Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, makakausap si Myanmar President Thein Sein at Madam Daw Aung San Suu Kyi

(GMT+08:00) 2013-06-04 18:06:22       CRI

Pangulong Aquino, makakausap si Myanmar President Thein Sein at Madam Daw Aung San Suu Kyi

DADALO si Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa World Economic Forum on East Asia sa darating na Biyernes (ika-7 ng Hunyo) sa Myanmar.

Sa Nay Pri Taw, kapitolyo ng Myanmar, makakausap niya si Pangulong Thein Sein upang talakayin ang mga repormang ipinatutupad ng Myanmar at mga paraan upang mapalakas ang patutulungan sa pag-itan ng dalawang bansa at sa pamumuno ng Myanmar sa ASEAN sa 2014.

Ayon sa balitang mula sa Tanggapan ng Pangulo, makakausap din niya ang mambabatas at pinuno ng National League for Democracy (NLD), ang lider ng oposisyon at Nobel Peace Prize awardee na si Daw Aung San Suu Kyi. Magpapalitan sila ng pananaw sa mga nagaganap sa Myanmar at kung paano magagamit ang pagpapanday ng batas upang magkaroon ng tunay na pagbabago.

Ito ang unang pagdalaw ni Pangulong Aquino sa Myanmar at unang pagdalaw ng Pangulo ng Pilipinas mula noong 1997.

Yumayabong na kalakal ng mga sasakyan, namimiligro sa mga smuggled at segunda manong mga sasakyan

SA isang pagsusuri ng Philippine Institute for Development Studies, ang lumalakawak at lumalakas na middle-income population at bilyun-bilyong dolyar na salaping mula sa mga manggagawang nasa ibang bansa ang magpapalakas ng industriya ng mga sasakyan. Makararating na rin sa Pilipinas ang ikatlong pagkakataon na motorization sa rehiyon mula 2015 hanggang 2022. Ang lahat ng ito'y namimiligro sa pagpapatuloy ng smuggling at pag-aangkat ng mga sengunda-manong mga sasakyan.

Sa pag-aaral ni Senior Research Fellow Rafaelita Aldaba, tumingkad na hadlang sa pag-unlad ng auto industry ang smuggling at pagpasok ng mga segunda-manong mga sasakyan. Pinag-aralan din ang malabong mga alituntunin, hindi pagkakatugma ng datos sa mga rehistradong mga sasakyan at pagkawala ng kita ng industriya.

Ginagamit ng mga mangangalakal ang mga free port at iba pang special economic zones upang ipasok ang mga pinag-lumaan nang mga sasakyan upang makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis. Ang smuggled vehicles at mas mababa ng 30-50% kaysa sa mga bagong sasakyan at nagbibigay ng matinding kompetisyon sa mga taal na mangangalakal.

Hindi rin tugma ang datos ng Land Transportation Office at ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines. Noong 2009, ang LTO ay nagsabing nairehistro nila ang 182,589 na mga bagong sasakyan samantalang ang record ng CAMPI ay nagsasaad lamang ng 132,444 na sasakyang naitala. Maliwanag ang gap na 27% na mangangahulugan ng revenue losses o calculated tax leakages na nagkakahalaga ng P 21 bilyon.

Pagtutulungan, mahalaga sa payapang paggamit ng nuclear technology

NANAWAGAN si Foreign Affairs Undersecretary for Policy Evan P. Garcia para sa ibayong pagtutulungan sa payapang paggamit ng nuclear technology at pagtugon sa mga peligrong dulot nito.

Ani Undersecretary Garcia, ang mga kasama sa ASEAN Regional Forum ay mayroong iisang taya sa payapang paggamit ng nuclear technology na kabilang sa mga karapatan ng mga kasaping bansa sa Nuclear Non-Proliferation Treaty kasabay ng kaukulang responsibilidad.

Ito ang buod ng kanyang talumpati sa 5th ARF Inter-Sessional Meeting on Non-Proliferation and Disarmament sa Makati City kanina.

Idinagdag pa niya na ang nagaganap sa daigdig ang nagdudulot ng peligro tulad ng nuclear terrorism at ang kawalan ng katiyakan sa kaligtasan. Kailangan ang pagpapalakas ng pang-rehiyon at pandaigdigang pagbabahaginan, pagtutulungan at capacity-building upang harapin ang kasalukuyang hamon.

Ang Pilipinas, Australia at Japan ang magkakasama sa pamumuno sa pagpupulong na nakatuon sa peaceful uses of nuclear technology.

May mga kinatawan mula sa 23 bansa at mula sa international organizations tulad ng International Atomic Energy Agency o IAEA, Comprehensive Nuclear-Test-Ban Treaty Organization Preparatory Commission, Global Preparatory Commission at iba pang mga samahan ang nagpadala ng mga kinatawan sa pagpupulong.

May mabuting ibubunga ang pagpupunyagi, ani Cardinal Tagle

ANG INVESTMENT SA TAO AY NAPAKAHALAGA.  Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle sa kanyang talumpati sa mga scholar at mga magulang na tinutustusan ng SM Foundation sa isang pagtitipon.  Ang paggugol sa edukasyon ay pagtustos na rin sa magandang kinabukasan, dagdag pa ni Cardinal Tagle. (Contributed photo)

PINURI ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle ang scholarship program na ipinatutupad ng SM Foundation sapagkat ito ang pinakamagandang tustusan liban sa lupa at mga ari-arian.

Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng mga SM Scholars ng SM Foundation, sinabi ni Cardinal Tagle na ang investment sa tao at kanilang buhay ay maituturing na pagtustos para sa kinabukasan ng bansa.

Hindi lamang basta edukasyon ang nararapat ibigay sa tao sapagkat dumarating ang pagkakataon na sa dami ng nalalaman ng tao ay lumalaki ang kanyang ulo na nauuwi sa kayabangan.

Idinagdag ni Cardinal Tagle na ang edukasyon ay nangangahulugan ng paghubog sa tao. Naalala rin ng cardinal ang sinabi ng isa nilang propesor noong nag-aaral pa lamang siya na ang bawat sanggol na isinisilang sa daigdig, ay isang pagtatangka ng kalawakan na magkaroon ng mas magaling na nilikha.

Ang edukasyon ay isang social responsibility, dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Sa kanyang talumpati, pinasalamantan niya ang pamilya ni Henry Sy at lahat ng tumulong sa SM Foundation upang itaguyod ang scholarship program. Magugunitang isang Tsinong mula sa Xiamen si Henry Sy ng makarating sa Pilipinas at nagsimula ng kanyang ShoeMart sa Carriedo noong dekada sisenta at ngayo'y malawak na ang mga ari-arian bukod sa supermarkets, malls, mga condominium, malawak na lupain at bangko.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>