|
||||||||
|
||
20130530rhio
|
Mga kabaranggay, noong nakaraang linggo ay pinag-usapan natin ang buhay ni David Liao, isang Malaysianong guro na nagtuturo ng Ingles sa Changjiao, isang liblib na baranggay sa probinsya ng Guangdong.
Pinag-usapan din natin ang mga dahilan kung bakit napili ni David ang Changjiao, ano ang kanyang misyon, ano ang kanyang kaugnayan sa lugar na ito, at ano ang kanyang hinahangad na maisakatuparan.
Pero, sa ating pakikipag-usap sa kanya, napag-alaman nating hindi lamang Ingles ang kanyang tinuturo. Sa loob ng 11 taong pananatili sa nasabing baranggay, at sa tulong ng ilang mabubuting-loob na kaibigan, nagbibigay na rin ng scholarship si David sa mga batang may-kakayahang mag-aral sa kolehiyo, subalit hindi masuportahan ng mga magulang at involved na rin siya sa community development.
Ngayong gabi, mga kabaranggay, ang gawaing ito ni David Liao ang ating pag-uusapan.
"Parangal para sa huwarang modelo ng mga Overseas Chinese"
Si David Liao, habang nagtuturo ng Ingles.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |