|
||||||||
|
||
Mga kabaranggay, noon pong nakaraang Biyernes ay nagkaroon kami ng pagkakataon ni Pareng Ernest na koberan ang isang pangyayari sa International Department ng Beijing University of Chinese Medicine, doon sa distrito ng Dongzhimen
Sa pagtataguyod ng ASEAN-China Center, sentrong itinatag ng 10 bansang ASEAN at Tsina upang pasulungin ang pagpapalitan sa pagitan ng dalawang panig, ginanap ang isang lakbay-suri para sa mga embahador ng 10 bansang ASEAN hinggil sa Traditional Chinese Medicine o TCM。
Inilahad ng isang tagapagsalaysay ang naging papel ng mga dalubhasa ng ospital sa paglaban sa SARS, mga kooperasyon nito sa ibat-ibang bansa na gaya ng Alemanya, at pakikipagkooperasyon nito sa ibat-ibang media upang maipalaganap ang impormasyon hinggil sa TCM.
Ipinakita rin po sa mga embahador ng ASEAN ang mga makabagong pasilidad ng ospital at paraan ng paghahanda ng TCM, na gaya ng makabagong paraan ng pagpapakete, at pag-inom nito. At siyempre, inilibot at ipinakita sa mga embahador ang mga pasilidad ng ospital.
Kasama rin sa mga ipinakita ang Virtual consultation room, kung saan maaring makipagkonsultasyon ang pasyente sa kanyang doktor sa pamamagitan ng internet, ang therapy, examination, pain management at infra-red rooms, at siyempre ang VIP Rooms para sa mga espesyal na pasyente.
Siya nga po pala, ang International Department ng Beijing University of Chinese Medicine ay itinatag sa pamamagitan ng pondong ibinigay ng Tsina at 10 bansang ASEAN. Ito ay upang pasulungin ang pagpapalitan sa pagitan ng ASEAN at Tsina.
Si Propesor Li Xiaoli, Propesor ng Beijing University of Chinese Medicine
Si Ambassador Erlinda F. Basilio
Si Ginoong Ma Mingqiang, Director General ng ASEAN-China Center
Si Ernest at Ambassador Basilio
Si Lakay Rhio at Ambassador Basilio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |