warning shots ang mga tauhan ng barkong Pilipino hanggang sa tamaan ang bahagi ng makina ng banyagang barko upang hindi na ito makapaminsala pa.
Nakita rin ng mga tauhan ng MCS 3001 ang 'di nakilalang grey and white ships na nag-utos sa mga banyagang barko na lumisan kaagad. Hindi na nabatid kung ano ang naganap sa mga banyagang barko. Nabalitaan na lamang nila na isang mangingisdang Taiwanes ang nasawi.
Ikinalulungkot ng mga pinuno ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pangyayari at gagawa sila ng kaukulang paraan upang huwag nang maganap pa ang insidente sa mga susunod na panahon. Daragdaran pa ng Pilipinas ang presensya nito sa Balintang Channel upang maiwasan ang paglabag sa nasasakop ng bansa.
Magkakaroon ng transparent and impartial investigation, dagdag pa ng dalawang opisyal. Aalisin ang lahat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard na lulan ng MCS 3001 hanggang hindi natatapos ang pagsisiyasat.
Simbahan, magmamasid sa halalan sa Lunes
PINAKIUSAPAN ni Fr. Edu Gariguez ang mga kasama sa Social Action Network ng Simbahang Katoliko sa buong bansa na kailangang magmasid sa magaganap na halalan sa Lunes, ika-13 ng Mayo.
Sa isang pahayag ni Fr. Gariguez, sinabi niyang naging aktibo ang Simbahan sa voters education, conscience and principles decision kung sino ang iboboto ayon sa kanilang mga paninindigan at iba pang mga paghahanda. Ang lahat ng ito'y magtatapos sa tinaguriang final exam sa Lunes.
Hiniling niya sa mga director ng Social Action Centers na magbahagi ng kanilang mga balita sa CBCP Media office at iba't ibang mga tauhan ng National Secretariat of Social Action Justice and Peace.
May koordinasyon din ang NASSA sa National Movement for Free Elections sa pagbabantay sa isasagawang halalan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |