|
||||||||
|
||
melo20130530
|
Gross Domestic Product ng Pilipinas, lumago ng 7.8%
IBINALITA ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas at umabot sa 7.8% sa unang tatlong buwan ng 2013.
Sa isang press briefing kanina, sinabi ni Kalihim Balisacan na nahigitan ng 7.8% growth ang market forecasts, pati na rin ang kanyang personal na pagsusuri. Ito rin ang pinakamataas sa East at Southeast Asian economies kung ihahambing sa Indonesia na nagkaroon ng 6.0%, Thailand na mayroong 5.3%, Vietnam na mayroong 4.9% at People's Republic of China na nagkaroon ng 7.7%.
Naganap ito sa panahon na ibinaba ng OECD ang growth forecast para sa taon sa mga nangungunang bansa at maging sa Tsina.
Ang Gross Domestic Product noong 2012 ay umabot sa 6.8%.
Ipinaliwanag pa ni Kalihim Balisacan na ang business confidence at consumer optimist ang naging dahilan ng paglagong ito. Natugunan na rin ang problema sa larangan ng mga pagawaing-bayan. Nagkaroon ng 45.6% increase sa public construction.
Nananatili silang umaasa na maghahari ang macroeconomic stability lalo't ang inflation ay mababa at matatag samantalang ang fiscal deficit ay nasa sustainable levels.
Sugo ng Pilipinas sa Saudi Arabia, nakipag-usap sa deputy interior minister
NAG-USAP sina Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin Tago at Saudi Deputy Interior Minister Ahmed bin Mohammed Al-Salem sa Ministry of Interior sa Riyadh kahapon. Pinag-usapan ang mahahalagang isyung may kinaman sa mga Filipino expatriates sa Kaharian ng Saudi Arabia. Kasaya niya si Consul General Marshall Louis Alferez at Labor Attache Adam Musa.
Nagpasalamat si Ambassador Tago kay Deputy Minister Al-Salem sa ngalan ng mga Pilipino sa Kaharian, partikular sa tagapangalaga ng Dalawang Banal na Mosque sa corrective perior na inihayag noong Abril 6 na pumapayag sa mga expatriates na maisaayos ang kanilang katayuan sa loob ng 90 araw hanggang ikatlong araw ng Hulyo.
Pinuri ni Ambassador Tago ang guidelines na ipinatupad ng Ministri ng Interior at Paggawa na nagbigay ng iba't ibang facilities at waivers sa mga kaparusahan at multa upang maisaayos ang kanilang status.
World Health Organization, nanawagang ihinto na ang patalastas sa mga sigarilyo
BILANG paghahanda sa World No Tobacco Day bukas, nanawagan ang World Health Organization sa Maynila para sa malawakang pagbabawal sa lahat ng advertising, promotion at sponsorship ng tabako.
Ayon kay Dr. Shin Young-soo, isinasaad sa WHO Framework Convention on Tobacco Control, ang mga pamahalaan ay nararapat lamang kumilos upang ipagbawal ang tobacco advertising, promotion at sponsorship. Nararapat umanong pigilan ang agresibong pagbibili ng mga produktong dahilan ng addiction, kahirapan at milyong kamatayan sa bawat taon.
Kabilang ang pagbabawal sa Point-Of-Sale advertising, ang pinakahuling paraan ang advertising na pinapayagan ng karamihan ng mga bansa. Ang mga bata ay nahihhimok manigarilyo.
Matapos ipagbawal ang advertising sa broadcast media, billboards at print media sa Hong Kong Special Autonomous Region, napuna nilang mas alam ng mga bata ang marka ng mga sigarilyo dahilan sa point-of-sale advertising at sponsorship.
Sultan ng Sulu, muling dumalaw sa CBCP
SA ikalawang pagkakataon ay dumalaw kahapon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines si Sultan Jamalul Kiram III at kinausap si Cebu Archbishop Jose S. Palma na pangulo ng kalipunan ng mga obispo sa paghahanap ng payapang paraan upang matamo ang kalutasan sa Sabah.
Sa ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang buwan, ang pagpupulong na tumagal ng dalawang oras ay follow-up sa unang pulong noong unang araw ng Abril.
Ayon sa tagapagsalita ng Sultan, si Abraham Idjirani, layunin ng pag-uusap ang matamo ang kapayapaan sa Sabah at sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Nagkaroon umano ng mungkahi mula sa Vatican na magpulong ang dalawang papal nuncio, sina Archbishop Giuseppe Pinto ng Pilipinas at Archbishop Joseph Marino, ang papal nuncio sa Malaysia, upang pag-usapan ang mga isyu.
Kung walang kalutasan sa larangan ng politika, marahil ay magkakaroon ng puwang sa humanitarian angle sapagkat mga Muslim at Kristiyano na ang magtutulungan, dagdag pa ni Idjirani.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |