Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, payag na ipakita sa mga imbestigador na Taiwanes ang video ng insidente

(GMT+08:00) 2013-05-27 18:08:50       CRI

Pilipinas, payag na ipakita sa mga imbestigador na Taiwanes ang video ng insidente

PUMAYAG ang Pilipinas na ipakita sa mga taga-usig na Taiwanese ang video ng Philippine Coast Guard na nagpapakita ng pamamaril sa isang bangkang pangisda ng Taiwan an ikinasawi ng isang mangingisda sa Balintang channel.

Ayon kay Deputy Director Virgilio Mendez ng NBI, ang lahat na kanilang tangan ay ipakikita sa mga imbestigador mula sa Taiwan.

Ang unang batch ng mga imbestigador ng Taiwan ay dumating sa bansa ilang oras matapos umalis ang mga tauhan ng NBI patungong Taiwan.

Ipinaliwanag ng isang imbestigador mula sa Taiwan na ang relasyon ay base sa pagpapalitan ng impormasyon, ang iaalok ng mga Taiwanes sa mga Pilipino ang inaasahan ding iaalok ng mga Pilipino sa mga Taiwanes.

Dumating na sa Taiwan ang walo-kataong imbestigador ng NBI kanilang umaga. Mahigpit umano ang seguridad sa Taoyuan International Airport ng dumating ang koponan sakay ng Philippine Airlines Flight PR 896. Makakausap nila ang mga opisyal ng MECO at Taipei Economic and Cultural Office at Ministry of Justice ng Taiwan. 

 Ayuda para sa mga naulila ng mga napaslang na kawal, tiniyak

MAY matatanggap na mga benepisyo ang mga naulila ng pitong tauhan ng Philippine Marines na nasawi sa Sulu samantalang nanawagan si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na magkaroon ng mas malakas na kampanya laban sa mga Abu Sayyaf. Sa iyang panayam, sinabi ni Ginoong Binay na ang mga Abu Sayyaf ang pinakasagabal sa kapayapaan sa Mindanao.

Ang Abu Sayyaf ang nakababalam sa peace efforts ng pamahalaan, dagdag pa niya sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kanina sa kanyang pagdalaw sa burol ng mga nasawing kawal sa punong himpilan ng Philippine Marines sa Fort Bonifacio.

Nakiramay si Ginoong Binay, isang Marine Reservist, sa mga pamilya ng mga naulila.

Aalamin din niya ang housing assistance para sa mga pamilya at dagdag na abuloy mula sa Alay sa Kawal Foundation na kanyang pinamumunuan. Mayroong tigta-tatlumpung libong piso mula sa Alay sa Kawal Foundation at mayroon ding halaga para sa mga nasugatan.

Pamahalaan, lumaki ang gastos noong Abril

IBINALITA ni Budget and Management Secretary Florencio B. Abad na lumago ang gastos ng pamahalaan noong nakalipas na Abril at umabot sa P 153.2 bilyon, may 25.3% increase mula sa P 122.2 bilyon boong Abril ng 2012. Ang disbursement level sa unang apat na buwan ng 2013 ay umabot sa P 580 bilyon na mas malaki ng P 66.9 bilyon o 12.9% kung ihahambing sa unang apat na buwan ng 2012.

Ibinalita na rin ni Abad na ang gastos sa mga pagawaing-bayan ay lumago ng may 40% kung ihahambing sa 2012. Ang Maintenance and Other Operating Expenditures ay lumago rin ng may 30%.

Sa reporma na ginawa ng pamahalaan at napaloob sa 2013 National Budget ang nakatulong na mapabilis at mabigyang pansin ang government spending. Nabibigyan ng kaukulang prayoridad ang mga palatuntunan at proyekto na magdudulot ng pangmalawakang pag-unlad.

Pilipinas at Brazil, lumagda sa air services agreement

LUMAGDA sa isang kasunduan ang Pilipinas at Brazil sa air services agreement sa tanggapan ng National Civil Aviation Agency ng Brazil. Magiging daan ang kasunduan upang magkaroon ng araw-araw na biyahe ang mga eroplano sa pagitan ng dalawang bansa.

Pinamunuan ni Undersecretary Rafael E. Seguis and delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng mga opisyal ng DFA, CAB, Department of Transportation and Communications, Department of Tourism at Philippine Embassy sa Brazilia. Nakipag-negosasyon ang Pilipinas para sa kauna-unahang ASA sa South America upang magkaroon ng bagong patutunguhan ang mga eroplano ng Pilipinas.

Sinabi ni Ginoong Bruno Silva Dalcolmo, Superintendent of International Relations ng ANAC at pinuno ng delegasyon ng Brazil, ang Pilipinas ang siyang pinakamagandang daanan patungo sa Asia.

Programa sa pabahay ng Simbahan, pakikinabangan na

PINAGHAHANDAAN na ang turn-over ng 100 mga bagong tahanan sa mga napinsala ng bagyong Pablo noong Disyembre ng 2012. Sa panayam kay Bishop Wilfredo D.Manlapaz ng Radyo Veritas, sinabi ng obispo na maraming nawalan ng mga tahanan dahilan sa bagyo. Target nilang ibigay ang may 100 unit sa 100 pamilya ngayong Mayo.

Mayroon ding housing project ang CBCP NASSA para sa higit sa isang daang pamilya sa Compostela Valley.

Nagpasalamat siya sa lahat ng tumulong tulad ng Caritas Manila at sa Parokya ng San Juan Bautista na mas kilala sa pangalang Basilica Minore ng Itim na Nazareno at sa buong Arkediyosesis ng Maynila.

Sa Diocese of Tagum ay may 50,000 mga pamilya angh apektado ng bagyo, nawalan ng hanapbuhay, tahanan at iba pang pagkakakitaan.

Ito ang dahilan kaya't ang prayoridad nila ay ang pagpapatayo ng talahan at mga kapilya sa mga pook na lubhang napinsala ng bagyo't baha.

Niliwanag ni Bishop Manlapaz na ang lahat ng itatayong tahanan ay nararapat magkaroon ng clearance mula sa pamahalaan na wala sa danger zones ang pagtatayuan ng mga bagong tahanan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>