Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Imbestigador mula Taiwan, umuwi na; NBI dumating na sa Maynila

(GMT+08:00) 2013-05-31 18:21:31       CRI

Mga Imbestigador mula Taiwan, umuwi na; NBI dumating na sa Maynila

UMUWI na sa Taiwan ang koponan ng mga imbestigador na dumalaw sa Pilipinas upang alamin ang detalyes ng pagkakapaslang sa isang mangingisda noong ika-siyam ng Mayo. Dala nila ang sinasabing video na kinuha sa insidente ng Philippine Coast Guard.

Walang sinabi ang magkabilang-panig sa nilalaman ng pelikula. Naniniwala ang Pilipinas na naipakita sa pelikula ang self-defense ng mga tauhan ng coast guard at fisheries. Naniniwala naman ang ilan sa Taiwan na overkill ang naganap.

Naniniwala si Manila Economic and Cultural Office chairman Amadeo Perez, Jr. na maaaring kailangan ng mga imbestigador ang pelikula upang matapos ang kanilang imbestigasyon. Dala rin nila ang mga dokumento at pahayag na kanilang natamo sa apat na araw na imbestigasyon sa Maynila.

Sakay ng China Air Lines ang pito kataong imbestigador at taga-usig kaninang ika-sampu at kalahati ng umaga pabalik sa Taiwan.

Nakatakda namang dumating kanilang ikalawa ng hapon ang koponan ng NBI na inaasahang mag-uulat kay Kalihim Leila de Lima ng Kagawaran ng Katarungan.

Tatlumpu't walong akusado sa naganap sa Sabah, nasa provincial jail na

MANANATILI sa piitan ang 38 akusado hanggang sa hindi makakaipon ng salaping pangpiyansa na nagkakahalaga ng higit na P 3 milyon. Sinabi ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta na nailipat na sila mula sa naval port sa Batu-Bato patungo sa Tawi-Tawi Provincial jail na napakainit.

Nakakaawa ang kanilang kalagayan sa piitan, dagdag pa ni Atty. Acosta. May kasong illegal possession of firearms, paglabag sa Comelec gun ban at inciting to war. Nakuha sa 38 ang 11 pirasong baril. Isa sa mga akusado ay isang matandang babae na posibleng nakasabay sa deportation mula sa Sabah.

Nagmula sa P 6.2 milyon ang piyansa subalit sa pakiusap ng Public Attorney's Office ay napababa sa halagang P 3.1 milyon.

Mayroong re-investigation na isinasagawa sa pamamagitan ng Kagawaran ng Katarungan. Naghihintay si Atty. Acosta na kalalabasan ng re-investigation ng Kagawaran ng Katarungan.

Mga pag-ulan, hindi pa hudyat ng pagtatapos ng tag-init

ILANG araw nang nakakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at mga kalapit pook subalit hindi ito nangangahulugan na nagtapos na ang tag-init.

Nadarama pa rin ang epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Palawan at Mindanao kaya't kalat ang pag-ulan sa mga pook na ito. Nagmula ang balita kay Aldczat Aurelio, isang weather forecaster.

Ani Aurelio, napaka-aga pang ideklara na nagsimula na ang tag-ulan. Kabilang sa sukatan kung nagbago na ang panahon ay pagkakaroon ng 25 millimetro ng ulan sa nakalipas na limang araw, tatlong sunod na araw na may isang millimetrong ulan.

Karaniwang naidedeklara ang tag-ulan sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo. Sa kanilang pagtataya, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may banayad na pag-ulan at pagkulog, pagkidlat sa Gitnang Luzon, Metro Manila at CALABARZON.

Exhibition tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isasagawa ng Tulay Foundation

ISANG natatanging exhibition ang isasagawa ng Tulay Foundation, Inc. sa pakikipagtulungan sa National Historical Commission of the Philippines, Veterans Federation of the Philippines at Wha Chi 48th Squadron na magtatampok sa mga masasakit na pinaggaggawa ng mga kawal Hapones noong ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ayon kay Manuel O. Chua, isa sa mga namumuno sa Tulay Foundation, Inc., gagawin ito sa darating na Biyernes, ika 14 sa buwan ng Hunyo sa ganap na ika-sampu ng umaga sa ika-apat na palapag ng National Historical Commission of the Philippines sa T. M. Kalaw St., Ermita, Manila.

Ang pinaka-exhibit ay sisimulan sa ika-14 hanggang ika-17 ng Hunyo mula ika-sampu ng umaga hanggang ika-apat ng hapon. Samantala, mayroong exhibit sa ika-18 hanggang 23 ng hunyo sa Ground Floor ng Federation Center Building ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce, Inc. sa Muelle de Binondo St., Binondo, Maynila.

Sabi ng pari kay Comelec Chairman Brillantes: Huwag magtaray

MATAPOS sabihin ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa mga mamamahayag na hindi dapat nakikialam ang Simbahan sa nagaganap sa Comelec, sinagot naman ni Fr. Edu Gariguez, ang executive secretary ng CBCP – National Secretariat of Social Action na hindi nararapat maging balat-sibuyas at magtaray ang Commission on Elections dahilan karapatan ng mamamayan at ng Simbahan na hanapin ang katotohanan. Nararapat managot ang Comelec sa mga mamamayan.

Idinagdag pa ni Fr. Gariguez na kung magbibitiw si Chairman Brillantes ay makabubuting magbitiw na siya. Hindi mapipigil ang Simbahang magsalita lalo pa't nakasalalay sa ang kapakanan, moralidad at integridad ng bayan. Common good ang nakataya kung kaduda-duda ang nakalipas na halalan, dagdag pa ng pari.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>