Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang Pilipinong gustong umuwi sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-05-20 17:49:37       CRI

Walang Pilipinong gustong umuwi sa Pilipinas

SA likod ng nababalitang pananakit ng ilang mga Taiwanes sa mga manggagawang Pilipino sa Taiwan, wala namang nagbabalak umuwi sa may 90,000 manggagawang naroon.

Sa isang exclusive interview kay Ginoong Amadeo R. Perez, Jr, Chairman at Chief Executive Office ng Manila Economic Cultural Office, mayroong apat na insidente ng pananakit sa mga manggagawang Pilipino. Isa ang nasugatan sa paa at kinikilalang pinakamalubhang pangyayari. Mga menor de edad na Taiwanes na sakay ng motorsiklo ang sinasabing may kagagawan nito.

Sinisiyasat na ng mga autoridad ang mga insidente. Ibinalita rin ni Ginoong Perez na sa mga lugar na nagkaroon ng mga pananakit sa mga Pilipino ay makikita na ang mga pulis ng Taiwan na nagbabantay. Mayroong police visibility, dagdag pa niya.

Ipinarating niya ang pakikiramay ng mga mamamayang Pilipino at ng Pamahalaan ng Pilipinas sa pangyayari. Nagdala rin siya ng salaping ibinigay sa pamilya ng nasawing mangingisda. Ang salapi ay nagmula sa mga Pilipino at mga Taiwanes ng may kumpanya sa Pilipinas. Tumanggi naman siyang banggitin kung gaano ang salaping ipinagkaloob sa pamilya.

Hinihintay nila sa MECO na humupa ang tensyon sa Taiwan at magpapatuloy sa mga pag-uusap. Walang ipinipinid na pinto sa pakikipag-usap sa Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan, dagdag pa ni Ginoong Perez.

NEDA: kailangan ang pribadong sektor sa dagdag na trabaho

KAILANGAN ang ibayong suporta ng pribadong sektor upang magkaroon ng de-kalidad at pangmatagalang mga hanapbuhay upang umangat ang buhay ng mga Pilipino. Ito ang pahayag ng National Economic and Development Authority.

Ayon kay Kalihim Arsenio M. Balisacan, nasa kamay ng pribadong sektor ang susi tungo sa pagkakaroon ng de-kalidad at pangmatagalang mga trabaho sa bansa. Kailangan ang koordinasyon ng pamahalaan at akademya upang matugunan ang kawalan ng hanapbuhay ng mga Pilipino.

Ito ang kanyang mensahe sa isang pagtitipong binuo ng Ayala foundation sa Ayala Museum sa Makati City. Mataas umano ang unemployment rate ngayon kahit na sa mga nakapagtapos ng kolehiyo.

Sa datos na National Statistics Office nong Enero ng taong ito, 608,000 ang nadgdag sa labor force. Ang bilang naman ng mga nagkatrabaho ay umabot sa 606,000 katao at nangangahulugan na mayroong 2,000 nadagdag sa mga walang trabaho.

Malaki pa rin ang mismatch o hindi pagkakatugma ng mga pinag-aaralan ng mga estudyante sa pangangailangan ng mga nasa merkado.

Judicial Reforms, tututukan ng Mababang Kapulungan

PINURI ni House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. ang pangako ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ipagpapatuloy ang sinimulang judicial reforms.

Noong nakalipas na buwan ng Abril, lumagda si Pangulong Aquino sa mga kautusang bumubuo ng mga bangong sangay ng mga hukuman, Ang mga ito ay naglalayong maluwagan ang mga court dockets sa buong bansa, lalo na sa mga mahihirap.

Ayon sa datos ng Kongreso, may halos 55 bagong sangay ng mga Regional Trial Court at may 33 mga bagong sangay ng Metropolitan Trial Court ang nabuo sa buong bansa sa nakalipas na tatlong taon.

Sinabi ni Speaker Belmonte na malaki rin ang nagawa ng mga mambabatas na nag-akda ng mga panukalang batas lalo pa't nagkaroon ng mga bagong sangay ng mga hukuman sa General Santos City sa South Cotabato, Agusan del Sur, Negros Ocidental, Cebu, Aurora Province, Batangas, Romblon, Kalinga, Davao City, Zamboanga City, Compostela Valley, Tacloban City, Bislig City, Cavite, Calamba, Navotas, Valenzuela City at Bogo City sa Cebu.

Nagkaroon din ng Municipal Trial Courts sa mga pook tulad ng Puerto Princesa sa Palawan, Cagayan de Oro at Mismais Oriental.

Umaasa si Speaker Belmonte na higit na magiging aktibo ang mga kasapi ng 16th Congress.

Asia-Pacific Region, kailangan ng rehiyon ang ang "innovation", pagsasama-sama at pagtutulungan

ANG pagkakaroon ng "innovation," pagsasama-sama at pagtutulungan ang susi upang matamo ng rehiyon ang pangmatagalang kaunlaran. Kailangan ang mga ito upang masagot ang mga hamong hinarap at malutas ang mga suliranin, kabilang na ang pagkakaroon ng water security.

Ito ang talumpati ni Ginoong Takehiko Nakao, pangulo ng Asian Development Bank sa 2nd Asia-Pacific Water Summit na may temang "Leadership for Water Security in Asia and the Pacific" ngayon sa Bangkok, Thailand.

Kung mawawala ang katiyakan ng pagkakaroon ng tubig, mapipigil ang pag-unlad ng rehiyon ayon sa Asian Water Development Outlook 2013 na ginawa ng ADB at ng Asia-Pacific Water Forum, dagdag pa ni Ginoong Nakao.

Mayroong 60% ng mga tahanan sa Asia ang walang ligtas at dumadaan sa mga tubong tubig at maayos na mga palikuran. Umaabot lamang sa 22% ng wastewater ang dumaraan sa maayos na treatment. May 80% ng mga ilog ang nanganganib kaya't problemado ang freshwater resources at makakapinsala sa agriculture at fisheries production na aabot sa US $ 1.75 trilyon.

Nanawagan din siya sa mga delegado na magng masinop sa paggamit ng tubig at simulan ang paggamit na muli ng naganap ng tubig at magkaroon ng recycling. Kailangan din umanong maghanap ng mga pagkaing hindi gumagamit ng maraming tubig upang magkaroon ng "more crop per drop."

Nararapat ding ibalik ang buhay at kalusugan ng mga ilog at aquatic ecosystems, dagdag pa ni Ginoong Nakao. Binigyang-diin niya ang nagaganap sa Tsina, sa pagtutulungan ng Asian Development Bank at ng Tsina sa pagkakaroon ng wastewater treatment plants sa Songhua River basin. Umaasa ang ADB na may 15 milyon katao ang makikinabang sa pagkakaroon ng ibang hanapbuhay sa halip na magputol ng kahoy sa kagubatan.

Arsopbispo Ledesma, pinaalalahanan ang nahalal na punong-lungsod

BINIGYANG-DIIN ni Arsobispo Antonio Ledesma ng Cagayan de Oro ang mga nararapat gawin ng mga bagong halal na punong-lungsod, si Mayor Oscar Moreno at mga konsehal upang maka-angat ang lungsod sa kinalalagyan nito.

Ang mga ito ay pagpapabuti ng water system ng lungsod, mas maayos na programang pangkalusugan sa mahihirap, dagdag na salapi para sa pagamutang panglungsod, pagtutuon ng pansin sa peace and order situation, environmental preservation at pagpapanatili ng kalinisan, pagpapatupad ng mga batas trapiko, pagkakaroon ng transparency sa city hall at ang balanseng pinagsanib na urban-rural development.

Sa kanyang Misa noong Biyernes ng gabi sa Thanksgiving Mass ng grupo ng bagong halal na punong-lungsod, ipinarating ni Arsobispo Ledesma ang kanyang mga mungkahi kasabay ng panawagang manatiling nagkakaisa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>