Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Imbestigasyon sa Balintang Channel incident, halos tapos na

(GMT+08:00) 2013-05-21 20:53:41       CRI

SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na tanging ang imbestigasyon at pagsusuri sa barkong pangisda ng Taiwan ang kailangan upang matapos ang imbestigasyon sa pangyayaring naganap noong ika-siyam ng Mayo. (Isang mangingisdang Taiwanes ang nasawi sa insidente.) Na sa Taipei ngayon ang bangkang pangisda na nararapat suriin ng mga imbestigador ng National Bureau of Investigation.

Nakausap na umano ng pangulo si Kalihim Leila de Lima na nagsabing tapos na ang imbestigasyon maliban na lamang sa pagsusuri sa bangkang pangisda.

Sapagkat wala sa Pilipinas ang bangkang pangisda, naghihintay na lamang ng clearance mula sa Taiwan upang magtungo doon ang mga magsisiyasat.

Nagpasalamat din si Pangulong Aquino sa kautusan ni Pangulong Ma ng Taiwan sa panawagan niya sa mga taga-Taiwan na huwag nang salakayin ang mga manggagawang Pilipino sa Taiwan.

Pangulong Aquino, tumanggi sa panukalang baguhin ang Saligang Batas

TUMANGGI si Pangulong Aquino sa panukala ng kanyang mga kasamang mambabatas na baguhin ang Saligang Batas bago pa man magsimula ang ika-16 na Kongreso ng Pilipinas sa buwan ng Hulyo.

Taliwas ang pananaw ni Pangulong Aquino sa mga paniniwala ng ilang mambabatas na ilang probisyon sa larangan ng Ekonomiya, kabilang ang pagbabawal sa mga banyagang mag-ari ng mga lupain, ang nakasasama sa pagpasok ng foreign direct investments.

Sinabi niyang naniniwala siya na hindi sagabal ang Saligang Batas sa paglago ng kalakal ng mga banyaga sa Pilipinas, ayon sa Pangulong sa panayam sa Cavite na napakinggan sa Radyo ng Bayan.

Inihalimbawa ni Pangulong Aquino ang karanasan sa Tsina na umunlad kahit may pagbabawal sa pag-aari ng mga banyaga ng mga lupang sakahin. May mga pag-aaral na rin ang mga chambers of commerce na nagpapakitang ang mahinang kapayapaan at kaayusan sa mga barangay, ang bureaucratic red tape at kawalan ng mga pagawaing-bayan ang dahilan ng mabagal na pagpasok ng foreign investments.

Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na hindi kailangan ang pagbabago ng Saligang Batas ngayon.

May 32 milyong hanapbuhay ang kailangan taun-taon

TINATAYA ng International Labour Organization na mangangailangan ng may 470 milyong bagong hanapbuhay o 32 milyong trabaho taun-taon upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga mamamayang mula 15 taong gulang mula 2015 hanggang 2030.

Ayon kay Aurelio Parisotto, ang senior economist ng ILO, may pagsususring ginawa ang United Nations na pinamagatang 'My World' sa buong daigdig na nagtanong sa mga mamamayan ng 190 bansa para sa kanilang prayoridad para sa panahon pagkatapos ng 2015 development agenda. Prayoridad ng lahat ang pagkakaroon ng trabaho saan mang bahagi ng mundo. Nagkataon lamang na ang kasalukuyang employment scenario ay may kalabuan.

Iisa lamang sa bawat tatlong manggagawa sa daigdig ang nabubuhay ng mas mababa sa US $ 2 poverty line. Sila ay sumasahod, own-account workers or unpaid family labour subalit lugmok pa rin sa kahirapan, dagdag pa ni Parisotto.

Ang kabataan ang pinakaapektado ng unemployment sapagkat sa may 200 milyong walang trabaho sa buong daigdig, aabot sa 73 milyon ang mga kabataan.

Mapapa-aga ang 51st International Eucharistic Congress tuloy-tuloy

NAGHAHANDA na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa idaraos na 51st International Eucharistic Congress sa Lungsod ng Cebu. Sa isang panayam kay Archbishop Jose S. Palma, Arsobispo ng Cebu at Pangulo ng CBCP, sa halip na sa buwan ng Mayo 2016 ay sa Enero na ng 2016 ito gagawin.

Ipinaliwanag ni Arsobispo Palma na sa pinakahuling balita mula sa Vatican, sinabi ng nangangasiwa sa schedule ni Pope Francis na mayroon ding malaking okasyon sa darating na buwan ng Mayo kaya't upang maiwasan ang lubhang mahigpit na schedule, uunahin na ang 51st International Eucharistic Congress.

Nasa desisyon na ng Santo Papa kung daraan pa siya ng Maynila o diretso na sa Cebu para sa okasyon.

Sa tatlong pagdalaw ng Papa sa Pilipinas noong 1970 sa pagbisita ni Pope Paul VI at ni Blessed John Paul II noong 1981 at noong 1995 ay sa Apostolic Nunciature sila nanirahan.

Kung magtatagal siya sa Cebu ay sa Residencia del Arzobispo de Cebu maninirahan si Pope Francis.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>